PART XXV: I'VE BEEN HURT, BECAUSE I'VE BEEN LOVED

3 0 0
                                    

[ ANGEL's POV ]

Sakay na ako ngayon ng taxi habang tinignan ko si Devi na nakatayo lang matapos ko siyang iwan. Hindi ko alam pero ulit na naman akong kinabahan dahil sa kanya. He makes my heart race faster again.
Pero diko alam kung ano ang gagawin ko maniniwala ba ako ulit sa kanya? Susundin ko ba ulit ang puso ko o hindi? Takot na ako na umibig ulit sa kanya.
"Ouh iha? Ba't ka andito? Gabing-gabi na huh?" tanong sakin ni Madame Lexie
Madame Lexie is my friend at tinuturing ko siya na aking pangalawang ina for some reason.
"Madame...ano napo ang gagawin ko? Natatakot po ako?" usal ko habang umiiyak
"Ano ba kasing nangyari sayo?" pag-aalala niyang sabi
"He came back. After so many years. He came back again. And I know...he will ruin my life again." usal ko at tsaka niya ako niyakap
"It's okay...You have me. You have us. Me and baby Devian." she utter sabay hinaplos-haplos ang aking likuran
"Pwede po bang dito na ako matulog?" usal ko
"Oo naman."
"Pwede bang tumabi ako kay Devian?"
"Of course you can. Siguro natutulog na yun ngayon."
Umakyat na ako sa kwarto ni Devian at tumabi na ako sa kanyang. He's sleeping tight and I hugged him in the back. Palagi talaga akong napapasaya ni Devian sa twing nalulungkot ako kaya mahal na mahal ko ang batang to eh.
Devian is a 6 years old boy and he's really cute. He looks like Devi. Kaya naman nung mga araw na namimiss ko si Devi siya palagi ang gusto kong makita.
Meron na akong baby Devian kaya I should stop myself to have Devi.
I kissed him in the forehead and I started to close my eyes.
Maaga na at nagising nalang ako ng naramdaman kong may naglalaro ng aking tenga.
"What are you doing? huh?" usal ko sabay dinilat-dilat ang aking mga mata.
"Hahaha" he laughed and he's really cute dahilan na hinila ko siya pahiga katabi ko and we giggles
"Ate Angel, why did you sleep here?" he asked while smiling and her tiny hands is holding my hand
"Ahmmm...because...I miss you?" usal ko
"Hahaha" he laughed again dahilan na parang nawala lahat ng worries ko
"Ate Angel...can we go out? Namimiss ko na kasi lumabas kasama ka eh"
"Sige ba! Kapag pumayag si Mommy mo. Lalabas tayo sa weekend. Okay ba yun?" I utter
"Yehey! Yehey!" masaya niyang sigaw
"Pero bago ang lahat..." usal ko sabay bumangon at nakaupo na ako ngayon sa kama and he's laying on the bed like a baby
"Kiss mo muna ako" ngisi kong sabibat agad siyang bumangon at kiniss ako sa pisngi
"Ahmm sa kabila din" ngisi kong sabi ulit at kiniss niya rin ang kabila kong pisngi
"Ahmmm...tingin ko kulang pa eh" pabiro kong sabi
"Hahaha" he laugh again and kissed me on my forehead, nose, eyes and lips.
"Hahaha. Okay na ba yun?" he asked me while smiling
"Ahmmm hug me tight" usal ko at niyakap ako ng mahigpit
_________________________
Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta saking office nang bigla nalang napasigaw ako dahil may humila saking kaliwang kamay papunta sa laboratory room pero tinakpan niya ang aking bibig. Nang makapasok na kami sa laboratory ay agad niya akong isinandal sa wall.
And I remember again yung mga ganitong pangyagari 6 years ago. And it was Devi again.
Nang makita ko ang mukha niya sa malapitan ay talagang marami na ang nagbago sa kanya and he became really handsome. And isa lang ang hindi nagbago sa kanya his eyes.
