Chapter 22

59 3 4
                                    

"Boss, wag mo akong titigan." Saway ko dito nang maramdaman ko ang mariing titig. Kanina pa niya kasi ako tinitingnan at kanina ko pa rin sinasaway pero hindi sumusunod.

"I can't."

Sinamaan ko ito ng tingin pero tinaasan lang ako ng kilay.

"At bakit naman?" Tanong ko dito.

"Because everytime I look at you, I remember France—"

Nanglaki ang mata ko at naramdaman na namula ang mukha. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan.

"Anong oras na ba? Ay mag- aalas dose na pala. Wait lang, Boss. Kukuha lang ako ng pagkain mo!"

Hindi ko natakasan ang halakhak niya.

Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos kaming makauwi galing sa France. Ilang beses ko na ring sinubukan na makalimutan ang nangyari noon pero lagi akong bigo dahil laging nagfaflashback iyon sa akin. Napanaginipan ko pa na ginagawa namin ulit iyon. Nakakahiya! Kung ano ano ang pumapasok sa isipan ko.

"Come here." Marahan niyang sabi.

Napakagat ako sa labi at pilit na pumunta sa pwesto niya. Hinila niya ako papalapit kaya naman napaupo ako sa hita niya. He encircled his hands on my waist. Ipinatong niya ang ulo sa balikat ko at halos hindi ako makahinga sa pwesto naming dalawa.

"Boss, baka may pumasok bigla." Nag- aalala kong paalala sa kaniya.

"I told them to knock first."

Naramdamang ko pa ang tungki ng ilong niya sa leeg ko kaya napalunok ako. Pamaya- maya lang ay ang labi na niya ang naroon.

"Boss..." Mahina kong sabi.

"Hmm?" Tugon niya.

Pataas ng pataas ang halik niya hanggang nasa pangahan ko na iyon. Pagkatapos roon ay inihilig niya ang mukha ko kaya nagkatapat kaming dalawa at para akong nalalasing sa bawat tingin niya. Marahan niya akong siniil ng halik. Tumugon ako roon. Ang mga kamay ko ay nasa batok niya habang nakasuporta naman sa likod ko ang kanya.

Nahinto kaming dalawa nang may kumatok. Inis siyang tumingin sa pintuan. Napangiti ako habang tumatayo at inayos ang sarili. Mabuti nalang at hindi nagusot ang damit ko. Nang buksan ko ang pinto ay nakita ko na si Mr. and Mrs. Salvatorre iyon.

"Hi, Cora my dear!" Ngumiti sa akin si Mrs. Salvatorre at niyakap pa ako. Si Mr. Salvatorre naman ay tumango lang at tipid na ngumiti sa akin.

Lumapit sila kay Arthur na ngayon ay nakapadikwatro at nakakrus ang mga braso habang nakatingin sa kanila. Hindi man lang bumati.

"What are you two doing here? Akala ko ba ay pupunta kayo sa ibang bansa?" Tanong ni Arthur dito.

His mother smiled samantalang ang Papa niya ay nakatingin lang sa aming dalawa. Naroon kasi ako sa gilid ni Arthur.

"Aren't you happy to see your parents visiting you? Ang Kuya mo at si Alexis ay tuwang- tuwa pa sa tuwing bibisita kami." Sentimyento ni Mrs. Salvatorre.

"Nakakaabala ba kami?" Tanong ni Mr. Salvatorre.

Napalunok ako at kinabahan sa isasagot ni Arthur.

"Hindi, Papa. Just tell me why are you two here."

"Wala lang nga. Nangangamusta lang. How's France, hijo?" Tanong niya rito.

Nilingon ako ni Arthur at parang tuwang- tuwa na makita na hilaw akong ngumiti.

"I had so much fun. Let's ask Cora if she had fun like me too." Pilyo nitong sabi at saka ako nilingon.

"Ah, opo. Masaya po doon." Kinakabahan kong sabi. Mrs. Salvatorre smile at us.

Then There's YouWhere stories live. Discover now