Chapter 8

74 3 1
                                    

Pagkatapos ng graduation ay nagsimula na akong mag- apply sa mga kompanya. Ang nasa list ko ngayon na puntahan ay ang Salvatorre Shipping Line. Hiring ng secretary si Arthur. Siyempre hindi ko naman sinabi na mag- aapply ako sakanya. Baka ma- reject kagad ako noon. Ma- surprise nalang siya pag nakita niya ako.

Napatawa nalang ako habang naghihintay sa linya ng mga kasama kong nag- aapply. Tatawagin nalang kami para magpunta sa office ni Arthur. Gusto daw kasi ni Arthur na siya ang mamimili ng secretary. Ang HR manager nga ay nagbabala pa sa amin na masungit daw iyong boss nila.

"Miss Coralina Dizon."

Napatayo ako nang marinig ang pangalan ko. Inayos ko ang sleeve ng damit ko at ngumiti.

Nang makapasok ay nakita ko na ang itsura ni Arthur na nakapakalumbaba habang binabasa ang pinasa kong résumé. Nang makita ako ay umayos ito ng pagkaupo at pinagkrus ang mga braso. Parang aliw na aliw ito habang pinanonood akong maupo sa harapan niya. Iirapan ko sana kaso nga lang ay naalala ko na siya pala ang pinag- aapplyan ko.

Ngumiti ako sakanya at ang lalaking ito ay tinaasan lang ako ng kilay. He pursed his lips. Sinusubukan na hindi tumakas ang multo ng ngiti sa labi.

"Why should I hire you?" Tanong nito sa akin.

I bit my lip.

"Well I'm a skilled person. And I am efficient-"

"I already read your credentials, Miss Dizon. No need to say that. Now, I'm going to ask you again. Why should I hire you?" Ani niya sa mapaglarong boses.

Napahinga ako nang malalim.

Ano nga ba ang dahilan ko at bakit ako nag- aapply sa malalaking konpanya? Syempre, para umangat sa buhay. Kailangan kong magtrabaho dito para hindi na bumalik sa convenient store at magpuyat gabi- gabi. Kailangan kong magtrabaho dito at baka sa sumunod na linggo ay mategi na ako dahil sa gutom.

"Because I need money to survive, Sir. Or else mamamatay po ako sa gutom." Bulgarang kong sabi.

Halos maubo at matumba sa kinauupuan niya ang babaeng tumawag sa akin kanina. Arthur chuckled. Pinaikot niya pa sa daliri niya ang ballpen. Hilaw naman akong ngumiti sakanya.

"Send all the other applicants home. I think I already found my secretary, Miss Roxes." Ani niya.

Pinigilan kong hindi matili nang marinig iyon. Ang matandang babae ay parang nanlaki ang mata at hindi makapaniwala sa narinig.

"Alright, Sir. Miss Dizon, please come with me. You'll sign your contract."

Tumango ako sa babae.

"Thank you... Sir!" Ani ko kay Arthur.

He raised his brow at inginuso sa akin ang babae na nauna nang maglakad. Nginitian ko siya at saka sinundan na ang babae.

Inannounce na niya na ako ang napili ni Arthur. Disappointed akong tiningnan ng mga babae na kanina pa nagreretouch ng makeup nila. Kawawa naman, sayang ang pulang lipstick. Noong naglalakad na kami ay tinitingnan ko lang ang mga offices at ang mga employees na nagtatrabaho sa harap ng kanilang mga computer.

"Sana lang ay makatagal ka kay Sir Arthur." Aniya sa akin nang nasa elevator kami papunta sa HR Department.

"Oo naman po. Wala naman po akong plano na mawalan ng trabaho." Sabi ko.

Natawa siya at parang hindi ako makapaniwalang tiningnan.

"Ikaw ay talagang hindi magreresign dahil siya ang magtatanggal sa iyo. Wala ngang makatagal doon ng halos isang buwan. Lahat tinatanggal. Masyadong metikuloso."

Then There's YouWhere stories live. Discover now