Chapter 3

82 4 3
                                    

Nakanganga ako habang pinapanood na lumabas ang dalawang mokong na lasing. Lumingon pa ito pero noong makita na nakatitig sakanila si Arthur ay mabilis na lumakad paalis. Noong lingunin niya ako ay napalunok ako nang makita ang napakalamig na titig nito. Dalawang araw din siyang hindi nakapunta dito. Ngayon nalang.

"Thank you po, Sir Arthur."

Kumunot ang noo niya nang marinig ang pangalan na tinuran ko. Napakagat ako sa labi.

"Ah, narinig ko po kasi kay Dave na Arthur ang pangalan niyo. Sige po, Sir nalang po tawag ko sa inyo. Sorry." Kinakabahan kong sabi.

"I'm fine with whatever you call me. Ayos ka lang ba? Nasaan ang guard dito at bakit wala kang kasama?" Sunod- sunod na tanong niya.

"Si Tatay po ay nasa cr. Ayos lang naman po ako. Sanay na rin sa ganon. Pero salamat pa rin po, Sir Arthur." Napatakip pa ako ng bunganga ng banggitin ang pangalan niya.

"Ang sabi ko, ayos lang na tawagin mo ako sa pangalan ko. By the way, where's the boy?" Tanong niya sa akin.

"Hindi po niya shift ngayon. Monday, Wednesday at Friday lang po si Dave." Ani ko.

Tinanguan niya ako.

"Be careful next time."

Ngumiti ako dito. Siya naman ay kumuha ng pagkain at bumalik rin pagkatapos.

"Isusunod ko nalang po itong meal. Upo na po kayo doon." Tipid siyang tumango sa akin.

Inilagay ko sa microwave ang pagkain at saka ako kumuha ng isang paper at sinulatan iyon ng 'Thank you, Sir Arthur.' at nilagyan pa ng name ko sa baba. Naisipan ko nga na lagyan pa ng heart pero baka naman mainis iyon sa akin. Naisip ko na bato nalang ilagay ko tutal parang bato naman siya kaso baka lalong mainis.

Nang ilagay ko ang pagkain sa tray ay dinala ko na agad ito sa pwesto niyo. Aalis na sana ako kaso ay nagsalita ito kaya natigil ako.

"Can I ask you a favor?" Tanong niya.

"Sige lang po."

Bumuntong- hininga siya at parang nag- aalangan pang sabihin ang gustong sabihin.

"Can you not tell the boy that I am going here?"

Kumunot naman ang noo ko. Bakit naman? Akala ko close sila ni Dave.

"Ang weird po at gusto kong tanungin kayo kung bakit ero sige po. Sasabihan ko rin si Tatay na huwag sabihin kay Dave."

"It's just because-"

"Sir Arthur, okay lang po talaga. Sige na po. Mauna na ako sa counter." Nakangiti kong sabi. Mukha kasing nahihirapan itong magpaliwanag. At saka wala naman akong karapatan alamin. Private na iyong ididisclose niya eh.

"Thank you." Ani niya sa malalim na boses.

Tumango ako at ngumiti sakanya.

Habang hinihintay si Tatay Gomez ay naroon lang ako sa counter at paminsan- minsan ay pinagmamasdan siya na minsan ay nakakunot ang noo habang nagtatype sa laptop. Not gonna lie, ang side profile niya ay parang hinubog tulad ng sa Greek Gods. Sa tingin ko ay mas nakalakas pa ng appeal nito ay ang mahabang buhok. Ngayon kasi ay nakapugong ang buhok nito. Bagay sakanya. Bagay naman kasi ata lahat dito. Tulad ng suot niyang puting tshirt at shorts ngayon. Mas mapapansin ang ganda ng katawan nito.

"Pasensiya ka na, anak. Masakit kasi talaga ang tiyan ko." Ani Tatay Gomez nang ikwento ko sakanya ang nangyari kanina.

"Ayos lang 'Tay. Basta iyong sinabi ko sa iyo, ah. Sabi ni Sir Arthur, wag mo daw banggitin kay Dave na pumupunta siya dito." Ani ko.

Then There's YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora