PART XXXIV: THE SMILE THAT IS MISSED

2 0 0
                                    


[ DEVI's POV ]

"Wow! Ang ganda naman ng dagat Daddy.Hehehe"  masayang sabi ni Devian habang nakatingin sa malalaking alon ng dagat na nadadaanan namin.
Alam kong malungkot si Devian at pati narin ako dahil di parin namin nakikita ang Mommy niya kaya naisipan kong mamasyal muna kami tulad ng sinabi ni Jaeven sa akin.
Pinuntahan namin yung lugar na sinuggest sa amin ni Jaeven para naman kahit papanu ay maibsan ang aming kalungkutan.
"Sayang lang daddy kasi di natin kasama si Mommy Angel" malungkot na sabi ni Devian
"It's okay son...we will see her soon." ngisi kong sabi sa kanya habang nakapout lang ang nguso niya
Medyo malayo-layo ang biyahe namin kaya nakatulog si Devian. Halos tatlong oras din ang byenahi namin saka kami nakarating sa lugar na aming pupuntahan.
Pagkadating nanin ay agad kaming sinalubong ng isang staff para iguide kami papunta sa information table.
"Pangalan niyo sir?" tanong ng nagrerecord ng mga data sa resort tsaka naman kami nagpakilala
"I am Devi Lex Liam Kyorsch" pakilala ko
"And he is Devian Lux Kyorsch" pakilala ko sa anak ko
"Ilang days po kayo sir?"
"Ahmm one week"
"Okay sir"
Sinadya kong mag-one week kami para masulit namin ang bakasyon namin. Kasi alam kong pagkatapos nito ay hectic na naman ang buhay namin.
"Okay sir sa Room 2348 po kayo mag-i-istay."
"Salamat po Ma'am" pasalamat ko
"Here's your key sir! Mag-enjoy po kayo sa bakasyon niyo rito sir!"
"Maraming salamat ulit!" ngisi kong sabi sabay lumakad na kami papunta sa room namin.
Maganda nga ang view rito napakaaliwalas at ang lamig pa ng hangin. Tapos white sand pa talaga at ang tubig dagat ay parang langit sa linaw at lawak.
Nakarating na kami sa room na tutuluyan namin. Napakasimple ng mga rooms rito gawa sa mga native trees. Maliit pero attractive.
Parang kubo lang.
Agad na kaming pumasok sa room namin at ang ganda nga sa loob. Maliit lang siya kasya lang talaga sa dalawang tao. May aircon, CR at dalawang kama. May maliit din na tv para ka talagang nasa hotel.
"Daddy ang ganda rito ang lamig hehehe" masayang sabi ni Devian na ngayon nakaupo sa kama habang hawak-hawak ang maliit na panda bear na binigay sa kanya ni Angel.
"Oo nga anak. Mag-enjo---" putol kong saad ng makita ko si Devian na nakayuko at tumutulo ang luha
"Ouh.. why are you crying?" ika ko sabay hinawakan ang dalawa niyang balikat
"Huhuhu...I miss my ate Angel. I miss my mom. huhuhu." hikbi niyang saad kaya niyakap ko siya ng mahigpit
"Tahan na. Andito naman ako eh. Wag kang mag-aalala di kita iiwan. At pangako hahanapin ko ang Mommy mo.Tahan na...okay?" pagtahan ko sa kanya sabay hinaplos ang kanyang likuran
"I can't just stop crying because I miss her so much...huuuu"
"Tahan na anak. Dapat di ka umiiyak kasi lalaki ka eh? Pag nalaman ni Mommy Angel mo na umiiyak ka malulungkot yun" usal ko sabay tinignan siya na humihikbi
"Okay...di na ako iiyak" ika niya sabay pinigilan ang sarili na di umiyak
"Yan ganyan nga. Hehehe that's my boy." ngisi kong sabi sabay ginulo ang buhok niya
"Ano gusto mong kainin sa lunch natin?"
