Isa-isa kong nilagay sa lababo ang mga pinatas ko pagkatapos ay sinabunan ko ito gamit ang sponge at dishwashing liquid.

Matapos ko masabunan lahat ng plato, kutsara, tinidor at baso ay binanlawan ko na ito at pinatas ulit.

Nilagay ko na sa lalagyan ang mga utensils na ginamit namin.

Naglakad papuntang hagdan at umakyat ako papuntang kwarto.

Kinuha ko ang phone ko at nagbukas agad para i-connect sa Wifi.

Matapos ma-connect sa Wifi ay binuksan ko na agad ang Messenger.

Inuna kong buksan ang group chat namin ng SSG Officers.

SSG OFFICERS

SSG President: Good morning SSG Officers, gising na ba ang lahat?

SSG Secretary: Yes Ms. President, this is the day. Ready na ba kayo?

SSG Vice President: Aba syempre naman, nasaan na ba si Danerie? Need ko ng magaanounce sa page natin.

SSG Treasurer: kakagising niya lang, kumukusot-kusot pa ang mata.

Kirsten Vee Villaluna sent a photo.

SSG Auditor: I'm here na, good morning.

SSG P.O: Good morning everyone, nasend na ba ni Momshoe Vee yung mga lay-out?

SSG Vice President: Nakuha ko na, isesend ko na lang kay Danerie para mai-announce niya agad.

SSG P.I.O: Nandito na ako, wait lang. Nagche-check ako ng mga private messages. Binabaha ang Messenger.

SSG President: Kapag nakapagpost na si DJ, i-handa niyo na yung lay-out niyo with answers.

SSG Vice President: Sure, inaansweran ko yung sakin sa laptop.

SSG Auditor: Ipo-post ko agad ang layout for refreshment once na napost na, @Danerie James Del Rosario. I-update mo na lang kami pre kapag nakapag-post ka na.

SSG P.I.O: Eto na pre, binubuksan ko na yung laptop. Chill lang, aabot tayo ngayong umaga.

SSG Treasurer: Kung nakinig ka kasi sakin at natulog ka ng maaga. May announcement na sana ngayon.

SSG Secretary: Okay lang yan Vee, don't be pressured. Magagawan naman yan ng paraan okay?

SSG Vice President: Wag kayo magaalala, naayos na ni Danerie yung caption and hashtags for announcement.

SSG P.O: Dre @Danerie James Del Rosario, ayos na ba yung laptop mo?

SSG P.I.O: Eto na, nabuksan ko na yung Facebook Page.

Danerie James Del Rosario sent a photo.

SSG Vice President: O siya, ikaw na bahala Danerie. Aantayin na lang namin ang post mo. Paki-copy and paste na lang yung caption pagkatapos ay paki-lagyan ng hashtags.

SSG P.I.O: Thanks VP, copy!

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita ko na ang announcement post ni Danerie gamit ang Facebook Page ng school namin.

Luna Crescent Senior High School Supreme Student of Government

In accordance to the National Students Day with the theme "Kabataang Pilipino, May Makabansang Paninindigan Gamit ang Puso at Talino", the Supreme Student of Government created templates to get to know your Co-Lunar Crescents!

You can use the template below!

#NationalStudentsDay #GettingToKnowCo-LunarCrescents
#LunarCrescentSeniorHighSchoolSSG

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now