"No."

"Bear with me. Give me few minutes, wifey, I'll have our dinner ready." anitong nagmamadali ang kilos.

Nang matapos itong magluto ay inihain na nito ang pagkain. Ipinaglagay din ako nito ng pagkain sa plato.

"Madami bang ari ariang naiwan sa iyo ang mga magulang mo?" I simply asked while chewing the food.

"Yeah. From luxury cars, high end apartments in New York. You wanna go there and see?" saglit ako nitong sinulyapan bago muling nilagyan ng pagkain ang plato ko.

"Not really. Just curious. May last will and testament pa ba si tita Zandria. I mean, given na sa'yo naman mapupunta ang lahat dahil solo kang anak. " I tried to probe.

"Yes. And actually, kasama ka sa huling bilin ni mom. She wanted us to have a church wedding." para akong tinadyakan sa narinig.

So Tracy was not lying. Umasa pa naman ako kahit napakaliit ng chance na niloloko niya lang ako para makuha lang si Drake.

"Can you transfer money to my account, please?"

"How much?"

"Like fifty million pesos?" nagaalangan kong sabi dahil baka maghinala ito sa plano ko.

"Consider it done." anito at kinuha ang cellphone at may tinawagan.

"Wait. Are you not gonna ask me why I need that huge money?" biglang ako ang nataranta.

"Do I have to? I told you before, I'll give you anything that I can offer. And besides, you don't really have to ask. As my wife, you have the rights to everything that I have." napaiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain.

"By the way, kumusta ang kaso ni Mr. Simpson? May verdict na ba ang judge?" Sinulyapan ako nito at lumipas ang sandali bago muling nagsalita.

"He's dead." biglang tila naging malikot ang mata nito.

"What?" kunwari ay nagulat kong tanong. "Kailan pa? Anong nangyari?"

"The man was found dead while being incarcerated. His wife was killed on their house." mataman ako nitong pinagmasdan bago nagpatuloy sa pagkain. Napahigpit ako ng kapit sa kutsara dahil sa narinig.

"Oh god. Who could have done heinous thing like that?" hindi ito nagsalita at nagpatuloy lamang sa pagkain pero tila malalim ang iniisip. Maingat kong pinagmamasdan ang bawat kilos at reaksyon ng mukha nito.

"Lucas is in the hospital daw. Can I pay him a visit?" Napakunot ang noo nito bago ako tingnan.

"How did you know?"

"How did I know? His stepmom called me. Ikaw, paano mo nalaman? Mukhang alam mo ah." kalma kong tanong dito kahit nagpupuyos na ang kalooban ko. "Tell me. May kinalaman ka ba sa nangyari kay Lucas, Drake?" diretso kong tanong.

"Wifey, it's not what you think." sansala nito.

"So meron nga." ang hindi nito pagtanggi ay sapat nang kompirmasyon.

"I'll explain it to you some other time." Nakatitig lamang ako sa kanya kahit gusto ko nang magwala. "Do you trust me?" And now, he's questioning my trust to make me feel guilty. How cunning.

"With all my heart and soul." nakangiti kong sagot dito na tila nagpaluwag ng kalooban nito.

"Thank you, wifey." at masuyo nitong hinawakan ang mukha ko. Napahawak ako sa mga kamay niya at napapikit.

"Mahal mo ba ako?" mga salitang hindi ko na napigilang manulas sa aking bibig. Nang magmulat ako ng mata ay nakatitig na naman ito sa akin na parang ako ang pinakamahalaga niyang pag-aari.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon