Special Chapter III

10.5K 387 117
                                    

Special Chapter III





"Don't tell your mom about what I taught you, Zachary Lincoln." Banta ko sa anak namin ni Katrina.





It's been 6 years since we're happily married. Maraming nangyari sa'min sa loob ng taon na 'yun. Maraming away at tampohan pero naayos naman namin lahat. Of course! Hindi naman ako papayag na hindi.




Gabi na at nagluluto pa ang asawa ko ng dinner kaya ako muna ang nagbabantay sa anak namin. Pumupunta dito minsan ang mga magulang namin para bumisita at makita si Zach. Minsan naman ay ang mga kaibigan namin ni Katrina ang pumupunta dito.





And about my cousin, Trent, nakauwi na siya galing Italy last year. Nag-uusap na sila ni Katrina at nagkakamabutihan na rin sila ng kaibigan ni Katrina na si Moy.





"Of course, dad!" Sagot ng anak ko at sumaludo pa.





Ginulo ko ang buhok nito. Zacharly Lincoln Hegille is our 5 years old son. Our son looks like me. Para ko siyang carbon copy kaya minsan inaaway ako ni Katrina dahil bakit daw kamukha ko ang anak namin. Ano raw ang ginawa ko at bakit halos lahat ng features ko ang namana nito. Natatawa nalang talaga ako kapag naalala ko kung paano ako nito sinasamaan ng tingin.






Sa loob ng anim na taon na pagsasama namin, mas lalo ko lang siyang minahal. Katrina is every man's dream. She really is a wife material. Nagagawa niya lahat ng gawaing bahay kaya wala na kaming katulong. Kapag kasi sinasabi kong gusto kong kumuha kami ng katulong ay umaayaw siya. Bakit daw kami kukuha pa at nandiyan naman siya. Gusto niya raw gampanan ng maayos ang pagiging ina at asawa niya.





"Lumabas na kayo at kakain na."






Sabay kaming napatingin ni Zach sa pinto at nakita ang nakangiting si Katrina. Agad namang tumakbo si Zach sa ina nito at nagpabuhat. Nakangiti rin naman akong lumapit sa kanila.





"Let me carry him, love." Wika ko paglapit sa kanila pero sinamaan ako ng tingin ni Katrina.





Damn! Ayan na naman 'yang tingin na 'yan. Parang alam ko na kung ano ang susunod nitong sasabihin.





"Bakit ayaw mo akong buhatin ang anak ko? Ikaw lang ba ang may karapatang bumuhat sa kaniya?"





See? Tingin palang nito kanina, alam kong magsisimula na naman siya ng away.





"Katrina," I called. "He's big and heavy. Ayaw lang kitang mahirapan. And what? Anak mo? We made him together, love."





Hinampas ako nito gamit ang kamay niya at inayos ang pagkakabuhat kay Zach.





"Mommy! Stop hurting Daddy!" Rinig kong saway ni Zach habang buhat niya ito.




I chuckles. Damn! My son is a Daddy's boy. Ako ang palagi nitong kinakampihan kaysa sa mommy niya dahilan para mas lalong magalit sa'kin si Katrina.






Natigil ako sa pagtawa nang mas lalong sumama ang tingin ng asawa ko sa'kin. Tinaas ko naman ang dalawang kamay ko sa kaniya.






Binaba ni Katrina ang anak namin nang makarating kami sa hapag. Nakahanda na ang pagkain do'n at tanging kami nalang ang kulang. Kaagad namang umupo si Zach sa pwesto niya.





"Daddy taught me something today, Mommy!" Masiglang anunsyo ni Zach habang kumakain kami.





Natigil naman ako sa pagkain at pinandilatan ng mata ang anak namin.






My Professor's ObsessionDove le storie prendono vita. Scoprilo ora