So, it has been decided na maghiwa-hiwalay na nga lang muna kame para mas mabilis namin mahahanap ang mukong na yun at para maipamalita na din sa iba naming tropa ang mga kaganapan. Sinuggest ni Nesh na miwan ako dito ngayon sa may bandang arcade dahil for sure daw babalik dito si Heinz at malamang maghahanap din yun samen at magkasalisihan pa!

Ito ako ngayon, nakaupo lang sa may parang plant box. Kung anu-ano na pumapasok sa isip ko. Hindi kaya kinuha si Heinz para ibenta sa black market ang lamn-loob niya? O kaya gagawin siyang male prostitue? OhNooo o_O

So much for thinking ng kung anu-anong bagay! Maalala ko lang, alam ko dala-dala niya ang phone niya aa. Matawagan nga. . .

Calling Bebeko♥

[The number you are calling is currently unavailable. . .Please try your call again later]

Hindi available? Nakapatay? One more time. . .

Calling Bebeko♥

[The number you are calling is currently unavailable. . .Please try your call again later]

Nakapatay nga phone niya! Heinz, nasaan ka na ba huh? I've never been so worried my entire whole life until now. Sana naman okay ka pa, buhay ka pa, nahinga ka pa! T_T

Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo dun sa parang plant box at lumakadlakad muna ako. I don't want them to see me crying again, yung mga taong nakaupo din malapit saken at yung mga taong nadaan. Habang naglalakad ako may napansin akong pamilyar na bagay, bagay na pagmamay-ari ni Heinz. Agad kong nilapitan yun at tama nga ang aking nakita, kay Heinz nga iyon. Panyo 'to ni Heinz at agad kong dinampot. Nagsimula na naman umagos ang luha sa aking pisngi at bigla na lang akong napatulala. Nagulat na alng ako nung nagvibrate ang phone ko, dali-dali kong kinuha ito at umaasa akong si Heinz na ang tumatawag

Beth calling. . . .

[ Hello?? Bessy? ]

"Ohh??"

[ Umiiyak ka na naman? ]

"Hindi. Kakatapos lang. Leche ka!"

[Andyan na ba si Heinz?]

"Wala pa nga ee. Kayo? Nakita niyo na siya?"

[ Tatawag ba ako at tatanungin ka kung kasama na namin siya? ]

"Inamoo! Malay ko ba, di ba?"

[ Sige na, tawag kami kapag nakita na namin siya o kaya ikaw din tumawag ka kapag nagkita na kayo diyan huh ]

"Ok. .Sige"

End of call

Gaya ng kanina, nakaupo lang ulit ako ngayon dun sa pwesto ko habang nag-iintay kay Heinz. Nakatungo ako ngayon at nakatingin lang sa cellphone ko. Nagbabakasakaling magtetext siya o di kaya siya na mismo ang tatawag. Habang pinagmamasdan ko ang phone ko ay walang tigil muli ang luha ko sa pagtulo. Naiinis na ako. Kasi kanina pa ako iya ng iyak, hihinto tapos iiyak ulit! Kung sinusubukan lang ni Heinz kng gaano ko siya kamahal, siguro naman pag nakita niya na ganito na kamaga ang mata ko maniniwala na siya 'di ba? Naririnig ko ang sarili kong humihikbi na ako, sinusubukan ko kasing patigilin ang sarili ko sa pag-iyak pero hindi ee, ayaw. Pero at least paghikbi pa lang 'to, hindi pa siya hagulgol. Naisipan kong tumingala na din para naman tumigil na ang luha ko sa pagtulo, malay mo effective 'di ba? At least I tried. . pero saktong pag-angat ko pa lang nang ulo ko ay may naaninag na ako na papalapit sa 'di kalayuan, kaya agad kong pinunasan ang luha ko at laking gulat ko na siya na nga yun. Si Heinz!! T_T

Binitawan ko ang cellphone ko at tumakbo papalapit kay Heinz, niyakap ko siyang mahigpit at sinubsob ko ang mukha ko sa kanyang dibdib.

"Heinz! Saan ka nanggaling? T_T" tanong ko habang tiningnan ko siya ng mata sa mata. Kita ko ang mga tinamong pasa sa mukha niya, may mga bakas din ng dugo at ramdam ko na nasaktan siya. Mas napayakap ako sa kanya ng mahigpit.

Infinite Loop (on Going)Where stories live. Discover now