TWCIASA #61: WHO?

Start from the beginning
                                    

Hindi ko alam ang kirot na nararamadam ko, ayokong matalo ng emosyon na ito sa mga paghihiganti ko. Kinakailangan ko ng umalis.

Nagpaalam na ko sa mga taong kilala ko doon pero madami pa silang sinasabi kaya inexcuse ko ang sarili na magpaalam na. Masyadong naparami ata ang wine nainom ko kaya medyo nahihilo na ako. Nang nakalabas na ako sa event hall ay may humatak ng kamay ko.

"How could you go without telling me?" Isang malalim na boses ang nagpatayo sa balahibo ko. Napatingin ako sa kamay niyang hawak ang kamay ko at diretso sa mukha niya. Pabalibag ko iyong inaalis.

"For your information, Mr. Livingston. I am not obligated to tell you what I should do...after all..


you're engaged."


"Wala akong alam kung paano nagkaroon ng engagement---"

"No." Pagpigil ko. "Don't explain. Walang namamagitan satin.."

"Wala ba?" Masakit na pagkakabigkas niya. Halos naalala ko pa din ang paghalik sa kanya ni Arianna. "We make love.. wala lang yon?" Kita ko ang pag- igting panga niya. Nasa loob pa lahat ng mga guest kaya walang nakakarinig sa amin dito.

"Make love?" I chuckled at tumingin sa paligid niya. Hinarap ko siya para tigilan na ang pag-iilusyon. "That shouldn't have happened, it was 
just a mistake.

"A mistake? How did that go wrong?" Napaiwas ako sa sinabi niya. Ayoko nang makipag-usap sa kanya. Kailangan ko ng tapusin ito. Kahit kailan hindi pwede itong nararamdaman namin sa isa't isa. "I know and I feel that you are inlove with me--" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hindi kita mahal." Pag-iling ko. Napatigil siya at kitang kita ko kung paano dumaan ang sakit sa mga mata nya. "Lahat ng iyon wala lang sakin.D Lahat ng iyon--" Nahihirapan akong bigkasin lahat dahil naglalaban ang emosyon ko at kailangan kong maging matatag.

"Hindi totoo?" Mapait niyang sabi. Nakaramdam ako ng guilt sa sinabi ko. Agad na humakbang sya papalapit sa akin at sobrang dilim ng kanyang mata na hindi ko kayang titigan ng matagal. Alam niya. Kahit itago ko alam niya. "I owned you. No matter what you say, you are mine. Kahit na alam ko ang pumipigil sayo para mahalin ako.." Naramdaman ko ang paglapit niya kaya bigla akong umatras.

"Andyan na si Arianna--"

"SO WHAT?!" Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa pagsigaw nya.

"SIYA ANG MAHAL MO!"
Napatigil siya pagsasalita at nagulat sa sinabi ko. Nakatitig lang siya sa lahat ng reaksyon ko.

"Si Arianna ang mahal mo, you're confused. Now, she's back. Pwede na kayo ulit, Pwede mo na siyang pakasalan. Tadhana na ang nagsasabi at magpapatuloy sa naudlot niyong pag-iibigan noon.."

"Isa lang ang babaeng naiisip ko pakasalan--"

"Oo at siya yun--"

"Andrei.." Napatigil ako sa pagbanggit ng pangalan na iyon. Umatras ako ng dalawang hakbang. Napayuko ako at tumingin ng diretso sa mga mata niya.

"Wag mo akong tatawagin sa pangalang sa kanya naman talaga galing."

Ramdam na ramdam ko yung sakit sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Dahan dahan siyang napalingon sa akin.

"Her name is Andrei Marie Amphere.. iyon ang tunay niyang pangalan."

"Akala ko--"

"Akala mo coincidence? Sa tuwing binabanggit mo ang pangalan na yon ay alam mong siya iyon?" Napiyok ako doon. "Ako ang minahal mo kase ako ang nandito. Ako ang nakita mo kasi di mo makita ang presensya nya." Hindi siya makasagot. Kasi totoo. Tahimik lang siya wala siyang nasabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Where stories live. Discover now