"Gusto ko po ng pritong isda at tsaka ng crabs meat" ika niya habang sinisingot ang sipon
"Okay! Tara kumain muna tayo dahil nagutom ako sa byahe natin eh. Hahaha." tawa kong sabi para di siya malungkot
"Yaaaaaa" usal ko sabay kinarga siya
"Tsaka nalang nating ayusin ang gamit natin" dagdag ko pa at lumabas na kami para kumain
Maganda talaga ang resort dahil sa mayroo  din ditong kainan na para kang nasa restaurant pero nasa tabing dagat ka nga lang tsaka may table table lang. Tapos puro pa fresh at buhay na buhay ang mga seafoods na lulutuin nila.
"Wow! Hahaha!" masayang sabi ni Devian matapos makita ang buhay na buhay pang crabs na nasa maliit na acquarium.
"Paorder po ng dalawang crabs na ginisa at dalawang pritong isda at pati narin ng ginataang hipon Ma'am." order ko
"Okay po sir.Maghintay nalang po kayo sa table number 13 sir"
____________________
"Uhmmm ang sarap daddy hehehe" masayang sabi ni Devian sabay sinubo ang crabs meat
"Sige lang kumain kalang. Pagkatapos niyan maliligo na tayo sa dagat." ngisi kong sabi
"Yehey!" masaya niyang sabi
Habang tinitignan ko si Devian ay bigla ko nalang naalala si Angel. I am wondering kung nasan naba talaga siya. Kung okay lang ba siya. Kung kumakain lang ba siya ng maayos. Marami akong mga katanungan na diko parin makuha-kuha ang sagot.
_____________________
"Waaaaaaaa! Hahaaha! Ang lamig ng tubig daddy!" masayang sabi Devian habang naglalaro siya sa alon habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya.
Napakalas ng hangin rito at sobrang lamig pa nakaka-overwhelm. Napakaganda rin ng view. Makakalimutan mo talaga ang stress at lungkot na nararamdaman mo.
"Wow Daddy I saw a starfish! hehehe"
"Wow! Ang ganda naman niyan!" masaya kong sabi habang tinitignan namin ni Devian ang starfish.
"Haaaaaaaaaaaaa" sigaw ni Devian matapos ko siyang kargahin at dinala sa malamig na tubig
"Hahahahaa" masaya naming sambit
"Ayan na naman Daddy! Haaaaaaaa!" tuwang-tuwa niyang sabi habang dinuduyan kami ng alon
Ilang minuto rin kami na nasa tubig lang nagtatampisaw kahit tirik na tirik ang araw. Nakakaadik kasi ang tubig eh.
"Ha.Ha.ha" paghihingal ko habang nakahiga sa sand dahil sa naghahabulan kami ni Devian habang si Devian ay masayang naglalaro sa mga sand na parang di napagod.
Napatingin ako sa napakagandang langit at napangiti nalang ako dahil sa ganda nito.
"I wish you were here, My Angel. My only Love." ngisi kong sabi sa langit
Bumangon ako saking pagkakahiga at umupo habang pinapanood si Devian na naglalaro ng sand.
"Daddy Look...I made a palace. Hehehe." he said and laugh
Nang maalala ko ang ngiti ni Angel ay bigla nalang akong nakaramdam ng kirot saking puso. Kahit nakangiti nga ako alam kong malungkot parin ang puso ko.
Devian always reminds me of my Angel's smile. Habang tinitignan ko si Devian ay may naalala ako bigla.
"Huh?" usal ko sabay napatingin sa paligid
"Bakit parang nakapunta na ako rito dati?" usal ko dahil sa naging pamilyar sa akin ang lugar na ito
And then bigla nalang nagflashback sa akin yung alaala kung saan nakita ko si Angel na masayang-masaya na kumukuha ng larawan sa napakagandang lugar.
"Ha...Tama. This was the place I fell inlove with her." napangisi kong sabi
Ito pala ang lugar kung saan binalak kong magpakamatay noon and I saw Angel's smile. Ito pala ang lugar kung saan una kong hinalikan ang mga labi ni Angel. Nung muntikan na siyang malunod dahil sa gusto niya akong iligtas.
