Chapter 2

106 4 4
                                    

"'Tay, kilala niyo ba iyong lalaki na laging bumibili sa atin? Iyong naka- black na jacket at pants?" Tanong ko dito isang araw nang kumakain kaming dalawa.

Nagkibit- balikat siya sa akin.

"Hindi. Pero mukhang regular na customer na natin iyon, ah. Walang mintis bumili tuwing madaling araw."

At walang mintis din kung magbigay ng tip na isang daan. Grabe, nakaka- one thousand four hundred na nga ako sakanya. Mukhang wala lang naman dito iyon dahil nakagawian na talagang mag- iwan ng dalawang daan sa akin.

"Sa tingin mo po, bibili iyon ngayon?" Tanong ko kahit naman alam ko ang sagot. Mamaya pa siguro iyon, mga alas dos.

"Baka. Hintayin nalang natin."

Tumango ako sakanya at ipinagpatuloy ang pagkain.

Nang bumalik sa counter ay nagbasa- basa ulit ako ng libro. May phone naman ako kaso nga lang ay mas gusto ko na itong ginagawa ko. Kahit anaman na patapos na ang school namin ay kailangan ko pa ring mag- aral para naman mapatunayan ko sa mga nagbigay ng scholarships sa akin na hindi sayang ang binigay nila.

Hindi nga ako nabigo dahil pagkaraan ng ilang minuto ay pumasok ulit ang lalaki at binili ang usual niyang binibili. Meal, sandwich at saka coffee at nag- iwan ulit sa akin ng pera. Gusto ko na sanang tanungin ang pangalan niya kaso nga lang ay baka hindi naman ako pansinin non. Hinayaan ko nalang. Lagi naman akong nagpapasalamat sakanya.

Madalas ko lang napapansin dito na kapag pumunta ay iyong oras na wala masyadong tao at aalis rin kapag wala pa ring tao. Aalis iyon bago sumikat ang araw. Minsan nga iniisip ko na baka bampira siya pero tinatawanan ko nalang kasi kung ano- ano na ang pumapasok sa utak ko.

Nang matapos ang shift ko ay dumiretso kaagad ako sa bahay at natulog. Katulad ng madalas na ginagawa ay nagkakape lang at pagkatapos ay gogora na sa eskwela.

Nakatingin lang ako sa kumpulan ng mga estudyante sa cafeteria habang hinihintay si Miya na umorder ng pagkain. Nagvavlog rin siya ngayon at gusto pa nga sana akong isali kaso ayaw ko. Hindi nga ako photogenic at sure ako na hindi rin ako videogenic.

"Sama ka na kasi sa akin. Kahit isang vlog lang eh. Nagrerequest viewers ko kung nasaan ka daw ba dahil nga lagi kitang binabanggit sa kanila." Nakangisi nitong sabi sa akin.

Napailing ako dito.

"Ayaw ko. Baka mamaya ay ma- bash ako ng mga iyon. Mukha akong patatas." Natatawang sabi ko.

Umiling siya sa akin at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Kung sino man ang magsasabing pangit ka, sasabunutan ko. Ang ganda- ganda mo kaya. Maganda ka na kahit di ka mag- ayos. Paano pa kaya kung mag- aayos ka diba?"

Napatawa nalang ako dito at saka kinain ang nakahain sa amin.

"Saka nalang, Miya."

Napanguso siya at walang nagawa. Kumain nalang kaming dalawa doon.

Nang makalabas sa room ay inangkla niya ang braso niya sa akin at sabay kaming naglakad papalabas. Kumaway ako dito nang makita siyang papasok na sa kotse nila.

"Sa sabado, ah! Birthday ni Mommy!" Paalala niya.

Tumango nalang ako.

Si Tita Beth ay mabait sa akin at tinuturing na nga ako na parang anak rin nila. Nag- offer pa nga ang mga iyon na sakanila nalang ako tumira pero tinanggihan ko kasi mas gusto ko sa maliit na bahay namin. Nandoon kasi ang lahat ng memories namin ni Tatay at Nanay.

Pagkauwi ay nagbihis lang ako at saka dumiretso sa ulit sa convenient store. Pagdating ko ay nagulat pa ako dahil may isa pang lalaki na nag- aabang sa counter. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako pabalik sakanya.

Then There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon