PART XII: I CARE FOR HER

2 0 0
                                    


"Oppss pasensiya na, medyo nangalalay kasi kamay ko kakahawak sa notebook ko eh" ngising sabi ni Devi habang pinulot ang notebook niya sabay dinilaan ang bitbit niyang Rocky Road Ice Cream na nasa cone.
"Haaaaaaaaaa!" sigaw pa ng lalaki ng pinahid ni Devi ang Ice Cream niya sa damit nito.
"Wahhhhhh!" galit na sambit ng lalaki
"Akala ko kasi basahan ang damit mo eh!" lait ni Devi sa lalaki
"Hindi mo ba alam mahal ang dam------" putol na sabi ng lalaki ng pinunit ito Devi ng tuluyan
"Mukang di naman mamahalin eh! Ang bilis napunit!" medyo may inis na sabi ni Devi
"Aba sino kaba sa akala mo huh!" galit na sabi ng lalaki at sabay na susuntukin na sana si Devi pero nasalo ni Devi ang kamao niya at sabay sinipa ni Devi ang kanyang beywamg dahilan na umaray ito sa sakit habang mahigpit na hinahawakan ni Devi ang kamay nito.
"A...a...aray... ko" usal ng lalaki ng pilit binabale ni Devi ang kamay nito.
"Alam niyo bang ayaw na ayaw kong may babae akong nakikita na binubuhatan ng kamay" cold na sabi ni Devi
"Ah...ah...ah.." pamimilipit ng lalaki dahil sa sakit
"Lalo pa't sa mga taong malapit sakin." dagdag pa ni Devi
"Kayo? At sinong may sabi sa inyo na wala akong pakialam sa kapatid ko? Hayyysss!" imbit ni Devi sa tatlong babae at  malakas na napabuntong hininga
"Alam niyo diko alam kung saan niyo napulot ang mga tsismis nayan eh! Kasi sa pagkakaalam ko palagi kong binabantayan ang kapatid ko saan man siya magounta di man niya ako nakikita at least nababantayan ko siya. At sa twing may nagpapaiyak sa kanya hindi ko talaga pinalalampas yun!" cold na sabi ni Devi sabay naalala ang mga sekreto niyang ginawa para sa kapatid niya. Yung mga araw at gabi nabugbug siya dahil sa pagtatanggol niya sa kapatid niya. Nung mga araw na nagpupuyat sa ospital kapag may sakit ang kapatid niya. Yung mga araw pinapadalhan niya ito ng regalo pero sa isang paraan na walang nakakaalam kundi siya lang.
"Hindi porket wala ang presensya ko sa tabi ng kapatid ko ay wala na akong paki sa kanya. Sometimes  presence is not so important, as long as you know in yourself that you care for that someone its fine. Kasi minsan, yung tao na palagi nating kasama at inaakala natin na mapagkakatiwalaan ay siya pa pala ang sisira sa sayo." seryosong sabi ni Devi until his angelic face turn into a devil face now.
"Kaya ba siya tinatawag na Devil sa school." usal ng isang babae
"Tara na takbo!" sigaw ng isang babae sabay tumakbo
"Hoy! Sandali lang!" takot na sabi ng lalaki
"Si....sino kaba huh?" panginginig na sabi ng lalaki
"Hmmm.Di na mahalaga iyon ang alalahanin monay ang sarili mo!" usal ni Devi sabay sinapak ang lalaki sa mukha nito dahilan na natumba ito.
Pinatayo muli ito ni Devi at sabay sinuntok ng kasunod. Nang susuntukin na niya ulit ito ay pinigilan siya nina Angel at Zekailah.
------------------------------
"Sa susunod kasi wag ka ng makipag-ayaw. Ka babae mong tao nakikipag-ayaw ka" bit ninDevi sa kapatid na si Zekailah habang ginagamot ang sugat nito sa tuhod. Habang nakaupo sa may table sa labas ng 7/11 store. Samantalang si Angel ay nasa loob ng 7/11 dahil may binili ito.
Nang lalabas na sana si Angel sa 7/11 ay natigilan siya nang marinig ang magkapatid na nag-uusap.
