Chapter 19

59 2 3
                                    

Tahimik akong naghihintay kay Dave sa restaurant kung saan ko siya inaya. Ilang beses kaming nagkita pagkatapos ng birthday ni Mrs. Salvatorre. Sinubukan ko naman na makaramdam. Hindi pala, more like, ipinilit kong may maramdaman. Pero wala pa rin.

Naalala ko ang sinabi ni Arthur noong birthday ng Mama niya. No one deserves me daw. Baka naman baligtad. I deserve no one. Kasi tuwing iniisip ko si Dave ay kumikirot ang puso ko dahil alam ko na kapag pinagpatuloy ko pa ito ay mas tatagal lalo ang pagpapasakit ko sa kaniya. I don't want to give him any false hope. Mabait siyang tao. Deserve niya ang babaeng mamahalin siya gaya ng pagmamahal na ibibigay niya dito.

"Hi."

Malumanay kong bati sa kanya. Napangiti siya pero kita mong hindi abot sa mata.

"May ideya na ako kung ano ang mangyayari. Pero kumain muna tayo, Cora. I don't want to spoil our dinner."

Tumango ako dito.

Gaya ng napag- usapan namin ay ako ang nanlibre. Hindi naman na siya umalma. Tahimik si Dave sa buong pagkain namin, malayo sa dati na lagi siyang may bagong kwento. Hindi naman din ako makapagsalita kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Dave." Tawag ko sakanya nang matapos na kaming kumain.

Huminga siya ng malalim at saka tumango sa akin.

"Sige na, Cor. Sabihin mo na."

Ngumiti ako sakanya.

"Mabait kang tao at hindi ko maipagkakaila yan. Masaya ka ring kasama. Kaso Dave, ayaw ko nang patagalin to, eh. Para na rin mabilis ka na na makapag- move- on."

Tumawa siya ng mahina.

"Hindi ganoon kadali ang magmove- on, Cora. Noong pagkatapos ng college, sinubukan ko namang kalimutan ka. Pero makulit ang puso at utak ko, ikaw ang pa rin ang gusto."

"Pasensiya ka na, Dave. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo." Napayuko ako pagkasabi noon.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.

"Ano ka ba? Hindi mo kailangang maawa sa akin. Diba ang sabi ko, kargado ko ang sarili kapag nasaktan? Huwag kang mag- alala, Cora."

'Yan ang sinasabi ko. Masyado siyang mabait at nalulungkot lang ako sa tuwing inaalala ko na nasasaktan siya dahil sa akin.

"I'm sorry, Dave." Mahina kong sabi.

"Huwag. Ang gusto ko lang ipangako mo ay magiging magkaibigan pa rin tayo pagkatapos nito. Gusto ko walang magbabago sa kakulitan mo." Sabi niya habang sinusubukang pagaanin ang pakiramdam ko. Hindi naman ako ang na- basted pero ako ang nalulungkot.

"Syempre naman. Kaibigan pa rin naman talaga kita. At walang magbabago sa pakikitungo ko." Pangako ko sa kanya.

He smiled at me.

"So, ano? Hatid na kita? Madilim na rin sa labas, eh."

Tumango ako dito.

Hinatid niya nga ako sa condo. Pagpasok palang doon ay napakagat na ako ng labi. Huminga ako ng malalim at nagbihis ng pambahay na damit. Tinawagan ko si Miya para ibalita sakanya ang nangyari.

"Really? Kawawa naman si Papi Dave. Pero tama lang naman ang ginawa mo. Wala ka namang magagawa kung hindi mo talaga magustuhan yung tao."

Pumikit ako at napatango- tango pa.

"Alam ko. Kaya habang mas maaga ay pinutol ko na ang pag- asa niya. Naaawa rin ako sa tao dahil halatang puro pagmamahal ang kayang ibigay sa akin samantalang hindi ko man lang masuklian kahit katiting na gusto." Mahina kong sabi.

Then There's YouWhere stories live. Discover now