Chapter 30

54 2 4
                                    

Sinalubong ko ang tingin ng mga empleyado sa amin habang naglalakad kaming dalawa ni Arthur. Magkahawak ang kamay daming dalawa at parang ayaw ako nitong pakawalan. Pagkasakay sa elevator ay sumimangot ako sakanya. Iyong tingin kasi nila sa amin sobrang diin. Talagang hindi makapaniwala. Sabagay ang bilis din kasi ng kasal.

Diba ang sabi ko dati ay gusto ko lagi siyang nakikita? Parang lumala ngayon. Gusto ko na lagi siyang hinahalikan.

Nababaliw na ba ako?

"What?" Malambing niyang tanong.

Umiwas ako ng tingin.

"Wala." Nag- aalangan kong sabi.

"Come on, baby. Tell me what is it."

Ngumuso ako.

"Gusto kitang i- kiss."

Humalakhak siya.

Nilapit niya ang mukha sa akin at saka ako masuyong hinalikan. Napapikit ako roon. Nahinto lang ang paghalik niya ng bumukas ang elevator at makitang nakanganga kaming tiningnan ng mga empleyado. Mukha ngang nahihiya pa ito na pumasok. Arthur glare at them. Nang samaan ko naman ng tingin ang asawa ay lumambot rin kaagad ang ekspresyon nito.

"Pasok na kayo." Marahan kong sabi.

"Thank you, Maam. Congratulations nga po pala sa wedding niyo."

Ngumiti ako sakanila at saka tumango.

Nag- uunahan itong lumabas sa elevator nang makarating sa floor nila. Si Arthur naman ay hinarap ko at pinaningkitan ng mata. Nagpatay malisya siya habang nakatingin sa akin.

"Ikaw talaga! Dapat naggigreet ka sa employees mo. Kaya sinasabihan kang dragon, eh!"

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Dragon, huh? Who the hell named me like that?" Nanghahamon niyang sabi.

Kumalas ako sa hawak niya at pinagkrus ang braso.

"Ako. Bakit? Nagagalit ka ba?" Tanong ko sakanya.

Napalunok siya at saka hinila para yakapin mula sa likod.

"Hindi. I can't even get pissed at you. And I'll try to greet them too."

Ngumiti ako. Parang ako na ang boss ngayon, ah.

"At ngumiti ka palagi. Gusto kita laging nakikitang nakangiti. Ang gwapo mo lalo."

Nang makarating kami sa opisina ay halos ayaw na akong paalisin nito sa tabi niya. Hindi naman ako nagrereklamo. Gusto ko rin naman iyon. Inihatid ng cook ang pagkain namin. Naamoy ko palang ito ay parang hinango na ang sikmura ko. Tumakbo agad ako sa banyo ng office niya at saka nagsuka roon.

"Diyan ka lang." Babala ko dito dahil gustong pumasok.

Pagkatapos kong maflush ang bowl at makapaghilamos ay lumabas ako. Wala na ang pagkain doon. Pinakuha siguro.

Lumapit naman si Arthur sa akin.

"Are you alright?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako.

"Hindi ko gusto ang amoy. Ayaw ko noon."

Tiningnan niya lang ako ng mariin at parang nag- iisip nang mabuti.

"Pinakuha ko na. What do you like to eat?"

Nag- isip ako habang iniyakap ang kamay ko sa kanya. Sumandal ako sa dibdib nito.

"Gusto ko ng Jollibee, mahal." Parang bata kong sabi.

"I'll ask someone to buy it then."

Tumingala ako sakanya at umiling.

Then There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon