PART VIII: OUR EYES MET

3 0 0
                                    

Papunta na ako ngayon sa classroom ni Devi nang nakasalubong ko ang apat sa mga babaeng kaklase niya.

"Hi diba ikaw yung dinala ni Devi sa classroom? "tanong ng isa sakin

"Oo, bakit?" usal ko

"Uhm ako nga pala si Bianca, siya si Girly, siya naman si Hannah at siya si Lorwena." ngising pakilala niya

"Uhmm ako si Angel" ikli kong sabi

"Sa classroom ka ba namin pupunta?"

"Oo, hinahanap niya kasi ako"

"Naku, wala siya sa classroom eh. Nasa pool siya. Nagprapraktis para sa darating na intramurals ng school natin" ngisi nitong sabi

"Swimmer siya?" I asked confused

"Oo, dimo pala alam. Hahaha. Siya kaya ang pinakamagaling na swimmer dito sa school natin."

"Tara gusto mo ba samahan ka na namin?"

"Ok lang ba?" usal ko

"Oo naman"

Sinamahan nila ako papunta sa pool ng school kung saan naron si Devi.

"Wow! Ang laki pala talaga ng pool. dito sa school " imbit ko

"Oo, bakit, ngayon ka lang ba nakapunta dito" tanong ni Girly

"Oo" ikli kong sabi

"Bakit parang wala naman ata si Devi dito?" usal ko ng mapansin kong tahimik lang ang pool at paligid sa tantiya ko kami lang ata ang narito.

"HA!" bigla kong sigaw ng itulak nila ako sa pool.
"Tul-------tulo-----tulong-----ngan-----niyo---ako" pagmamakaawa ko sa kanila habang akoy nalulunod na

"Dapat lang yan sayo dahil masyado kang makapal."

"Kaya nga! Hinahanap daw siya ni Devi? Gaga! Assuming!"

Usal nila tsaka ako iniwan. Kahit anong pilit kong umahon ay di ako makaahon dahil sa di ako marunong lumangoy. Tuluyan na akong nagsink sa ilalim ng tubig. Naalala ko tuloy yung araw na nalunod ako sa dagat.

Meron kasing isang babae na gustong magpakamatay kaya agad akong lumusog sa dagat para iligtas siya pero nakalimutan ko na di pala ako marunong lumangoy. Kaya ako ang nalunod.

Ganitong-ganito ang nangyari sakin noon. Nalunod ako na nakadilat ang mata. Akala ko mamatay na ako noon pero merong nagligtas sakin. Diko lang matandaan kong sino basta ang pagkakaalam ko babae siya dahil mahaba ang buhok niya.

Nang magising ako ay nasa ospital na ako at di rin naman daw nakita nila  ang nagligtas sakin dahil nung nakita nila ako nasa tabi ng dagat wala na akong malay.

"Ayaw ko pang mamatay"

"Lord help me please"

"Kailangan pa ako ng pamilya ko"

Usal ko sa isip ko habang tuluyan na akong nalunod sa tubig na nakadilat ang mata. Unti-unti nang naninikip ang aking dibdib dahil sa nahihirapan na akong huminga. Nang bigla nalang may tumalon mula sa itaas ng tubig at lumangoy ito paibaba tungo sakin.

Napangiti ako nang makita ko siya. Natatabunan ang mukha niya sa kanyang buhok bawat langoy niya.
Hangga't sa tuluyan ko ng ipinikit ang aking mata.

-------------------------

PAKKKKKKKKKKKKKKKKKK

Malakas kong sampal sa pisngi ni Devi ng akma niya sana akong halikan ng magising ako na nakahiga sa floor sa gilid ng pool. Parehas kaming basang-basa.

"Ouchhhhhh sakit nun huh! " imbit niya sabay tinulak ko

"Ano bang ginagawa mo huh?" inis kong tanong

"Can't you see? I'm trying to save you! Tapos sampal lang pala aabutin ko imbes na magpasalamat ka sakin" disappointed niyang sabi

When Angel Run Into the Devil (COMPLETED)Where stories live. Discover now