"Haa..." buntong hininga ko sabay napatingin ulit ako kay Devian na masaya at nakangiti habang gumagawa siya ng palace using sands
"Paano ba to Angel...naiiyak na ako..." usal ko sabay tumulo ang mga luha saking mga mata
Napayuko nalang ako habang tumutulo ang aking mga luha. Nang makarinig nalang ako ng parang may umiiyak.
Inaangat ko ang aking ulo at nakita ko ang isang maliit at cute na puting shitzu na aso.
"Ohh ano bang ginagawa ng isang shitzu na aso rito?" ngisi kong sabi sabay binuhat ito at kinarga
"Devian look...what I've got...hahaha" ngisi kong sabi
"Woahhhhhh puppy!" masaya niyang aabi sabay tumakbo palapit sa akin
"Wow...it's so cute....hello puppy" masayang sabi ni Devian sabay hinaplos ang ulo ng shitzu dog
"Sino kaya kasama niya Daddy?"
"Kaya nga ehhh. Bakit ba siya naglalakad mag-isa dito."
"Buti lang nakita mo siya Daddy panu na kapag nalunod siya"
"Ouhhh nawawala kaba? Kaya ka umiiyak?" tanong ko sa aso at para bang nakaintindi ito at iginiling ang buntot nito at sumubsob sa akin
____________________
Nagtanong-tanong kami sa mga tao na nasa paligid namin kung sa kanila ba ang aso na dala-dala namin pero wala naman sa kanila ang may-ari nito.
Kaya nagpadesisyunan namin na dalhin ito sa information table at dun nalang ipagbilin kung sakaling may maghahanap.
"Ahhh naku si Didi yan huh?" usal ng isang staff ng resort
"Didi? Kilala mo siya?" tanong ko
"Oo. Taga rito yan.Hahaha. Naku.." usal pa niya sabay binuhat ang shitzu dog
"Nag-aalalaga kayo rito ng aso?" tanong ko
"Ahhh hahaha hindi." maikli niyang sabi
"Oy Didi nakatakas ka na naman" usal ng iaang staff na kakarating lang
"Aso siya ng stay in customer namin. Hahaha." masayang sabi ng staff na kauaap ko kanina
"Ahhh matagal na pala siya dito kaya kilala niyo siya."
"Oo. Hahaha siguro mga 9 months narin sila dito ng amo niya. Hahaha. Ang bait-bait kaya ng asong to sa amo niya kaya mahal na mahal niya itong si Didi eh."
"Ganun ba  Ah sige iiwan na namin siya dito baka kasi hinahanap na siya ng amo niya eh." ika ko
"Pwede namang ikaw ang magbigay kay Didi sa amo niya kasi katabi siya ng room niyo eh." usal ng staff
"Anong room niya?"
"Yung nakalodge sa 2347 siya ang amo ni Didi. Pwede mo nalang siyang dalhin dun" imbit ng staff na ikinatuwa ko naman at ni Devian
Agad na kaming bumalik sa room namin dala-dala si Didi dahil sa kapit-bahay lang namin siya hahaha. Baka sumunod siya sa amin eh kaya siya nakawala.
TOK TOK TOK TOK
Pangangatok ko sa room 2347 katabi ng aming room para isuli na si Didi pero walang nagbubukas ng pintuan.
"Tao po" usal ko pero wala paring sumasagot
Ilang beses rin akong kumatok pero wala paring sumasagot.
"Baka naghahanap na ang amo ni Didi sa kanya Daddy" usal ni Devian habang karga karga si Didi na parang bata
Nang makita ko ang tali ni Didi sa may maliit na pasok. Mukang dito siya tinali ng amo niya kaso nakatakas parin siya.
Napaupo ako nang makita ko ang isang maliit ng bowl ng pagkain siguro hinanda ito ng amo niya kaso nakatakas siya eh kaya naiwan nalang ito rito.
