"Uo na! Bilisan niyo at hinahanap na ako ng mga tropa ko!" sabi ko
"Mabuti ng nagkakaintindihan tayo dito! Mahirap na, ayoko pa naman ding mabahiran ng dugo mo ang sasakyan ko" pag-aangas ng isa
"Uo na nga, naintindihan ko na kayo. Dame niyo pang sinasabe!"
Maya-maya lang din ay naramdaman ko na na inaalis nila ang tali sa kamay ko at ang piring sa mata ko na may nakatutok pa ding baril sa ulo ko.
"Pumikit ka muna at magbilang kang sampung hkbang palayo sa kinatatayuan mo"
Agad ko naman silang sinunod. Akmang lilingon na ako makalipas ang aking pagbibilang ng sampung hakbang mula sa kinatatayuan ko kanina ay agad naman nagpaharurot ng kotse ang mga gunggong. Kahit na hinang-hina ako sa mga tinamo kong sipa't suntok ay nagmamadali akong tumakbo pabalik sa arcade na kung saan malamang at sana naroon pa din ang iba kong tropa. Iniiwas ko ang sarili ko sa mga taong nakakasalubong ko, kaya ngayon ay nakayuko ako habang naglalakad. Kinapa ko naman ang panyo sa bulsa ng pantalon ko pero hindi ko na ito maramdaman "Tss. Nalaglag pa! x/"
Iniisip ko pa din kung sino ang taong yun na may malaking galit saken para ipagawa niyang ipabugbog o di kaya'y ipapatay? Wala talaga akong maisip na may pinagkakautangan ko o anuman, minsan may mga bagay talaga sa mundo na mapapailing ka na lang. Bullsh*t!!
Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayang malapit na ako sa arcade. Hindi ko din lubos maisip na nakabalik ako dito na buhay pa. Haha xD
Habang papalapit na ako sa may arcade ay may naririnig akong humihikbi at nakaupo dun sa may pwedeng pag-upuan na may mga halaman. Dahil sa sobra na din sigurong pagkakasapak sakin kanina kaya nanlalabo ang paningin ko kaya hindi ko maaninag masyado kung sino yun. Bigla na lang ako nagulat nang siya na mismo ang lumapit sakin at yumakap. Ramdam ko ang concern niya dahil sinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko at yumakap ng mahigpit
"Heinz! Saan ka nanggaling? T_T"
Io's POV
Agad akong lumabas sa loob ng arcade pakasabing pagkasabi pa lang ni Dhar na nasa labas daw si Heinz. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot sa dibdib ko na may masama ngang nangyari. hindi ko na namalayang nasa labas na pala ako ng arcade at pinagtitinginan ko ng mga taong naglalakad at nakaupo malapit sa arcade. Pinilit kong mapatahan ang sarili ko dahil awkward nga naman na galing ka sa loob ng arcade paglabas mo luhaan ka na. Casino? Naubos ang coins panglaro. Hayyss -_-
Matapos ko pakalmahin ang sarili ko ay agad kong nilibot ang tingin ko "Heinz, nasaan ka na ba?" bulong ko sa sarili hanggang sa dumating na sila Nesh, Chu, Beth at Steff
"Ohh! Nasaan na ang gulo?" pasok ni Beth "Wala naman pala ee. Tama nga si Io na tripp lang ang lahat! Tss!" patuloy niya
"Hindi Beth, hindi lang tripp 'to! Totoo, iba ang pakiramdam ko Beth. May hindi tama, may masama talagang nangyari T_T" hindi ko na napigilang muling humagulgol at napayakap na alng ako kay Nesh
"Nasaan na ba kasi yun si Heinz?" sabi ni Chu habang tumatapik-tapik sa likod ko
"Yumii. Wag ka na umiyak. Think positive lang. Ramdam ko buhay pa din naman siya ee. Joke lang. Walang mangyayaring masama dun. Yun pa!" pagcocomfort saken ni Nesh
"Sana nga yumii tama ka!" sabi ko habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko
"Alam niyo mas maganda maghiwahiwalay tayo para mas mahahanap naten si Heinz. Hindi yung andito lang tayo nag-iiyakan" mariing suggestion ni Steff. Tama nga naman at point taken nga naman ang sinabi niya. Wala kaming mapapala kung andito lang kami, nakatayo at kino-comfort lang nila ako
YOU ARE READING
Infinite Loop (on Going)
Romance*THIS IS SOMEWHAT BASED ON A TRUE STORY* the names of the characters in these story is altered so no names of anyone whom I know or you know is in it PRIVACY WISE :)
Chapter 22
Start from the beginning