His eyes still looks like a devil. Yung para bang hihigupin niya ang mga mata mo sa matutulis niyang tingin. Dahilan na tumibok na naman ang aking puso ng sobrang bilis.
"Ano ba Devi!?" sigaw ko sabay inalis ang kamay niya na tinakip saking bibig.
"I'm sorry if I do this again to you." he said coldly
"Didiretsuhin na kita. I don't wany-----" putol kong saad ng bigla niya nalang akong niyakap ng mabigpit
"Ano ba Devi!" sigaw ko sabay pinilit na alisin ang yakap niya pero napakalakas niya kaya diko ito maalis
"Devi! Ano ba! Baka may makakita sat----"
"I miss you so much Angel Euphoria Cassedaine Frielle" he said while his voice is shaking
"Ano ba...." tanging usal ko nang bigla ko nalang naramdaman na parang bumasa ang aking white robe.
"You know how much I hated the words, I'm Sorry. And I know I never said it to you before. Kaya naman...." hikbi niyang sabi dahilan na nakaramdam ako ng kirot saking puso. This was the second time na nakita ko si Devi na umiiyak
"I'm Sorry." he said sincerely dahilan na bumagsak ang mga luha saking mata. It just that I've felt his sincerity
"I'm sorry for everything....for everything I've done to you before..." dagdag niya at inalis ang pagkayakap sa akin and he looked at me
"And I'm sorry also....for everything...for everything na magagawa ko pa..." he said seriously
"What...are you...trying to say..." usal ko
"Starting today...hindi ako magsasawang sabihin sayo ang mga katagang "I'm Sorry". Starting today I will always love you. No matter what." dagdag pa niya
"Tapos kana ba?" usal ko
"Ako naman. Tapos ko ng sabihin sayo...6 years ago...I don't want to see you anymore. And you also said that before. Ok na ang buhay ko." imbit ko na may kirot sa puso
"I don't want you...to involve again...in my life..and I don't want to in------" putol kong saad ng bigla niya nalang akong sinunggaban ng madiin na halik
PAKKKKKKKKKKKKKKKK
Isang malakas na sampal ang tinama ko sa kanyang pisngi. Kahit diko aminin alam kong mahal ko pa siya. At alam kong namimiss ko ang kanyang mga halik. Ang kanyang mga labi. Pero ayaw ko ng masaktan ulit. I've carried a lot of worries before because of him.
Matapos ko siyang sampalin ay agad na akong lumakad ng bigla na niya lang hinawakan ang aking kamay.
"Alam kong naging tanga ako before...pero ngayon di na ako magiging tanga...at di na kita hahayaan pang makawala pa sa akin." he uttered while holding my left hand agad ko itong iniwaglit
"Wala na akong pakialam dun." usal ko at lumakad na ng may naalala ako
"Ahhh tsanga pala...Wag kang mag-alala...babayaran ko laht ng perang binigay mo sa akin noon. Dahil diko yun hiningi sayo." seryoso kong sabi at tsaka lumakad na
____________________
"Bakit parang may iba sayo ngayon doc Angel?" tanong sakin ni Katherine
"Huh? Ahhh wala to." usal ko
"Iche-check ko na ang pulse mo" usal ko at kinuha ang kanyang kamay para kunan siya ng pulse
"Alam mo doc...natatakot ako sa...darating na operation ko." sje utter
"Bakit naman? Wala ka bang tiwala kay Dev...ahhh sa doctor na magpeperform ng surgery mo?" tanong ko
"Hindi naman. I trust him. Tsaka alam kong magaling siyang doctor at alam ko na kaya niya akong galingin" imbit niya
"Ganun naman pala eh. Bat ka natatakot?" ika ko
"I am afraid that, baka pagkatapos ng surgery ko...makalimutan ko na ang taong tinitibok ng puso ko" usal niya dahilan na ikatulala ko
"Pero diba...sinaktan ka ng taong mahal mo? Diba iniwanan ka niya. Mas okay narin na makalimutan siya ng puso mo." I explain
"No. Mali ka. Mas diyan ako natatakot. I know he hurts me. And I know how hurt it is. That is why I don't want to forget it."