Napatingin ako sa paligid baka sakaling makita ko ang may-ari.
"Panu ba yan daddy?"
"Mukang kaninang lunch pa siya nawawala kasi di pa niya nakain ang pagkain na hinanda ng amo niya." ika ko
"Ano nang gagawin natin Daddy?"
__________________
Dinala muna namin si Didi sa room namin at pinakain ito. Nagshower na kami ni Devian at binihisan ko na siya.
Ilang minuto pa ay natapos na kaming mag-ayos pinatulog ko na si Devian dahil sa alam kong pagod na siya.
"Arf arf arf!" tahol ng malakas ni Didi
Napatingin ako sa kanya at pinatahimik siya ngunit patuloy lang siya sa pagtahol.
Nang tignan ko siya ay para bang nalulungkot siya at umiiyak ito. Nilapitan ko ito at hinaplos ang ulo niya na mayroong makapal at mahabang buhok at napangiti nalang ako ng naglambing ito sa akin.
Nang nakatulog na si Didi ay agad akong lumabas at sinubukan ulit na katukin ang room na katabi namin baka sakaling nakabalik na ang amo ni Didi pero di wala paring nagbubukas ng pinto.
Nang sinubukan kong buksan ang door knob ay di ito nakalock. Sinubukan kong pumasok pero walang tao.
Agad akong lumabas dahil baka dumating ang may-ari at mapagkamalan pa akong magnanakaw.
Bumalik ako saming room at nagpahinga narin ako dahil sa napagod ako eh.
"Ahhh" usal ko ng magising ako dahil sa nakatulog ako
"4:43 pm" usal ko ng makita ang orasan ilang oras din pala akong nakatulog
Tulog na tulog parin si Devian kaya diko na ginising tsaka ko nalang siya gigisingin kapag kakain na kami ng hapunan.
Nang makita ko si Didi na natutulog lang din ito. Bumangon ako at uminom ng tubig. Nang maalala ko ang amo niya.
"Bakit walang kumatok sa pintuan namin kung alam na ng amo niya na nandito siya amin?"
"Nagtanong kaya siya sa mga staffnsa information table?"
"Pero kung nagtanong siya bakit di siya naparito sa amin?"
Tanong ko saking isipan.
_________________
"Excuse naparito na ba ang amo ni Didi?" tanong ko sa staff sa information table baka kasi naparito ang may-ari at nasabihan na ito na nasa amin ang aso niya
"Bakit wala ba siya sa room niya?"
"Oo eh. Ilang beses na akong kumatok sa room niya pero wala siya eh. At bukas lang din ang room niya." ika ko
"Hayyy siguro akong hinahanap niya ngayon ang aso niya" ika niya
"Haayyy hanapin na kaya natin siya mag-gagabi na eh baka kung saan-saan na niya hinanap si Didi ngayon eh." usal ng isang staff
"Oo nga. Baka mapano na naman yun. Gaya nung dati."
"Bakit ano bang nangyari dati?" tanong ko sa kana
"Ahh nakatakas din kasi yang si Didi at hinanap niya ito buong magdamag at muntik na siyang malunod nun sa dagat." usal ng isang staff
"Ganun ba. Baka makatulong ako. Ano bang hitsura ng amo ni Didi may picture ba kayo sa kanya?" ika ko
"Ahmm oo. Meron. Teka." ika ng staaf
"Ito. Kuha to nung nagparty kami dito sa resort." imbit ng staff
Agad niyang binigay sa akin ang cellphone niya at pinakita sa akin ang larawan ng amo ni Didi.
Nang makita ko ang larawan sa cellphone ng amo ni Didi kung saan hawak siya nito ay nabigla ako.
Agad bumilis ang tibok ng aking puso. At kusang tumulo ang aking mga luha ng makita ko ang kanyang ngiti.
Ang ngiti na sobra kong namimiss. Ang ngiti ng babaeng aking pinakamamahal.

~ TO BE CONTINUED ~

When Angel Run Into the Devil (COMPLETED)Where stories live. Discover now