"Talaga bang binabantayan mo ako palagi?" tanong ni Zekailah kay Devi
"Di na yun mahalaga" sagot naman ni Devi
"Oo no!Mahalag yun! Kasi ang buong akala ko wala kang pakialam sa akin pero yung totoo meron pala!" hikbi na sabi ni Zekailah pero walang imik si Devi atnpatuloy na ginamot ang kapatid
"Now I know him" sabi ni Angel sa isip niya
Nang may sasakyan na dumating upang sunduin si Zekailah.
"Andyan na ang sundo mo" imbit ni Devi
"Paanong sinundo ako ni Manong eh hindi naman ako nagtext sa kanya at paano niya nalaman na nandito ako." pagtatakang sabi ni Zekailah
"Ikaw ba?" tanong nito kay Devi
"Ma'am akin napo ang bag niyo" usal ng driver ni Zekailah at sabay kinuha ang bag ni Zekailah at tumayo naman si Zekailah para sumakay na sa kotse niya at lumabas narin si Angel sa 7/11.
"Salamat ku----kuya Devi." malungkot na sabi ni Zekailah na ngayon ay nakatayo
"Dahil naramdaman kong may kuya nga ako." dagdag pa nito
"Sige na umalis kana. Mag-iingat ka" imbit ni Devi
Habang nakatayo si Angel malapit sa may pinto ng 7/11 ay napangisi siya dahil sa nagkasundo na ang dalawang magkapatid. Nang aalis na sana si Zekailah ay nakita niya si Angel.
"Hoy ikaw! Hindi porket tinulungan mo ako magkaibigan na tayo. Isipin mo nalang na may utang ako sa iyo na kailangan bayaran. Ganun paman salamat din sayo dahil tinulungan mo ako." medyo inis nitong sabi sabay na lumakad at sumakay na sa kotse niya.
Habang si Angel at Devi naman ay naiwan.
"Ahm. Mauna na ako sa iyo." usal ni Angel sabay na lumakad paalis
"hah!" biglang sambit ni Angel ng hindi pa siya makalauo ay hinawakan ni Devi ang kanyang kaliwang kamay.
"A---anong problema mo?" tanong ni Angel
"Ikaw!Ikaw ang problema ko!" inis na sabi ni Devi sabay tinignan ang tuhod ni Angel na ngayon ay dumudugo.
Hinila iti ni Devi pabalik sa may table at pinaupo sa upuan at tsaka ginamot ang sugat nito.
"Ayos lang ako. Kaya naman---"
"Pwede ba! Hindi ka okay!" inisnna sabi ni Devi at nagpatuloy lang sa ginagawa
"Bakit kaba kasi nakialam sa gulo ng iba. Alam mo naman na masungit ang kapatid ko sauo bakit mo siya tinulungan?"
"Kasi--- babae siya at di pwedeng wala akong gagawin habang may isang babae na binubully at nangangailangan ng tulong"
"Aba!Sa tingin mo kaya mo sila?"
"Hindi pero at least may ginawa ako"
"Hayyyyy" buntong hininga ni Devi
"Kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong gustuhin ka eh" cold na sabi ni Devi dahilan na natahimik at natulala si Angel.
"Gusto kita. Gusto kita Ms. Angel Euphoria Cassedaine Frielle" dagdag pa ni Devi
"Gustong-gustong talaga kita. Matagal na." seryosong saad ni Devi habang tinitignan si Angel na ngayon ay tulala.
"Hindi pwede!"  sigaw ni Angel sabay na tumayo at mabilis na naglakad.
----------------------------------
"Gusto kita. Gusto kita Ms. Angel Euphoria Cassedaine Frielle" 
Paulit-ulit na naglalaro sa isip ni Angel ang sinabi ni Devi dahilan na hindi siya makatulog.
"Ano bang iniisip mo Angel! Tigilan mo na nga to! Kainis naman eh!" sabi niya sa sarili pero pilit paring bumabalik sa isip niya ang mga salitang sinabi ni Devi.
---------------------------------
"Ate Angel gising na!" paggising ni Aedelle kay Angel
"Ano ba, inaantok pa ako Aedelle" sagot naman ni Angel
"Mag-uumagahan na tayo ate eh hehehe" ngisi nitong pagyaya sabay hinala ang kapatid at pinatabi sa pagtulog niya at masayang nagkukulitan.
Dahil weekend at walang klase ay nasa bahay lang si Angel para maglinis at kahit papano ay nagkaroon din sila ng quality time ng pamilya niya.
