Chapter 39

9K 277 40
                                    

Chapter 39







Before dinner, umuwi rin ako sa'min. My mother called me earlier and told me na hindi sila makakauwi ni Papa. Do'n daw muna sila matutulog sa tindahan namin kaya i-lock ko daw ang bahay mamaya at ako lang daw mag-isa. Mayroon namang isang maliit na kwarto sa tindahan kaya pwede silang do'n mamalagi.




"Ang swerte mo talaga, Kat. May Trent ka na nga, may Timothy ka pa." Ika ng kaibigan kong si Moy.




Anthea Moy is my friend here in our province but I used to call her Moy. Tinutukso ako nito dahil sa ginawang panghiram ni Tim kanina ng damit sa kaniya na susuotin ko.




Bago kasi ako lumabas sa bahay nito ay nanghiram siya ng damit kay Moy. Ayoko namang lumabas do'n na suot ang boxer niya dahil marami pa namang mga Marites dito sa lugar namin.




"Alam mo ba kanina. Ang cute niya no'ng nanghihiram siya ng damit." Dagdag ani Moy.




I looked at her. "Bakit naman?"




"Kasi sinabi niyang huwag daw 'yung revealing na damit ang ibigay ko." Kinikilig na anito at sinundot ang tagiliran ko. "Kaya ayon, jogging pants nalang ang binigay ko sa kaniya."




Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi nito. Kaya pala jogging pants ang dala niya kanina. Suot ko naman ang damit nito dahil hindi siya nanghiram ng upper kay Moy.




"Bet ko siya para sa'yo kaya ibigay mo nalang sa'kin si Trent." Dagdag pa nito na ikinatawa ko.




This friend of mine likes Trent. And she likes him very much. To tell you, halos si Trent ang bukambibig niya nang makilala niya ito. Na love at first sight daw kasi siya at iniisip niyang si Trent daw ang forever niya.




Hindi rin ako nagtagal kina Moy at umuwi rin kaagad sa bahay. Nang nasa kwarto nako ay nabaling ang tingin ko sa damit na ginamit ko kanina. This is Tim's shirt. Isauli ko kaya 'to ngayon? Total nalabhan ko na naman 'to. Tuyo na rin at nilagay ko naman 'to sa dryer kanina.




Tama. Isauli ko nalang 'to ngayon. Hindi ko na dapat ipagbukas at hindi naman 'to sa'kin. Kinuha ko 'yun at lumabas na ng bahay.




Nang nasa harap na ako ng bahay nito ay kumatok na ako. Sa unang katok ko palang ay bumukas na ang pintoan. Tignan mo 'yung lalaking 'yun. Hindi marunong mag-lock ng pinto. Kaya naman pala may nakakapasok sa bahay niya dahil hindi niya ito sinisirado.




"Tim?" tawag ko pagpasok.




Sinirado ko ang pinto pero hindi ko 'yun nilock. Wala namang rason para ilock ko 'yun at hindi rin naman ako magtatagal.




"Nandito ka ba sa loob, Tim?" ani ko pa nang walang sumagot.




Dinala ako ng mga paa ko sa kwarto niya. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya nakikita at naririnig ko ang nasa loob. Nakita ko siyang nakatalikod sa'kin na may kausap sa cellphone. Nagtago ako sa pinto, sapat na para hindi niya mahalata.




"Yes. I miss you too." Rinig ko dito. Bumilis ang tibok ng puso ko. Biglang nanginig ang kamay ko sa narinig.




"Yeah, whatever." Tumawa siya. "Of course. Don't worry, uuwi rin ako diyan. Maybe next week?"




Hindi ko siya nakikita pero nahalata ko sa boses nitong masaya siya at totoo 'yung sinabi niya.




"I planned it already. I have my next move so don't worry, cugina. Just wait, okay?" Ika pa niya.




My Professor's ObsessionWhere stories live. Discover now