Chapter 9

68 3 4
                                    

"I really can't believe na nagwowork ka na ngayon sa company!" Natutuwang sabi sa akin ni Miya. Nagtampo pa nga ito noong una dahil dapat daw ay sakanila nalang ako nagtrabaho.

"Ako din. Ang bilis nga ng oras. Tingnan mo, nakakadalawang linggo na ako."

"By the way, magcocondo hunting tayo today diba?"

Um- oo ako sakanya. Nahihirapan din kasi ako dahil medyo malayo ang bahay. Kaya naisipan ko na magrent nalang muna.

Ngayon nga ay wala akong pasok. The past few days, maayos naman ang trabaho ko kay Arthur. Iyong mga trabahante nga ay binabalaan ako na sa pangalawang linggo ay saka ko lang daw mararamdaman ang galit niyan. Chill daw muna ngayon. Tinatawanan ko nalang sila kapag ganoon.

Naalala ko iyong sinabi ko kay Arthur na kailangan niyang pumunta sa mansion nila dahil nagrerequest ng dinner ang Mama niya, sinama ba naman ako.

"Boss, bakit sasama ako diyan eh family dinner niyo nga raw po?" Nagtatakang tanong ko.

Frustrated niya akong tiningnan. Sinuklay pa nito ang mahabang buhok.

"Oh, I'm pretty sure it won't be just a family dinner. She'll bring a lady and will set me up on a date."ulo niyan." Sambit nito habang kami.

Malaki ang bahay nila. Maganda at eleganteng tingnan. Mukhang mga antigo at mamahalin rin ang mga kagamitan dito. Siguro nga ay naisasangla kahit baso at kutsara. Marami rin silang helpers na nag- aassist ng pagkain, para namang fiesta ang magaganap dahil sobrang rami ang nakahain sa mesa.

"Oh, hey Cora!" Bati sa akin ng Kuya Axel niya. Alexis wasn't there dahil nasa Davao daw ito for a conference.

"Hello po." Mahinang bati ko.

Tiningnan niya si Arthur na parang nang- aasar. Ang isa naman ay walang emosyong nakikipag- sukatan rin ng tingin sakanya.

Ang Papa nila ay naroroon din. His whole family is delighted to meet me. Ako rin naman sa kanila. Mababait kasi ang mga ito. Si Axel ang madaldal sa hapag at panay ang tanong sa akin. Ako naman ay sumasagot samantalang si Arthur ay paminsan- minsan lang magsalita.

"Uuwi ka na, Cora?" Tanong sa akin ni Axel. Kaming dalawa ang naiwan sa salas nila dahil si Arthur ay kinausap ng Papa nila tungkol sa business.

"Opo, Sir."

"Oh no! Don't call me Sir. I'm fine with Axel."

Ang lalaking ito ay kabaligtaran ni Arthur. Kung iyong isa ay hindi nagpapakita ng emosyon, siya naman ay expressive.

"Okay, Axel."

"So, you want me to drive you home?"

"Ako ang maghahatid sakanya pauwi." Singit ni Arthur.

Natawa si Axel nang marinig si Arthur sa likuran namin. Ang malalamig na titig niya ay nakaparoon lang sa kapatid na tuwang- tuwa.

"Alright, brother." Nakangising sabi nito at saka siya tinapik sa balikat.

Humarap si Axel sa akin.

"It's nice meeting you, Cora."

"It's nice meeting you too, Axel."

Parang asar na asar si Arthur nang bumiyahe kami pauwi. Sinubukan kong kausapin ito at tuwing mag- oopen ako ng topic about sa Kuya ay lumalamig lagi ang ekspresyon kaya nanahimik nalang ako. Baka ihagis ako papalabas ng sasakyan niya eh.

"Maganda ang isang ito. Malapit sa opisina mo." Si Miya.

Halos limang mga condo na ang napupuntahan namin. Ang iba ay affordable nga kaso pangit ang site at ang iba ay maliliit ang espasyo.

"Tama na siguro ito. Kunin ko na." Sambit ko.

Tumango siya sa akin. Agad na naprocess ang paglipat ko roon. Si Miya ay nagsuggest na bilin ko na raw at ang berat na iyon ang bumili dahil wala pa naman daw akong ipon.

"Babayaran ko iyan ah!" Halos nahihiya kong sabi.