"Alam mo...nakakalito ka..haha" tawa kong sabi
"I don't want to forget..." usal niya na bigla nalang tumulo ang luha niya
"Hey...are you okay?" imbit ko
"It just that...I've been hurt... because I've been love by him.huuu" she said while sobbing
"Nasaktan ako kasi naranasan kong  mahalin niya."
"Mas okay lang na masira ang mga mata ko wag lang puso ko. Kasi...there are a lot of memories that I kept it here. Kaya pag nangyari yun...natatakot ako...huuuhuhu" usal niya na humikbi kaya I hugged her
By what she said para bang nakaramdam ako ng lungkot kaya napaluha nalang din ako.
"I'VE BEEN HURT, BECAUSE I'VE BEEN LOVED."
Mga salita na gumugulo saking isipan ngayon at naging palaisipan sa akin.
__________________________
Pabalik na ako ngayon sa aking office ng makita ko si Devi na may chinecheck na pasyente. Hindi ko alam pero...nang makita ko ang mga ngiti niya habang kausap ang pasyente niya ay natulala nalang ako at hinayaan ang aking sarili na tignan siya.
His beautiful eyes I miss. His beautiful smile I miss. I really miss him so much. Nang bigla ko nalang maalala ang mga yakap niya sa akin pati na ang halik niya.
""It just that...I've been hurt... because I've been love by him.huuu"
Naalala ko ang sinabi ni Kristine kanina sa akin. She's right kaya tayo nasasaktan dahil naranasan natin na mahalin. Ilang minuto lang akong nakatayo habang minamasdan lang si Devi.
"Waohh!" sigaw ko ng bigla nalang akong ginulat ni Alexander
"Ano bang tinitingnan mo diyan? Si Doctor Devi?" usal niya
"Hindi noh!" defensive kong sagot
"Mas gwapo naman ako sa kanya huh? Kaya sakin kanalang tumingin. Sakin lang." usal niya dahilan na agad akong lumakad at agad naman siyang sumunod sakin
"Joke lang. Hahaha" usal niya
"Totoo naman huh. Mas gwapo kapa kaysa sa kanya hahaha" biro kong sabi
"Niloloko mo lang naman ako eh." ngisi niyang sabi
"Sabay na tayong magsnack. First date natin." usal niya
"Ano kaba! Hinaan mo nga ang boses mo baka kasi may makarinig eh." usal ko
"Bakit? Wala namang masama na makipag-date huh? hahaha" tawa niya
"Sige. Sabay na tayo magsnacks pero libre mo.hahaha" biro ko
"Sure. Hahaha. Finally. Ilang beses mo talaga akong hinihindian siguro mga 100+ na ang bilang ko na inayawan mo ako eh. hahaha" usal niya kaya natawa nalang ako
____________________________
Nakaupo kami ngayon sa table ni Alexander habang kumakain ng snacks ng bigla nalang umupo sa aming table si Devi.
"Hi." ikli niyang bati samin
"Hi Doctor Devi." sagot naman ni Alexander napayuko nalang ako
Kumain lang kaming tatlo na hindi nag-uusap. Para kaming mga pipi na di makasalita. Hanggat sa natapos na kaming kumain ay bumalik na kami sa trabaho at habang pabalik na kami sa mga office namin ay nakasunod lang si Devi sa amin ni Alexander. Hindi ko alam pero napaka-awkward ng pangyayari na ito.
Nakabalik na ako sa aking office ngayon ng may nakita akong isang napakapulang rosas sa aking table. Kinuha ko ito at inamoy at sobra nitong bango. First time kong makatanggap ng rosas buong buhay ko kaya napangiti ako nang makatanggap ako ng isang rosas ngayon.
Napawi ang aking matamis na ngiti ng makakita ako ng isang sticky note saking table.
"A ROSE FOR THE ONLY GIRL THAT I WILL LOVE" -Devi-
Nakasulat sa sticky note. Naalala ko tuloy yung nga panahon na palagi niya akong binibigyan ng sticky notes. Hindi ko alam pero napangiti nalang ako ulit.
