Chapter 24

57 2 8
                                    

Nakatulala ako habang inaalala ang realisasyon kanina. Mas pinanghinaan ako ng loob nang maalala na hindi man lang niya ako hinabol. Hindi naman sa gusto ko pero doon ko napagtanto na wala talagang pag- asa. Naalala ko ang sabi niya dati na wala siyang girlfriend dahil wala siyang oras roon. Pero pumasok muli sa isip ko ang nangyari at sinabi noong lalaki sa ball. Na hindi pa tapos magmahal ng iba si Arthur.

Kung sino man ang babaeng mahal niya, malamang ang swerte noon. Nakuha ba naman niya ang puso ng isang Arthur Salvatorre.

Kalagitnaan ng gabi ng magring ang phone ko. It was Arthur. Nanuyo ang lalamunan ko. Bakit kaya tatawag ng ganitong oras ang lalaki na iyon?

"Hello?" Marahan kong tanong.

"Hello? Is this the secretary of Mr. Salvatorre?" Tanong sa akin ng boses babae.

Kumunot ang noo ko.

"Yes. Who's this?"

"I'm the head nurse of the Saint Joseph's Hospital. Mr. Salvatorre got into an accident. Can you come here? Kayo lang po ang tinawagan ko dahil kayo ang recent na nakausap niya."

Nanuyo ang lalamunan ko sa narinig. Bumilis din ang tibok ng puso ko.

"Okay po. Pupunta po ako diyan."

Nagmamadali kong dinampot ang wallet at phone. Hindi na ako nakapagbihis pa sa pagmamadali. Halos maiyak na ako sa kalsada dahil walang taxi na dumadating. Mabuti nalang talaga at may nagawi kaya masyado ang pasasalamat ko dito. Pagkarating sa hospital ay kinabahang tinanong ko ang nurse kung nasaan si Arthur. Itinuro naman niya ang isang room.

Kumalabog ang puso ko nang makita si Arthur. Tulog ito. Naka- cast ang kaliwang braso at may pasa sa mukha. Sinabi sa akin ng nurse na nabalian daw ito ng buto. Wala namang nangyaring masama sa internal organs niya. Kailangan nalang daw magpahinga nito hanggang sa gumaling.

Marahan kong hinaplos ang mukha niya. Pinalis ko naman ang luha sa mata ko. Nagulat ako ng bigla itong gumalaw.

"Ciara, please forgive me. I'm sorry. I'll never leave you again..." Sambit nito habang nakapikit ang mata.

Paulit- ulit niyang sabi iyon. Wala akong magawa doon. Huminto naman siya pagkatapos rin ng ilang minuto. May dumating na babaeng doctor at magchecheck daw siya ng vital signs ni Arthur. Pinabayaan ko nalang.

"I know Arthur. Ex ng anak ko. They were so happy before, not until my princess died and he blame himself for that." Malungkot na wika ng doctor na babae.

Tiningnan ko siya.

"Is Ciara perhaps your daughter, Doctora?" Tanong ko rito dahil ito ang patuloy na inuusal na pangalan niya kanina.

"How did you know her?" Tanong niya sa akin.

Bumuntong- hininga ako.

"He's been saying her name. Ang sabi niya po ay patawarin siya nito." Kumirot ang puso ko habang sinasabi iyon.

"I see he still hasn't move on. We all do. Pero we have to accept the fact na hindi na babalik pa si Ciara."

Umalis na ang doctor at naiwan akong mag- isa sa kwarto kasama si Arthur. Dahil walang nakakita ay umiyak lang ako ng umiyak doon. I wish he would recover fast. Iniyak ko ang nararamdaman dahil ang hirap. Iyong lalaking mahal ko, mahal pa rin ang ex niya. What's worst is that she's dead pero wala pa rin akong laban. Nakadukdok lang ako sa hospital bed nang makaramdam ako ng paggalawa niya.

"Teka lang, tutulungan kita."

Tinulungan ko siyang mapaupo sa kama. Napalunok ako ng hawiin niya ang kamay ko.

Then There's YouWhere stories live. Discover now