"Ang gwapo ko 'no?" biglang nagmulat ang kan'yang mata kaya bigla ko s'yang nasabinutan, "Arayyy tama na sh*t! Arayyy ano ba!? Arayyy masakit! Pandak na pusa! Tumigil kana! Sh*t naman! Sorry na pandak na pusa"

"What the!? Anong pandak na pusa ka dyan? Kurimaw ka!"

"Pandak ka naman talaga eh tapos mukha ka pang pusa kapag nakangiti kaya pandak na pusa ka"

"P*tang*na mo kurimaw ka! Tukmol ka!"

"D*mn!"

Hawak-hawak n'ya ang kan'yang ulo at masama ang tingin sa akin kaya tinaasan ko s'ya ng kilay. Gagong 'to, kasalanan nya naman eh.

"Trip mo talaga ako palaging saktan, pandak na pusa? Ansakit ng anit ko. Ang liit-liit mo tapos grabe ka manakit"

"Tskk kasalanan mo naman eh"

Hindi n'ya ako pinansin at humiga na lang ulit sa legs ko, hindi ko na lang sya pinansin at kumuha ng isang piraso ng hamburger sa basket. Nagugutom na ako.

"Mac......"

"Oh?"

"Kailan mo ako sasagutin?"

"Aba'y gagong 'to. Hoyy para sabihin ko sayo, isang linggo ka pa lang nanliligaw tapos gusto mong sagutin na kita? Swerte mo naman yata"

"Naiinip na ako eh. Gusto kong matawag kang 'akin'. Alam mo yun, ako ang tukmol o kurimaw mo tapos ikaw naman ang pandak na pusa ko"

Ramdam kong namula ang aking mga pisnge kaya't pinasak ko na lang ang natitira kong hamburger sa kan'yang bibig. Tatawa-tawa naman sya habang pinagmamasdan ang mukha kong namumula.

"Babe namumula ang mukha mo. Para kang kamatis"

"Manahimik ka kurimaw!"

"Babe naman......."

Hindi ko na lang s'ya pinansin at kumuha ng panibagong sandwich. Gutom pa ako, matapos kong kumain ay isinandal ko ang aking ulo sa punong nasa likod ko at pumikit. Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko na lang ang isang bagay na dumikit sa aking labi, iminulat ko ang aking mata at doon nakita ang mukha ni Zhyro. Nakapikit s'ya habang hinahalikan ako, hinawakan n'ya ang pareho kong pisnge at patuloy akong hinahalikan. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang naghahalikan kaming dalawa. Hindi ko alam sa sarili ko ngunit namalayan ko na lang na ginagantihan ko ang mga halik n'ya, naramdaman ko ang pagngiti n'ya ngunit wala na akong pakialam. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang halik na ibinibigay n'ya sa akin. Tumagal pa ng ilang minuto ang aming halikan, idinikit n'ya ang kan'yang noo sa aking noo at ramdam ko ang kan'yang hinihinga na tumatana sa aking mukha.

"Babe..... I love you. Mahal na mahal pa rin kita at hindi yun nagbago o magbabago. Ikaw lang ang mahal ko. Please balik ka na sa akin. Bumalik na tayo sa dati. Gusto kong akin kana lang ulit, pwede ba? Pwede ba iyon?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kan'ya. Hindi pa ako handa na balikan s'ya ngunit taliwas ito sa sinasabi ng puso ko. Ayaw ko uling masaktan ngunit itong letseng puso ko, gustong balikan si Zhyro.

Inaamin ko, mahal ko pa rin ang tukmol na 'to. Kahit pa anong sabi ko sa sarili ko na naka-move on na ako ay iba naman ang sinasabi ng puso ko. Mahal ko pa rin talaga ang tukmol na 'to.

"Zhy-----------"

"Acosta!!!!!"

Hindi ko alam kung ano na ang nangayri ngunit may mga naka-itim na taong nagsilabasan at pinapaulanan na kami ng bala ng baril. Mabilis ang kilos ni Zhyro, nakatago na kami ngayon sa punong kanina lang ay sinasandalan ko at nakayakap sya sa akin na para bang pinoprotektahan nya ako sa mga balang ipinuputok sa amin. Nakayakap lang ako sa kanya at takot na takot. Hindi ko alam ang gagawin. Ano bang nangyayari? Bakit may mga bumabaril sa amin?

"Zhyro anong nangyayari? Bakit nila tayo binabaril?"

"Shhhh don't be scared babe, nandito lang ako. Huwag kang matakot. Pumikit ka lang"

"Pero--------"

"Pikit na pandak na pusa ko"

Matapos nyang sabihin iyon ay hinalikan nya ako sa noo kaya't wala na akong nagawa kundi sundin ang inuutos nya. Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid ko. Nang kaunting putok na lang ang aking naririnig ay nagmulat na ako ng aking mata. Kita ko doon ang mga lalaking naka-itim na nakahandusay. Nang tignan ko si Zhyro ay halata ang pagod sa kan'yang mukha, nakapikit s'ya at hinihingal.

Napalaki ang aking mata nang makita ang isa sa kalaban namin na itinutok ang kan'yang baril sa direksyon namin.

"Zhyroooo!!!!!!"

Ang balak kong sanggain ang balang tatama sa kan'yang katawan ay hindi ko nagawa dahil niyakap nya ako ng mahigpit upang hindi ako makaalis. Ramdam ko ang pagbaon ng bala sa kaliwang bahagi ng kan'yang katawan. Tatlong putok iyon at lahat ay tumama sa kan'yang katawan.

"Nooo!!!!!!!"

********

Hanse_Pen

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now