Dumaan ang ilang araw at di parin tumitigil si Devi sa panunuyo sa akin. Ibang-iba na talaga siya dahil  noon ay di mo talaga masasabi kung gusto ka nga niya ba o hindi. Kasi di niya pinapakita. Pero ngayon pinapakita na niya sa akin na talagang gusto niya ako. Pero agaw kong maniwala sa kanya.
Pauwi na ako ngayon sa bahay galing trabaho nang naabutan ko si Aedelle na nakatayo sa harap ng gate namin.
"Ouh! Anong ginagawa mo dito? Ako bang hinihintay mo?" ika ko
"Ahhh hindi ate. May hinihintay lang ako." sagot niya
"Sino naman? Classmate mo?" tanong ko
"Hindi..yung ano..."
"Ayan! Nandito na siya!" sigaw niya na nakangisi
Agad kong tinignan kung sino ang hinihintay niya. Nakakotse ito kaya naman diko mawari kung sino ba ang hinihintay niya. Nang huminto na ito sa tapat ng aming bahay at nabigla ako nang ang lumabas sa kotse na hinihintay ni Aedelle ay si Devi pala
"Anong ginagawa mo rito?" pagtataka kong tanong
"Bakit ate kilala mo siya?" pagtatakang tanong sakin ni Aedelle
"Do you not recognize him? He's Devi." usal ko siguro dahil sa ilang taon na ang lumipas kaya nakalimutan na ni Aedelle ang mukha ni Devi at dahil sa malaki na ang pinagbagi ni Devi. Dahil sa mas gumwapo pa ito.
"Si kuya Devi?"
"You're Aedelle?" bigla ring tanong ni Devi
______________________
"Masarap ba iho?" tanong ni Lola kay Devi
"Sobra po. Namimiss ko ito." ngisi namang sabi ni Devi
"Bakit kaba kasi umalis ng walang pasabi samin?" imbit ni lola
"Naku! Kulang pa itong pagpapakain namin sayo sa lahat ng tulong na ibinibigay monsa amin." usal ni lolo
"Maraming salamat iho" imbit din ni Mama
"Naku po! Hindi naman po. Sapat napo na kabayaran ang meal na ito sa akin. Lalo pa't nakita ko ulit kayo." masayang sabi ni Devi samantalang ako ay patuloy lang sa pagkain
"Naku kahit dimo sabihin sa amin alam naming malaki ang naitulong mo sa amin. Lalo na sa operation ng anak kong si Aedelle noon." usal din ni Papa
"kaya nga." imbit rin ni Aedelle
"Hayyyy....talagang di kita nakilala nung una kitang nakita eh. Naku naman! Ako pala ang may malaking utang sa iyo eh. Kasi dahil sayo gumaling na ang mga mata ko." dagdag ni Aedelle
"Wag mo yang sabihin. Dahil sa ginawa mo..bayad na lahat ng utang mo. Hehehe" ngising sabi ni Devi
"Huh? Ano bang ginawa ko?"
"You help me find you all. Hmm. Actually nung pagbalik ko dito sa pinas ay pumunta ako sa bahay niyo pero wala na kayo roon eh. Buti lang at nagkataong nakita ko si Aedelle." he said
"Hahaha. Nakakatawa lang kasi ang laki mo na Aedelle kaya di kita agad nakilala. Pero nung una kitang nakita akala ko si Angel ka eh"
"Wow huh!" usal ko saking isipan
"Kahit na iho. Sobrang thankful parin kami sayo kaya naman, pumunta ka lang dito kung kelan mo gustonat ipagluluto kita. hehehe" masayang sabi ni lola
"Bakit naman po lola!" sigaw ko dahilan na napatingin silang lahat sa akin
"Hayyyyy. Tinatanong paba yun!" sigaw ni Lola at nagpatuloy na kami sa pagkain
"Mas lalo ka kang gumwapo ngayon iho huh? Para atang gusti ko ulit na mag-asawa" usal ni lola dahilan na natawa kami lahat
Sobra akong naiinis dahil sa palagi ko na namang makikita si Devi di lang sa ospital kundi dito rin sa bahay dahil sa pinayagan siya na pumunta dito kelan niya gusto. Paano naba yan? Paano ko siya maiiwasan.
