Chapter 25

61 2 3
                                    

Umiiyak ako habang inilulublob nila ang ulo ko sa drum. Pangalawang araw ko na dito at indi nila ako pinapakain. Natanggal nga ang pagkaposas ko ngunit ganito naman ang ginagawa sa akin. Gustuhin ko man na lumaban ay hindi ko magawa dahil masakit pa rin ang saksak sa tagiliran ko.

"Well, well, well! Look at the beautiful secretary of Arthur." Nakangising sambit sa akin ni Rome. Siya iyong lalaki sa ball. Iyong akala kong mabait pero demonyo pala.

"Walang hiya ka!" Umiiyak kong sabi.

Napasigaw ako nang hilahin ng babae ang buhok ko.

"Babe, don't enjoy too much. May ilang araw pa tayo para saktan ang babae na iyan." Ani noong lalaki na nagsabi sa akin dati na mag- ingat daw ako dahil mahal pa ni Arthur ang ex niya. Ang asawa nito ang may hawak sa ulo ko ngayon.

"I can't help it. Ito nalang ang ganti ko kay Arthur after what he did to our company!"

Mas lalong humigpit ang paghawak niya sa buhok ko. Naglandas ang luha ko dahil doon. Sinaway siya ng asawa niya sa ginawa. Napipilitang sumunod ito. May isang tauhan naman nila ang naghawak sa akin.

Tiningnan ko silang muli. Si Rome. Ang mag- asawang Tresvalles na sina Elias at Isa. At sa likuran nila ay si Dave. Si Dave na ang tingin ko ay napakabait. Ito pala ang may hawak ng mga taong may armas at nakatutok sa akin. Siya ang nag- utos na kidnapin ako. Siya ang nagpagawa noon dahil gusto niya na mapatunayan sa among Tresvalles ang katapatan sa kompanya.

"You know what, you're really beautiful. It's a pity that you work on that company..." Ani Rome at saka hinawakan ang baba ko. "When you could work with Dave, your friend here! Hindi sana aabot sa ganito. Ikaw sana ang nasa pwesto niya at pinanonood ang sekretarya ni Arthur."

Tumalim ang mata ko sakanila.

"Kahit kailan, hindi ako sasali sa ganitong gawain! Mga hayop kayo!" Sigaw ko sakanila.

Tinawanan ako ng mga ito. Si Dave naman ay inilihis ang paningin mula sa akin.

"Our Dave here likes her. What shall we do about that, Rome?" Nakangising sabi ni Elias Tresvalles.

"Hmm? So here is his chance. What about we have him have his way to her? He can film it and send it to her beloved boss!"

Nagpalakpakan pa sila noon. Kumabog ang dibdib ko sa narinig sakanila.

"You're really smart, Rome." Puri sakanya ng mag- asawa.

"I am! Thank you for that, Eli and Isa." Nakangiti nitong sabi.

Lumapit siya sa akin.

"Please have fun, Miss Cora." Kinuha niya ang kamay ko at saka hinalikan iyon.

Itinulak ako ng lalaki sa kama. Pumasok si Dave doon. Panay ang pagpatak ng luha ko nang makita siyang nilock ang pinto at saka inilagay sa harap ng kama ang camera.

"Dave, please. Huwag mong gawin 'to. Alam kong mabuti kang tao. Please. Maawa ka sa akin..." Umiiyak kong pagmamakaawa sa kanya.

"Kailangan ko, Cora."

"Hindi mo kailangang gawin to. Please, Dave..." Pagmamakaawa ko sakaniya. Nakita ko ang pamumuo rin ng luha niya.

"Ayaw ko. Hindi ko magagawa sayo iyon. Pero hawak nila ang pamilya ko. Hindi ko kayang mawalan ng pamilya."

Pinalis niya ang luha.

"Dave, please..."

"Don't worry, hindi ako susunod. Kailangan ko lang ng kaunting clip. After kong masend ito kay Sir Arthur, matutunton ka na nila." Oh? Was I supposed to be better after hearing that?

Then There's YouWhere stories live. Discover now