PART XIII: HE IS SUSPENDED

2 0 0
                                    


[ ANGEL's POV ]

Palabas na ako ng gate ng bahay at pasulyap kong tinignan kung nakaalis naba si Devi pero ng tingnan ko ang parking area niya ay wala na ang kotse niya siguro ay nakaalis na ito.
Lunes na naman at pasukan na. Until now di parin ako makapaniwala sa mga nangyari. Yung magkaibigan kami ni Devi nung bata pa kami at nung sabihin niya sakin na gusto niya ako. It just that kung gusto niya ako bakit niya ako palaging inaaway?
--------------------------
Nagdidiscuss ang aming teacher ngayon sa English at talagang inaantok na ako dahil sa English ni Miss Love. Ganun din ang iba kong kaklase.
CRINGGGGGGGGG
Buti lang at tumunog na ang bell senyales na break time na. Pumunta kami ni Heirisha sa canteen para magsnack at diko alam parang hinahanap ng aking mga mata si Devi. Pero diko siya makita.
Nang nakita ko si Kendrick ay agad akong nasiyahan dahil sigurado akong kasama nila si Devi. Pero nabigo ako kasi di nila kasama si Devi. Nagtaka ako kung bakit di nila kasama si Devi pero di ko nalang iyon pinansin. Bakit ko ba naman siya hahanapin diba?
---------------------------------
"Ate Angel kakain na raw?" pagyaya sakin ni Aedelle
"Huh? Oo sige" malamya kong sabi
"Bakit parang ang tamlay mo ate may sakit kaba? "
"Huh? wala noh! May iniisip lang ako hehehe" palusot kong sabi
Pero ang totoo ay nalulungkot ako dahil matatapos na ang araw na ito pero diko nakita si Devi.
"Mauna kana Aedelle susunod nalang ako" imbit ko
"Okay" sagot niya sakin sabay lumabas
"Hayyyyy" buntong hininga ko
"Haaaaaaaa! Ano bang nangyayari sayo Angel? Bakit mo ba hinahanap ang tao na iyon? May sakit kaba? Bakit kaba nag-aalala sa kanya? " tanong ko sa sarili
-------------------------------
"Hay salamat sa pagkain at busog na busog ako" imbit ng lolo ko dahil kakatapos lang namin kumain
"Itatapon ko mun----"
"Ako na pa!" mabilis kong sabi at sabay kinuha ang garbage bag kay papa diko alam pero para akong baliw sa inasta ko ngayon.
Lumabas na ako at itinapon ang basura at pasulyap na tumingin sa bahay ni Devi nagbabasakali na nakauwi na siya pero nagkamali ako. Wala ang kotse niya at madilim ang bahay niya.
"Huh? Nasan kaya ang devil na yun? " imbit ko sa sarili
--------------------------------
Dalawang araw na ang lumipas pero diko parin nakikita si Devi dahilan na ipinagtataka ko at ganun rin ay nalulungkot.
"Haaaayyyy" malakas akong napabuntong hininga
"Ouh Angel? Bakit parang palagi kana lang napapabuntong hininga? At napapansin kong malungkot kana lang palagi? pagtatakang tanong sakin ni Heirisha
"Wala noh! Hindi ako malungkot! Kaya lang naman ako napapabuntong hininga dahil pagod ako" paliwanag ko
"Wehhh di nga?"
"Totoo nga" simangot kong sagot
"Haysss aminin mo namimiss mo si Devi the Devil noh? "
"Hindi kaya! Bakit ko naman siya maimimiss? "
"Kasi wala ng nag-uutos sayo dahil na suspende siya sa pag-aaral"
"Ano!" bigla kong sabi
"A---a---anong nasuspende? Bakit diko alam yun?" ika ko
"Hay may sarili ka kasing mundo eh"
---------------------------
"2 weeks suspended?" sabi ko sa isip matapos tiningnan ang paper na nakadikit sa bulletin board kung saan nakasulat ang pangalan ni Devi na suspended for 2 weeks.
Nang mabasa ko iyon ay ikanalungkot ko sa diko malaman-laman na dahilan. Kaya pala diko siya nakikita dito sa school. Pero nakapagtataka lang dahil diko rin siya nakikita sa bahay niya.
"Nasan na kaya siya? " malungkot kong sabi habang nakaupo sa bench sa paborito kong place na maraming cherry blossoms.
Nakatingala ako ngayon sa lanhit habang nanlalagas ang bulaklak ng cherry blossoms ang ganda nitong tignan lalo pa ang kulay blue na langit.
"Hayyyyy" buntong hininga ko
Nang bigla nalang may sumulpot na isang gwapong lalaki dahilan na ikinabigla ko kaya agad akong napatingin sa lupa.