"Oo nga! Mag- ipon ka saka mo ibayad sa akin." Halos di ako makapaniwala doon.

May mga furniture naman na ang condo na nabili kaya hindi na ako mahihirapang bumili pa ng gamit. May aircon pa nga eh. Nagrent ako ng truck na magbibitbit ng gamit ko sa sumunod na oras. Naka- pack na rin kasi iyon dahil nga ni- ready ko na kaagad. Ngayon ay nasa condo lang ako at nag- aayos- ayos ng mga gamit habang si Miya ay nagpaalam dahil may kikitain daw siyang work related person.

Habang nag- aayos ng mga damit ay biglang nagring ang phone ko. Gabi na at sino naman kaya ang tatawag sa akin. Nang makita ko ang name ni Arthur ay agad kong sinagot iyon.

"Where are you?" Tanong nito.

"Nasa condo, Boss. Nag- aayos ng gamit. Bakit po?"

"Oh, you're doing something."

"Tapos naman na, Boss. Ano po ba kailangan niyo?" Ani ko at saka napapikit ng makita ang kaunti pang gamit.

"Can you come with me? I want hot bulalo right now."

See! Ito ang sinasabi ko. May pa list pa ng pagkain at oras kung kailan ibibigay sakanya tapos ngayon, tingnan mo naman, dis oras ng gabi ay nagpapasamang kumain.

"Okay, Boss."

"Alright. I'll pick you up. Send me your address."

Pagka- text ko sakanya ay nagbihis na rin ako. Simpleng lounge shorts at tight crop top ang suot ko. Nang makita ko na huminto na siya sa tapat ng condo ay sumakay agad ako sa sasakyan niya. Dito lang din ang itinuro ko na kainan namin ng bulalo. Hindi na umalis pa ng bayan. Kakain lang naman kami just to statisfy his cravings.

"So, you bought a condo?" Tanong niya sa akin. Nakaputing tshirt at sweatpants na itim ito, napakasimple, pero kahit ganoon ay pinagtitinginan pa rin ng ilang kumakain.

"Si Miya ang nagbayad ng kalahati pero babayaran ko naman siya. Wala pa po kasi akong ipon."

Tumango ito at parang nag- isip. Alam ko na ang pinaplano niya kaya inunahan ko na.

"Wag, Boss. Ako ang magbabayad noon galing sa sweldo ko. Hindi ko tatanggapin ang iniisip mong ibigay."

He pursed his lips. Umiling din ito sa akin.

"Alright. Alright. But it's good that you brought a condo."

"Opo. Malapit din sa kompanya. Hindi mo na ako ihahatid pauwi."

Tumango nalang siya sa akin.

Kalahating oras din kami doon dahil kung ano- ano lang ang pinagbibidahan naming dalawa. Feeling ko nga hindi ko ito boss sa lagay na iyon eh.

"Sige na, Boss. Ingat sa pagdrive pauwi!" Ani ko at saka siya kinawayan.

"Thank you for coming with me."

"You're welcome, Bossing!" Natatawa kong sabi.

Napangiti rin siya.

Agad na akong bumalik sa unit ko. Mag- aalas dose na rin. Tinapos ko lang ang mga damit at pagkatapos noon ay nagshower. Kinabukasan kasi ay may pasok pa ako at syempre kailangan kong maunang pumasok kay Arthur.

"Nasaan ka? Hindi ka sumasagot kanina?" Ani Miya nang sagutin ko ang tawag nito.

"Tumawag si Boss. Nagpasama na kumain ng bulalo. Kauuwi ko lang. Bakit?" Narinig ko pa na nasamid ata ito sa sinabi ko.

"Kumain kayong dalawa?" Mapanudyo nitong sabi sa akin.

Napairap ako.

"Tigilan mo yan Miya. Sinamahan ko lang dahil Boss ko."

Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya.

"Bakit hindi ganoon ang dating sa akin, Cora my baby?"

"Itigil mo yan. Wala naman akong gusto doon kay Boss. Work- related lang talaga iyon." Pagpapaliwanag ko.

"Sige, sabi mo yan eh. Basta ako, binabalaan kita. You're so innocent kaya. Ang tingin ko kay Arthur ay nanakmal. Kaya mag- ingat ka, ah. Baka magalusan ka."

Then There's YouWhere stories live. Discover now