"Kainis naman kasi eh!" usal ko habang naghuhugas ng pinggan
Nang matapos na ako sa paghuhugas ay di parin umalis si Devi. Masaya parin silang nag-uusap nila Lola, Lolo, Papa, Mama at Aedelle
"Mukang ang saya nila na nakita nila si Devi ulit huh?" imbit ko saking isipan
"Ahm mukang kailangan ko na pong umalis kasi lumalalim na ang gabi eh" pamamaalam ni Devi
"Ah sige iho. Basta pumunta kalang dito lagi kung kelan mo gusto at ipagluluto kita ng paborito mong ulam. Hahaha" masayang sabi ni lola
"Sige po. Maaasahan niyo po na palagi akong pupunta dito." sagot sabay yumuko siya
"Ahm meron po sana akong nais na hilingin sa inyo? Kung ok lang?" dagdag na sabi ni Devi
"Pwede ko po bang ligawan si Angel?"
Biglaang tanong ni Devi dahilan na ikinabigla ko at pati narin nila.
"Ano bang pinagsasabi mo?!" pasigaw kong sabi
"Oo naman! Hahaha ikaw talagang bata ka." tawang sabi ni Lola at napangiti nalang din silang lahat
"Hindi ako papayag!" imbit ko
"Ahm sige po mauna napo ako." ngising pamamaalam ni Devi dahilan na ikinainis ko ng sobra
___________________________
"Wow! Ate Angel ang ganda naman nun! Tara sakay tayo." masayang sabi ni Devian
Mabilis niya akong hinila papunta sa horse riding wheel yung umiikot ba. Masaya ako dahil pumayag si Madame na ipasyal ko si Devian ngayon ko lang kasi siya naipasyal dahil sa napakabusy ko sa trabaho.
Kahit ano-ano pa ang sinakyan namin ni Devian at sobra talaga siyang nag-enjoy. Kumakain na kami ngayon ng jollibee dahil sa nagutom siya.
"Masarap ba?" ngisi kong tanong sa kanya
"uhmm" sagot niya sakin na may laman ang bibig na pagkain agad ko namang pinunasan ang ketchup sa kanyang lower lips
"Devian...iihi muna ako saglit huh? Dito ka muna tapusin mo yang kinakain mo. Babalik ako agad wag kang umalis dito huh?" pakiusap ko sa kanya at tumango naman siya
Nagmadali na akong pumunta sa CR. Matapos kong umihi ay naghugas na ako ng kamay. Nang maalala ko kung gaano ako iniinis ni Devi. Dahil sa palagi nalang siyang sa bahay nagdidinner.
Natapos na akong maghugas ng kamay kaya naman agad na akong lumabas sa CR para puntahan si Devian ng di pa ako nakalayo sa CR ay parang nandilim ang paningin ko. Siguro dahil sa stress.
Binalewala ko ito at lumakad na. Nang bigla nalang sumakitnang ulo konat nakaramdaman ako ng pagkahilo kaya humawak muna ako sa wall. Pero diko alam nandilim na naman ang aking paningin at natumba ako. Agad namang may sumaklolo sakin.
"Miss okay kalang?" pag-aalalang tanong sakin ng mga taong nakapalibot sakin
"Si...si..." hina kong sabi
"Si Dev...Devia..." putol kong saad matapos tuluyang nandilim ang aking paningin
____________________________
"Huh? Nasan ako?" usal ko nang magising na ako
"Nasa ospital kapo Ma'am" sagot ng nurse na nagchecheck sakin
Nang bigla kong naalala si Devian. Naiwan ko siya mag-isa sa Jollibee. Agad kong tinignan ang orasan at 7:03 pm na at mga 3 pm ang naalala ko ng mawalan ako ng malay.