"Haahaha anong ginagawa mo?" tanong sakin ni Jaeven
"Ahh ehh wala lang hehehe" hiya kong sabi
"Ang ganda ng panahon diba? " imbit niya sabay umupo saking tabi
"Oo nga" ikli kong sagot
"Alam mo.... ahm... parang may iba sayo. " imbit niya sakin
"Sakin? Bakit? "
"Iba kasi ang Angel na kilala ko dati eh"
"Hahaha nagpapatawa kaba" tawa kong sabi
"Let me guess... hmm.... "
"Ano ba hahaha"
"Because of Devi?" imbit niya dahilan na ikinatahimik ko
"Am I right? " he said
"Ha... hahahah... Bakit mo naman nasabi yan?" tawa kong sabi
"I know you're worried about him, kahit dimo sabihin. " he said calm pero tahimik lang ako dahil tama nga naman siya. The reason why I am being like this is because of Devi
"Bakit naman ako mag-aalala sa kanya" imbit ko
"Siguro dahil wala na ang lalaki na palaging nangungulit sayo" he said and smile
"Hahaha tama ka nga. Pero hindi ako nalulungkot noh masaya nga ako eh" paliwanag ko
"Pero.... nakapagtataka lang dahil kung suspended siya dapat nasa bahay niya lang siya. Pero diko siya nakita sa bahay niya eh"
"Bahay niya? Alam mo kung nasan ang bahay niya" pagtataka niyang sabi hindi niya pala alam na magkapitbahay kami
"Ah... Sa maniwala ka sa hindi, magkapitbahay kami ng Devil na yun" biro kong sabi
"What a coincedence" ika niya
"Well,  I know you're wonderin' where he is now, pero pati kami hindi rin alam kung nasan siya" Jaeven explain dahilan na ikinabigla ko
"Pero magkaibigan kayo diba?" tanong ko
"Yes you're right. But Devi is a private and a loner person. Kung akala mo dahil magkaibigan kami lahat nalang alam namin tungkol sa kanya. No mali ka."
"Per... ro bakit?"
"2 years ago Devi was lost. Hindi namin alam kung nasan siya o kung kamusta siya. Wala lang para lang siyang naglaho ng parang bula. Hindi namin alam kung ano ang dahilan but he just vanished."
Paliwanag ni Jaeven sakin at tahimik lang ako.
"Sobra kaming nag-alala sa kanya nun. Tumigil siya sa pag-aaral niya nun. Hindi namin alam pero biglaan lang na nawala siya."
"Dun namin na realize na sinasarili niya lang ang problema niya. That's why he's being like this. Kaya naman kung nagtataka ka sa ugali niya siguro yun na yung dahilan."
"Pero bakit di niyo siya tinawagan?" pagtataka kong tanong matapos marinig ang lahat
"Hindi rin namin siya makontak that time, kaya hinintay nalang namin kung kailan siya babalik."
Nang marinig ko iyon ay nakaramdam ako ng lungkot at awa kay Devi. Hindi ko alam pero mas lalo akong nag-aalala sa kanya. Lalo pa nang maalala ko yung araw na nakita ko siyang umiyak.
"Tatawagan ko siya" imbit ko sabay kinuha ang phone ko at tinawagan ang number ni Devi
INGGGGGINGGGGG tunog ng aking phone maya-maya pa ay may sumagot na
"Hello Dev----"
"Sino to!  Bakit ka tumatawag sakin huh? Anong kailangan mo!? " pamilyar na boses ang narinig ko sa phone
"Teka bakit par------" putol kong sabi matapos enend call ng aking kausap ang phone niya
"Hahaha" Jaeven laughed
"Bak---bakit ka tumatawa? " pagtataka kong sabi
"Haysss tatawagan ko yung isa niyang number" imbit ko at agad tinawagan ang isa pang number ni Devi
INGGGGGINGGGGGG tunog ng aking phone habang tinatawagan ang isa pang number ni Devi nang bigla nalang nagring ang phone ni Jaeven mukang may tumatawag sa kanya kaya sinenyasan ko siya na ok lang na sagutin niya ito.
Maya-maya pa ay sinagot na ni Devi ang tawag ko.
"Hello Devi nasan kaba? " mabilis kong sabi
"Haysss tama na" imbit ni Jaeven sa kausap niya sa phone niya na ikinabigla ko dahil nasa kanya ang phone ni Devi
"Bak---baki---bakit nasayo ang phone ni Devi? " pagtataka kong sabi
"This is my phone." he replied
"Huh?"
"Simula nung nangyari sa kanya 2 years ago pagbalik ni Devi ay marami na ang nagbago sa kanya. Hindi na siya gumagamit ng sarili niyang phone. Wala na siyang cellphone. Ang meron lang siya ay camera. At kung masama siya nung dati ay mas lalo pa siyang sumama nung bumalik na siya." paliwanag ni Devi dahilan na ikinabigla ko
