"Aray ko! Manganganak na talaga ako!"sigaw ko. Nakita kong lumabas mula sa kusina ang humahangos na si Manang Tasya.

"Dyos ko, Drake. Ang asawa mo, manganganak na! Hala! Madali ka!" Anito at doon agad na kumilos ang asawa ko.

"Fvck!" anitong napahawak sa buhok at hindi alam kung saan pupunta.

"Dyos ko, manang! Ang sakit!" Tumakbo ang asawa ko puntang kwarto para siguro kunin ang gamit at nakita kong natisod ito sa gilid ng muwebles at muntikan pang madapa at hindi ko na napigilan ang paghalakhak ko.

"Hahahahahhahaha!" Halos hindi na ako makahinga sa kakatawa at napapahampas pa ako sa sofa. "Oh my God!" Nang humupa ang aking pagtawa ay sinalubong ako ng naguguluhang mukha ni manang Tasya at madilim na mukha ng asawa ko.

"Joke lang po. Nagpa-pratice lang." Aniko.

"Tsk. Tsk. 'Kaw talagang bata ka, puro kalokohan." Ani manang at bumalik ng kusina.

"Do you think that's funny, Alyanna?" Anito sa asar na tono at pinulot ang nahulog na laptop. Hinihimas din nito ang nasaktang hinliliit sa paa. Bigla akong nakonsiyensya.

"Joke lang naman, hubby." At agad kong hinawakan ang matipuno niyang braso. "Ang pogi talaga ng hubby ko." At hinalikan ko pa ang pisngi niya. "Alam mo namang next week pa ang due ko."

"Tss" anito at niyakap ako. "Baliw ka talaga."

"Baliw na baliw sa'yo'" anikong nagpapa-cute pa.

"Hindi na ba pwede?" biglang tanong nito at napansin ko ang tent nito sa suot na shorts.

"Aba hoy! Baka gusto mong lumabas ang anak natin na nababalutan ng shumodity mo!" 

"What?" Pero nang naintindihan nito ang ibig kong sabihin ay napangiwi ito.

Nanunuod ako ng movie sa Netflix habang ang asawa ko ay nakatalikod sa akin at nakaharap sa may bintana't kausap sa mobile phone ang kanyang sekretarya.

Nakasando lang itong puti at naka-boxer shorts. Bakat ang mga muscles nito sa likod at ang matambok nitong pang upo.

"Nice ass!" Sigaw ko. Nilingon lang ako nito at kinindatan bago bumalik sa kausap. Napangisi ako pero bigla iyong napalis nang maramdaman ko ang paghilab ng tiyan ko. Ang sakit!

"Aray." Daing ko."Aray, hubby!" Sigaw ko. " Manganganak na yata ako!" Bakit ang aga naman yata?

Sinulyapan lang ako nito saglit at napapailing na tumalikod at bumalik sa kausap.

"Drakeeee!" Sigaw ko.

Nilingon lang ako nitong muli at saglit na tiningnan at inirapan. Aba't! Nang-irap pa! At kasabay non ay naramdaman ko ang pagdaloy ng malamig na tubig sa aking binti.

"Manang Tasya!" Palahaw ko dahil wala akong mapapala sa damuho kong asawa. Nagmamadaling lumabas si manang at nanlaki ang mata nito ng makita ang kalagayan ko.

"Ahhhhh!" sigaw ko.

"Dyos ko! Ang panubigan mo, pumutok na! Drake! Ang asawa mo, manganganak na!" Natulala ito.

"Drake!!!!" sigaw ko at doon pa kumilos ang magaling kong asawa!

"Buwisit kang lalaki ka! Buwisit ka!" gusto ko pa sana siyang awayin pero mas matindi ang sakit ng tiyan ko. "Sandali wifey. Kunin ko lang ang gamit!"

Dali dali itong nagtungo sa kuwarto.

"Huwag mo nang kunin!" sigaw ko pero nakaakyat na ito.

"Ipapahanda ko ang sasakyan kay Pilo!" ani manang at tumatakbong lumabas.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now