Ibig sabihin ilang oras na naghihintay si Devian sa akin ngayon kung saan ko siya iniwan.Agad kong tinanggal ang dextrose saking kamay at mabilis na umalis palabas ng hospital.
Agad akong sumakay ng taxi at pumunta na diretso sa Jollibee. Habang sakay ako ng taxi ay di maalis saking isipan na mag-alala. Sobra akong nag-alala kay Devian baka kasi mapano siya. Naggagabi na. Pag mawala si Devian diko alam kung ano ang gagawin ko.
Nang makarating na ako sa Jollibee ay agad akong pumasok at tumungo sa table kung saan iniwan ko si Devian pero wala na siya dun.
"Diyos ko po!" usal ko at napatakip saking bibig
Agad akong nagtanong-tanong sa mga staff ng jollibee pero wala daw silang nakitang bata. Nagtanong narin ako sa mga cuatomers pero din daw silang nakita.
"Lalaki po siya. Tapos gwapong bata po..at...at...may matangos na ilong, ma...makapal na kilay...tap..tapos baluktot na mga eyelashes. Tapos maputi po. Gan..ganito po katangkad ang height niya." pautal-utal kong paliwanag sa security guard
"Please po...tulungan niyo po ako...huhuhu" napaiyak na ako dahil sa takot
"Ahhh may picture po pala ako sa kanya" usal ko agad pinakita ang picture saking phone.
Dahil sa sobra akng nag-alala nakalimutan ko tuloy na may picture pala ako ni Devian saking cellphone.
"Ito ba...naku nakita ko nga siyang lumabas dito eh" imbit ng security guard
"Talaga po"
"Oo mga bandang alas kwatro ng hapon. Tinanong ko pa siya kung saan ang kasama niya dahil sa mag-isa lang siya. Pero di siya sumagot sakin. Lumakad lang siya." paliwanag ng security guard
"Bakit dimo siya pinigilan! Huhuhu" sigaw ko dahil sa aking pag-aalala
"Pasensya napo maam"
Hinanap ko sa paligid si Devian dahil baka makikita ko siya pero diko siya nakita. Nagpasya na akong tumawag ng pulis para magpatulong.
"Hello po...hu..hu..Madame" iyak kong sabi habang kausap si Madame Lexie sa phone
"Ouh Angel. Kanina pa kitang tinatawagan dika sumasagot. At tsaka bakit di pa kayo umuuwi ni Devian gabi na huh?" tanong ni Madame sakin dahilan na napahikbi ako ng sobra
"Madame....huhuhu...ano pong gagawin ko?...Hindi ko po alam ang gagawin ko...huhuhu..." iyak ko sa phone
"May nangyari ba? Bakit ka umiiyak? Si Devian nasan?"
"Huhuhu...huhu ..nawawala po siya madame.. kasalanan ko...huhuhu...diko na po alam ang gagawin ko huhuhu...pag may nangyari sa kanya diko mapapatawad ang sarili ko." hikbi kong sabi
Patuloy kong hinanap sa paligid si Devian nagbabasakali na makita mo siya pero diko oarin siya makita. Napaupo nalang ako at umiyak ng umiyak dahil sa takot.
"Huhu...I'm sorry Devian. I'm so sorry. Huhuhu" usal ko
"Grabe...naman kawawa naman yung bata."
Usal ng mga babae na naglalakad dahilan na ikinakaba ko.
"Sandali po." pakiusap ko sa dumadaan na mga babae habang tumutulo ang aking mga luha
"A..ano..ano pong batang sinasabi niyo? saan po?" iyak kong tanong na may pangamba na baka si Devian ang tinutukoy nila
"Ah. May bata kasi na nasagasaan dun sa may crossroads. Sa harap ng mercado."
"Hu....hu.. " hikbi ko
"La..lalaki po ba ang bata ng sina...sinasabi niyong nasagasaan?" hikbi kong tanong
"Oo miss"
Sagot nila dahilan na ikinalugmok ko. Umalis na ang mga babae at mabilis naman akong tumakbo papunta sa sinasabi nilang lugar kung saan nangyari ang insedente.
