Chapter 20

60 3 6
                                    

"Ang tagal mo." Panunudyo sa akin ni Arthur.

"Pasensiya ka na Boss, ah? Sino ba kasi ang nagpaluto ng adobo ten minutes before natin umalis?"

Umirap ito. Attitude talaga eh.

"I miss your adobo."

Umiling nalang ako sakanya.

Nang makarating kami sa airport ay tulad ng sinabi ni Mrs. Salvatorre, sariling plane daw nila. Akala ko nga ay si Lorcan ang pilot na magdadrive muli pero baka may flight din iyon. Habang nasa plane ay nasa likuran niya ako at nakasilip lamang sa bintana.

Ang ganda ng mga ulap. Sa kakatingin ko dito ay hindi ko alam, nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako na kumportable na ang pagkakasandal. Si Arthur naman ay may tinitingnan sa bag na dala at nang makita ko ito ay isang camera.

"Oh! Nagpipicture ka pala, Boss? Hindi halata." Pang- aasar ko dito.

Hindi ako nito pinansin dahil panay pa rin ang pagkatikot niya dito.

"It's my first time opening it after a while."

Nagulat ba naman ako ng biglang inayos niya ang pagkakahawak dito at tinutok sa akin. Nagulat pa ako doon. Nang tingnan niya ito ay ngumisi ito.

"Boss naman! Sabihin mo naman kapag magpipicture ka. Baka mukha akong tutang nilamig niyan."

Tumawa siya sa akin.

"Alright. Pose now."

Ngumiti ako sa harap ng camera at nagpose ng kung ano ano. Nakailang shots rin siya. Nang makita ko ang picture ay maganda ang pagkakakuha at parang professional talaga. Hindi ko alam na artistic din pala siya.

Nasa kanya na ata ang lahat eh. Kinuha ang lahat. Wala man lang tinira sa iba.

Noong magland ang plane ay excited akong bumaba. May kumuha ng bags namin at isinakay sa taxi. Iyon na daw ang maghahatid sa aming hotel. Advance mag- isip ang Mama niya dahil ito ang nagbook ng hotel.

"Je vous remercie." Sambit ni Arthur sa receptionist.

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya dahil hindi naman ako marunong mag- French. Ngumiti ang babae sakanya. Parang wiling- wili ito sa panonood.

"Profite bien de ton séjour avec ta copine."

Tumango si Arthur dito. Ako naman ay nakanguso sa gilid niya at nanonood lang.

"Nous allons. Merci."

Ngumiti sakanya ang babae at saka inabot ang keycard. Nasa elevator kami at nasa gilid ang isang bellboy na may dala ng mga bagahe namin. Nang makarating sa floor namin ay nakita kong napaka- elegante nito. Lalo pa at natanaw ko ang kwarto naming dalawa. Dalawa ang kama. Dalawa rin ang banyo. Maganda ang mga gamit.

"Marunong ka ng lenggwahe nila?" Tanong ko dito habang inaayos ang gamit naming dalawa.

Tumango siya habang nakahiga sa kama.

"A little. I stay here before for a vacation and I quite adapt their language."

Ang galing talaga.

"Tulog muna tayo, Boss? Mukhang pagod ka, eh."

"Hmm." Ani niya at nang lingunin ko ay nakapikit na ito.

Nang magising ay naligo muna ako at nagbihis. Naka- beige sleeve knit top, puting tapered pants, strappy heels at may brown na purse at naka- low ponytail din ako. Si Arthur naman ay naka- brown na turtleneck, black pants at white sneakers. Naka- shades pa siya at syempre, hindi mawawala ang relo.

Then There's YouWhere stories live. Discover now