Nang maggabi na ay naghahanda na sila Angel para sa hapunan.
"Ouh Aedelle may kukunin lang ako sa kwarto saglit"
"Okay ate"
"Nandito na ako!" pagpapaalala ng Ama ni Angel na kakauwi galing sa pangingisda
"Papa" ngsing bati ni Aedelle sa ama
"Mabuti naman anak at nakauwi kana tamang-tama maghahapunan na tayo." imbit ng lola ni Angel
"Mabuti't maaga kang nakauwi" dagdag naman ng lolo ni Angel
"Hello po, magandang gabi!" usal ng isang lalaki
"Oyyy papa! Andit----" putol na sabi ni Angel nang makita ang lalaking kasama ng papa niya
"Kuya Devi! Andito ka pala!" masayang sambit ni Aedelle
"Kuya Devi?" sabi ni Angel sa isip
"Bakit ka nandito!?" pasigaw na sabi ni Angel
"Oh iho mabuti naman at naparito ka, matagal ka na naming hindi nakasamang kumain dito sa bahay" imbit naman ng Mama ni Angel na nakaupo na sa hapag kainan dahilan na ikinabigla niya
"Tekaaaa lang! Bakit ganyan ang trato niyo sa kanya? Magkakilala po ba kayo?" pagtatakang tanong ni Angel
"Hay naku maupo na kayo rito at kumain na tayo, ikaw rin iho. Devi hehehe" tuwang sabi ng lola ni Angel habang si Angel ay naprapraning na
"Oo nga iho. Sige magbibihis muna ako" imbit naman ng papa ni Angel
"Anonh ginagawa mo dito! Bumalik ka na nga dun sa malaki mong bahay. Bakit kaba makkikain dito samin eh mayaman ka naman" pabulong na sabi ni Angel kay Devi dahilan na napangiti si Devi at pagkatapos ay pumunta na sa hapag kainan.
"Anong nangyayari?" sabi ni Angel sa isip niya at umupo narin sa hapag kainan kaharap si Devi.
---------------------------
"Hmmm namimiss kopo ang luto niyo lola" ngising sabi ni Devi
"Hayss! Masasarap ang mga pagkain mo dahil mayaman ka kaya naman wag kanang magpanggap na nasasarapan ka sa luto ng lola ko. Tsaka anong namimiss eh first time mo pang nakakain ng luto ng lola ko!" inis na sabi ni Angel
"Ano  ba kayo lola kung sino-sinong taong pinapakain niyo!" dagdag pa ni Angel
"Aray" usal ni Angel ng paluin siya ng lola niya
"Bakit ganyan ka sa kaibigan mo apo?" tanong ng lola ni Angel
"Kaibigan???" pagtatakang tanong ni Angel
"Oo nga Ate nakalimitan mo na ba siya?" tanong ni Aedelle
"Anong kaibigan pinagsasabi niyo? Eh di ko pa naman siya gaano kakilala. Ngayon ko lang naman siya nakilala eh!" sagot naman ni Angel
"Hay naku ate saang mundo kaba nakatira?" tawang tanong ni Aedelle
"Palagi niya pa nga akong hinahatid sa school eh" dagdag pa ni Aedelle
"Ano!? Bakit diko alam yun?" pagtatakang sabi ni Angel
"Tama nga naman. Bakit dimo alam yun Angel?" ngiaing sabi ni Devi
-------------------------------
"Ano! Ikaw si Debdeb yung batang kaibigan ko noon? " biglaang sabi ni Angel
"Haaaaaaa.Debdeb.Dev..Devi!" dagdag pa ni Angel
"Oo apo. Naging magkaibigan kayo simula nung gabing pinasakay namin si Devi pauwi kasi di niya alam paano umuwi sa bahay niya at nagkataon na nakilala siya ng papa mo. Anak siya ng kapit bahay natin." paliwanag ng Mama ni Aedelle
"Pero mabait yung Debdeb na kaibigan ko" usal ni Angel
"Aray!" sigaw ni Angel ng paluin na naman siya ng lola niya
"Haysss! Ikaw talagang bata ka. Dimo ba nakikita mabait parin naman si Debdeb mo eh. Hay! Hindi ko alam kung bakit naging apo pa kita ang hina-hina ng utak mo" inis na sabi ng lola ni Angel
"Lola! Para naman atang hindi niyo ako apo eh!" inis na sabi ni Aedelle sabay hinaplos ang balikat niya at tinignan si Devi ng masama.