"Pero baki---"
"Palahi lang siyang nakikihiram ng phone sa amin. Minsan inuuwi niya to sa bahay niya at ginagamit ito kung kelan niya gusto. Wala siyang sariling phone. " he added
"Ano na kaya ang nangyayari sa kanya sa dalawang taon na nawala siya?" pag-aalala kong sabi
"Sa tingin mo anong dahilan niya?" tanong ko
"I also don't know. Talagang marami ang nagbago sa kanya sa dalawang taon na iyon. Hahaha nako! Kung nakita mo lang ang hitsura niya nun masasabi mo talagang ibang-iba na siya. Para siyang taong nakulong ng maraming taon. Napabayaan niya ang sarili niya."
Nang marinig ko iyon ay napayuko nalang ako at napabuntong hininga. Sa tingin ko sobrang nag-aalala na ako sa kanya. Ewan ko kung bakit ganito lang ang nararamdaman ko siguro dahil magkaibigan kami nung bata pa kami o  baka naman ay gusto ko na siya.
"Pero wag kang mag-aalala sigurado akong hindi pababayaan ng mokong na yun ang sarili niya, lalo pa't alam niyang may nag-aalala sa kanya at ikaw yun" imbit ni Jaeven at tumingin ako sa kanya and then he just smiled at me at tumayo
"I think I need to go hehhe" he utter at lumakad na pero ilang hakbang niya palang ay napatigil siya.
Nakatayo siya ngayon samantalang ako ay nakaupo lang sa bench. Nang tumigil siya sa paglalakad ay ay napatingin ako sa kanya. Nasa dalawang metro ang layo niya sa akin. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya.
"By the way.... " he said at humarap sa akin
"Ano yun? " ikli kong tanong
"I have something to tell you..." he said manly
"The truth is I truly care about you. I don't know but I think I like you." he said seriously na ikinabigla ko
"Pero kung ikukumpara ang pagkakagusto ko sa iyo kay Devi.... masasabi kong mas gusto ka niya.... hindi lang gusto... But I think Devi likes you so much. Mahal ka niya na kahit lahat na bagay ay kaya niyang gawin para sa iyo. Isa na run, ang palagi ka niyang tinatanggol sa guard." he said
"Ano--anong ibig mong sabihin?" I ask him curiously
"Devi is the one who helped you always."
"Siya ang lalaking palaging nagtatanggol sayo. Ang lalaking naglalagay palagi ng bag mo sa bench na yan." he added
"Huh?" tanging sambit ko
"I'm sorry kung diko agad sinabi sayo ang totoo. Siguro dahil nung una kitang nakita nung araw na tumatakbo ka sa hallway ay nagustuhan na kita. Kaya naging makasarili ako. Lalo pa nung araw na nagpasalamat ka sa akin dahil akala mo ako ang lalaking naglalagay ng bag mo sa bench which is ang totoo ay si Devi naman talaga ang naglagay nun dito at nagpunta lang ako dito nun dahil hinahanap ko si Devi at alam ko na dito siya palaging pumupunta tuwing umaga dahil paborito niya ang lugar na ito lalo pa't maganda ang sunrise rito." mahaba niya paliwanag dahilan na naluluha na ako
"And that time, nauna lang umalis si Devi at naiwan ako. Nung may nakita ako na bag ay hinawakan ko ito,  at yun na nga,  inakala mo na ako ang palaging tumutulong sa iyo. Nung sinabi mo na matagal na kitang tinutulungan ay napaisip ako na matagal kana pala talagang gusto ni Devi at siguro ay dumating na ang tamang panahon para magkatagpo na kayo. At ito na nga nangyari na." dagdag niya pa pero ako ay walang nasabi
"Hahaha nakakatawa lang isipin na palagi kang inaapi ni Devi pero ang totoo ang gusto ka niya. Kaya naman ayaw ko nang makisawsaw pa sa inyong dalawa. Lalo pa't alam kong gusto mo rin si Devi kahit dimo sabihin sakin. Hmmm wag kang mag-aalala alam kong okay lang si Devi kaya just wait for him." he said and smile at me at umalis na.
Nang marinig ko iyon ay tsaka kumawala ang luha sa aking mga mata.

~ TO BE CONTINUED ~

When Angel Run Into the Devil (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang