Chapter 34

8.4K 270 83
                                    

Chapter 34




"Congratulations graduates!"





Sabay naming tinapon ang toga hat namin sa sinabi ng emcee. Niyakap ako ni Nicole na sinundan naman ni Althea and I hugged them back. Bianca on the hand hand is not with us. Hindi siya tumabi sa'min at kina Nella siya sumama.






Nag-uusap pa rin sila Nicole pero kami hindi na. Kapag sumasabay siya sa'min ay nasa kina Nicole at Althea lang ang tingin niya. It's fine with me tho, kaysa naman sa pakisamahan niya ako pero in a plastic way naman.





"Congrats, Kat."





Napatingin ako sa lumapit na si Trent na may dalang bulaklak sa kamay nito. Binigay nito ang bulaklak na hawak niya sa'kin na tinanggap ko naman.





"Unfair naman." Reklamo ni Nicole. "Wala ka bang ibibigay sa'min ni Althea, Trent? Kaibigan mo rin naman kami ah."





Tumingin si Trent sa kanila at ngumisi. "Tumatanggap ba kayo ng sama ng loob?"





Sinamaan naman siya ng tingin nila Nicole at binatukan ng mahina. Napangiti naman ako sa inakto nila. It felt so nice seeing your friends happy.





"Aray! Ano ba, Nics, nakakasakit ka na." Rinig kong reklamo ni Trent nang hindi siya tinigilan ni Nicole.





"Tigilan mo nga 'yan si Trent, Nics, wala naman siyang ginagawang tama." Sabat ni Althea.





Natawa naman si Nicole kaya natigil ito sa pagbatok kay Trent.





"Wow? Ganiyan pala kayo bilang kaibigan." Bumusangot si Trent. "Parang biglang nawala 'yung guilt ko na hindi kayo binilhan ng bulaklak."





"Wala ka naman talagang planong bilhan kami." Said Nics.





"Hoy! Huwag mong e-judge 'yung pagiging kaibigan ko sa inyo." He then pointed at Nics. "Bibilhan ko nga sana kayo pero baka mafall kayo sa'kin kaya hindi ko nalang ginawa."





Umismid si Althea at umaktong nandidiri. "Kapal talaga nito. Akala mo ba pogi ka para mafall kami sa'yo?"





"Pogi naman talaga ako ah. Mas pogi pa nga ako sa jowa niyo." Pilyong ngumiti si Trent. "Ay, wala pala kayo nun."




"Wow, parang ikaw meron." Ismid ni Nicole. "Hindi ka nga nacrushback ni Katrina."




Sandaling natahimik si Trent. "Realtalk 'yun ah," he almost whispered.




Sabay kaming natawa. "Kaya huwag mo kaming inaasar na wala kaming jowa." Said Althea.





"Ah, basta... Nacrushback man o wala, pogi pa rin ako." Natawa naman kami sa sagot ni Trent.





"Hindi ko talaga alam kung kanino mo namana 'yang kakapalan ng mukha mo--"





Nicole didn't finish her words when someone interrupted. Napatigil kaming lahat at napatingin sa bagong dumating.



"Hi," she greeted. "Congrats."





The silence broke when Althea cleared her throat. "Congrats din, Bia."





Bianca nodded and smiled awkwardly. "We have a small party in our house later. Y'all could join, right? Besides we're all friends here."





My Professor's ObsessionWhere stories live. Discover now