"Hay! Ewan! Matutulog napo ak----" putol na saad ni Angel ng paluin na naman siya ng Lola niya
"Anong matutulog! Ngayon na nga lang nakabisita si Debdeb dito eh. Ihatid mo muna siya sa bahay niya" usal ng lola ni Angel
"Lolaaaaa....Babae po ako! Bakit ko ihahatid ang Devi the Dev----" putol na saad ni Angel
"Hayssss! Lolaaaa naman! Ang lapit lang ng bahay niya ba't ko pa siya ihahatid?!"" inis na sabi ni Angel samantalang si Devi ay nakangiti lang.
"Sige na" pilit ng lola ni Angel kaya walang nagawa si Angel kundi ang sumunod.
"Hayyyy namimiss ko ang dalawang paslit na iyan. Nakakatuwa silang tignan ang laki na nila." imbit ng lola ni Angel samantala nakaalis na sila Angel
"Ikaw talaga mahal. Hanggang ngayon dika parin nagbabago hahaha" tawang sabi ng lolo ni Angel
"Syempre naman noh. Bagay silang dalawa simula bata pa at hanggang ngayon ouh hahaha" tawa namang sabi ng lola ni Angel
"Mama.Hmmm" ngisi namang sabi ng mama ni Angel
"Hay nakakatuwa ahahaha" tawang sambit ng lolo ni Angel
"Sana maging mabuti silang magkaibigan ni Angel gaya nung bata pa sila" masayang sabi ng Mama ni Angel na tulala lang dahil sa wala nga itong nakikita.
"Curious ako kung ano na ang hitsura ng batang si Devi noon ngayon" dagdag pa nito
"Hay" buntong hininga ng lola ni Angel
-----------------------
"Sigurado akong nabigla ka" usal ni Devi
"Talaga! Akalain mo nga naman ikaw yung batang kaibigan ko noon" imbit ni Angel habang dahan-dahan lang sila naglalakad.
"Ewan ko ba sayo! Napakawitty mo. Hindi mo ako naaalala pero ikaw naaalala kita" usal ni Devi
"Nung sinama na ako ng Dad ko iyak na iyak kapa nga nun eh kasi ayaw mo akong umalis. Hahaha" tawang sabi ni Devi
"Hahaha sinungaling! Di ako naniniwala sayo!" inis na sabi ni Angel
"Alam mo kahit pa nung malayo ako ikaw lang ang iniisip ko. At diko kinalimutan ang pangalan mo. Kahit pa sa mga maraming nangyari sa buhay ko." seryosong sabi  ni Devi habang natigil sila sa paglalakad
"Sige na! Nandito ka na sa bahay mo! Papasok na ako sa loob." mabilis na sabi ni Angel at sabay na lumakad ng hinila bigla ni Devi ang kaliwa niyang kamay at mahigpit siyang niyakap nito.
"Totoong gusto kita Angel." kalmang sabi ni Devi
"A.....an.....ano...ano bang sinasabi mo? Pwede ba bitawan mo na ako" imbit ni Angel sabay dahan na inalis ang pagkakayakap ni Devi sa kanya
"Seryoso ako sayo Angel. Kahit alam kong mahirap akong mahalin dahil sa masama ang naging pagkikita natin pero sana, magustuhan mo rin ako." Devi said calmly
"Ano batong nangyayari sakin? Di ako makapaniwala? Hayyy bakit ang init init ng nararamdaman ko? Hindi kaya namumula na naman ang pisngi ko?" tanong ni Angel sa kanyang isipan.
"Uuwi na ako" cold namang sagot ni Angel
"Hayyy. Sana nasa malayo nalang ako nakatira para magkausap pa tayo ng matagal. Sayang lang magkapit bahay tayo eh."
"Sige" imbit ni Angel sabay na lumakad na
"Ano bang nangyayari sa Devi the Devil na iyon! Nakakatakot siya!" sabi ni Angel sa isip niya habang mabilis na pumasok sa gate ng bahay nila at ang pisngi niya ay namumula na.

~ TO BE CONTINUED ~

When Angel Run Into the Devil (COMPLETED)Where stories live. Discover now