Tanaw kong nasa may balcony ito habang hubad at naka-boxer lamang. Malayo pa lamang ay nakikita ko na ang mga tattoo nito sa likod at may isang tattoo ito na kagaya ng kay kuya Cedie. May kausap ito sa telepono habang nakatalikod. Bago pa ako tuluyang makalapit ay rinig ko ang mapanganib nitong boses na minsan ko na lamang marinig.

"Don't fvcking tell me what to do. That's the plan. I'll make sure that the b*tch will fall on my trap."

Bigla akong nakaramdam ng kabog ng dibdib. Ang mga kilay ko ay nagsalubong sa narinig. Tama ba ang pagkakarinig ko? Napalingon ito sa kinaroroonan ko at balewalang itinago ang cellphone sa bulsa.

"Wifey."

"Who are you talking to?" hindi ko napigilang tanong dito dahil hindi ako mapakali.

"Your brother." maiksing tugon nito. "Some unsettled business." Napahinga ako ng maluwag sa narinig. So business related iyon. For a moment, I thought he was referring to me. How silly I am.

"Stop calling someone a b*tch. Kahit kaaway mo pa sa trabaho." sita ko sa kanya. Sarap tsinelasin ng bibig nito minsan eh.

"Yes, ma'am."

Naglakbay ang mata nito sa kabuuan ko at ang mga titig nito ay agad na nagliyab.

"Don't complain if you get really sore." anito nang makalapit sa akin at tila isang leon na nakita ang biktima niya. "You deliberately seduced me."

"Oy teka lang! Di pa ako nag-to-toothbrush!" napaatras ako at napatakip ng bibig.

"I don't really care. And don't worry. I'll give you a mouthwash."

Dagli akong hinapit nito sa baywang at napatili ako nang bigla niya akong buhatin. At naglaho ang anomang agam agam ko nang muli niya akong dalahin sa ikapitong langit.

****
"Wow! Eto sist oh! Ball gown ang style. Fully crystallized!" ani Roxy nang makita namin ang isang wedding gown sa catalogue. Exquisite is understatement to describe it!

"I found my bridal gown.This is perfect!"

"Oh my god, bestie! G na!" turan ni Sam na napataas ang boses sa excitement. Nakaakbay dito si Leon na maangas na napapatango. Kung makaakto, tila ba hindi naging sirena dati.

"This bridal gown will be intricately handcrafted and will be fully decorated with swarovski crystals , from the neckpiece, bodice, sleeves to the hem." nakangiting sabi ng designer sa akin. "Give my team a month to finish it, madam, and I'll make sure that you'll have the best bridal gown of the century."

Nandito kami ngayon sa boutique ng isa sa pinakatanyag na designer sa bansa para mamili ng wedding dress ko. Hindi si Drake ang kasama ko ngayon dahil gusto ko siyang sorpresahin sa araw ng kasal namin. Nakita ko na ang mga gawang gown at sadyang magaganda at napakahusay ng pagkakagawa pero wala akong nagustuhan maliban sa isang ito.

"Hmp. Maganda nga ang gown pero masama naman ang ugali ng magsusuot!" kontra ni Anton habang nakanguso at nakaingos. Nagtatakang napatingin dito sina Roxy.

Hindi pa rin lumilipas ang pagtatampo nito sa akin dahil napagbintangan kong siya ang nagtali ng ribbon sa pototoy ni Drake. Nalaman ko kay kuya na sa sobrang kalasingan ni Drake, ito daw mismo ang nagtali ng ribbon sa sarili nito para iregalo sa akin.

"Anton naman eh. Sorry na kasi." aniko at nilapitan siya na nasa kabilang couch.

Hinawakan ko ang braso nito at humilig sa balikat nito para amuin ito. Kahit nagtatampo ito sa akin ay hindi naman ako nito natiis nang magpasama akong maghanap ng gown.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now