Nang di pa ako makalapit ay naisakay na ang batang sinasabi ng mga babae kanina na nasagasaan sa Ambulance. Mabilis akong tumakbo papunta rito pero diko sila naabutan at nakaalis na ang ambulance.
"Ha..   " disappointed kong usal
I prayed na sana di si Devian ang batang nasagasaan. Dahil kung siya man ay diko kakayanin at baka ikamatay ko pa.
"Devian! Baby Devian!" sigaw ko sa pangalan niya dahilan na pinagtitinginan na ako ng mga tao
Agad akong naghanap ng taxi para sumunod sa ospital kung saan dadalhin ang batang nasagasaan. Pero ng di pa ako nakasakay ng taxi ay may nakita akong isang Pande bear.
Isang maliit na panda bear na kung saan pamilyar sa akin. Ito kasi ang nakuha ko kanina sa nilaro namin ni Devian na  claw machine.
Nang makita ko ito ay napatingin ako sa ambulance na lumalayo at sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot. Nang nakapara na ako ng taxi ay agad akong sumakay rito at sa ospital na pinagtratrabahuhan ko pa dinala ang batang nasagasaan kanina na posibleng si Devian nga dahil sa nakita kong maliit na panda bear.
"Huhuhu...huhuhu" hikbi ko sa loob ng taxi
"Pakibilisan po kuya huuuuuuuu" mangiyak-ngiyak kong sabi
Nang makarating na ako sa ospital ay agad akong nagtanong kung saan dinala ang batang nasagasaan kanina. At nasa emergenct room daw ito.
Agad akong pumunta sa emergwncy room nahalos madapa na ako sa pagtakbo. Nang makarating na ako sa emergency room ay kasalukuyan pa nilang nirerevive  ang bata kaya bawal akong makapasok.
"Huuhuuuuuuuuu" hikbi ko habang nakasabunot saking buhok
"No...sana hindi siya.  no...huhuhu" hikbi ko habang di mapalagay
Tumawag sakin si Madame at sinabi ko ang nangyari na posible ngang si Devian ang nasagasaan kaya papinta narin sila sa ospital.
Ilang minuto pa ay lumabas na ang doctor at nabigla ako ng si Devi ang lumabas na doctor at hindi siya nakasuot ng white robe niya nakapolo lang siya at duguan. Nang makita ko si Devi ay napahagulhol ako sa iyak.
"Nasan na siya?" iyak kong sabi sabay papasok sana sa emergency room pero pinigilan ako ni Devi dahil bawal akong pumasok sa emergency room
"Kilala mo ba ang batang nasagasaan?" he asked me
"Huuuuu...hu...." hikbi ko lang at hinalikan ang panda bear na binigay ko kay Devian kung saan may kaunti ring dugo
"Teka...yang hawak mo na panda bear...." he utter dahilan na napahagulhol ako sa iyak at napaupo sa bench
"Sa kanya to huuuuu. Kay Devian. Nakuha ko to eh...hu....kanina...tap...tapos....hu....kasalanan ko to.....huuuuuuuu" hikbi ko
"Yung batang may-ari niyan nasa office ko."
Usal ni Devi dahilan na natahimik ako at napatayo.
"An...ano? Nasa....off..."
"Yes. Nakita ko kasi siya na nakaupo sa may bench sa harap ng jollibee kaninang mga 4 pm and I asked him pero he's not answering me. Kaya sinamahan ko nalang siya magdamag." he explained dahilan na ikinagaan ng aking loob
"Huuuuuuu...totoo ba? huuhuuu....akala ko....huuhuhuhuuu" hagulhol ko hindi dahil sa kaba kundi dahil sa saya kasi tama ako mali ang hinala ko dahil sa sobrang saya ay diko lang napansin niyakap ko na pala si Devi.

~ TO BE CONTINUED ~

When Angel Run Into the Devil (COMPLETED)Where stories live. Discover now