Chapter 11

67 2 7
                                    

"Bakit ang dami mo namang pinapadala? At ano ba ito? Bakit napakanipis naman!" Inis kong sabi.

Tiningnan ako ni Miya na parang hindi makapaniwala.

"Ikaw naman! Syempre supportive ako sayo. At isa pa, beach kaya yon. Malamang manipis lang ang ipadadala ko dahil mainit doon. Ikaw talaga!"

Napabuntong- hininga ako at napanguso.

"Baka naman hindi bagay sa akin iyan?" Tanong ko dito.

Nagulat ako noong hawakan niya ang mukha ko at saka ako mariing tiningnan.

"Ang ganda mo kaya. Saka bagay sayo ito. Maganda ang katawan mo 'no!" Ani niya pa at nginisihan ako  pagkatapos.

Kung ano- ano ang pinaglalagay ng babae na ito sa bag ko. Napakadaming bikini at lingerie. Asa naman siyang isusuot ko ito lahat.

"Mabuti nalang at sinama ka niyang Boss mo. Makakapunta ka na rin sa beach sa wakas!"

Tinawanan ko siya pagkatapos. Inosente mang pakinggan pero hindi pa talaga ako nakakapunta sa beach simula bata. Syempre hanggang doon lang ako sa mall. Doon ang pinakamalayo naming punta nila Nanay. Paano ba naman kasi ay wala kaming pera. Edi tiis- tiis lang doon. Ang iniimagine ko nalang na dagat ay iyong planggana na labahan ni Nanay. And as much as I like to hide my excitement, talagang lumalabas eh. Thankful ako dahil kay Arthur. Syempre naman, nakakapag- explore na ako ngayon.

Nang kinagabihan ay sa condo ko natulog si Miya dahil ang tagal niyang maglagay ng gamit. Pinatulog pa nga ako nang maaga noon dahil siya na raw ang bahala. Alas otso noong sunduin ako ni Arthur sa condo. Kaswal na kaswal lang din ang suot niya.

"Sa airport ba tayo didiretso, Boss?" Tanong ko sakanya.

Umiling ito kaya napatingin ako doon.

"My house."

"Bakit po?"

"I have a chopper there."

Napatango nalang ako pero talagang naaamaze ako sa kayamanan ng lalaki na ito.

Noong makarating sa bahay ay binitbit ko ang dala ko. Pagkarating namin sa roofdeck ay nakita ko na ang chopper na naghihintay. Sa kabilang gilid ay nakita ko ang isang lalaki na nakauniporme ng pangpiloto. Nakapamulsa siya at tinatanaw ang kalangitan at nang makita kami ay ngumiti.

"I thought you're not going to return it to me." Asar na sabi ni Arthur.

The guy smirk and open the door for us. Kinuha niya rin sa akin ang dala ko at siya ang naglagay.

"Well, I do now. At ihahatid pa nga kita."

Inirapan siya ni Arthur.

"Para namang lugi ka pa, Lorcan."

Tinawanan siya ng kaibigan dahil sa sinabi.

Malakas ang pintig ng puso ko habang ikinakabit ang seatbelt. Nilingon ako ni Arthur at ngumiti ako ng pilit sakanya.

"You alright?" Tanong niya sa akin.

"Kinakabahan ako, Boss." Pag- amin ko.

He smirk.

"Narinig mo, Lorcan? Kinakabahan ito. Ayusin mo."

Napahalakhak ang lalaki at tiningnan ako gamit ang rear view mirror.

"Don't worry, Miss. I got you,"

Napakagat ako sa labi. Para na akong tatakasan ng dugo ngayon at para ring sobrang lamig na ng pakiramdam ko.

"It's alright. Hold me." Marahang sabi ni Arthur sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya. Napapikit ako nang maramdaman na umaangat na kami sa ere. Si Lorcan ay nagsasalita pero hirap na akong intindihin iyon dahil kinakabahan ako. Dahan- dahan ko namang minulat ang mata pagkaraan ng ilang minuto. Tanaw ang mga kabahayan habang nasa himpapawid kami. Unti- unti ay nawala ang kabang naramdaman ko ng una at nagsimula nang maappreciate ang view sa ibaba.

Then There's YouWhere stories live. Discover now