Chapter 30

8.5K 259 49
                                    

Chapter 30





Seryoso lang silang nakikinig sa'kin habang nagsasalita ako. Kinuwento ko sa kanila ang lahat. Wala akong pinalampas na detalye dahil gusto kong malaman nila ang lahat ngayon.






Huminga ako ng malalim pagkatapos kong mag-kwento. Tinignan ko ang mukha nila Nicole at Althea. Nakita ko ang puno ng lungkot at awa sa mga mata nila. Si Trent naman ay nakikinig lang sa gilid ko. Bahagya akong napaigtad ng pinatong ni Nicole ang kamay niya sa kamay kong nasa lamesa.






"Naiintindihan ka namin kung bakit ngayon mo lang sinabi. You don't need to worry. Honestly, nakakatampo lang dahil inakala mong e-jujudge ka namin pero hindi naman kami galit." Usal ni Nics na ikinatango ni Althea.







"She's right, Kat. Pero sa akin lang ha, fair and square lang. Magkaibigan tayo ni Bianca. Ang pangit lang pakinggan na parang nag-aaway kayo dahil sa isang lalaki." Huminga ito ng malalim bago nagpatuloy. "At professor pa talaga natin."






Nakagat ko ang ibabang labi ko. Tama naman siya. Magkaibigan kami ni Bianca pero bigla lang naging ganito ang pagsasamahan namin dahil sa isang lalaki. Ayoko naman talagang mangyari 'yung ganito. Hindi ko ineexpect na mangyayari 'yung ganito.





"Hindi naman kayo galit, diba?" Paninigurado ko.





They nod in unison.





"Nabigla lang ako pero hindi ako galit. Pero sana maging maayos na kayo ni Bianca, Kat." Nicole uttered. "Ano nang plano mo ngayon?" Dagdag pa nito.





"Ewan ko. Hindi.. Hindi ko pa alam."






"Ikakasal na sila, Kat. Makakaya mo ba kapag nangyari 'yun? Kasi base sa kwento mo, parang nahulog na talaga ang loob mo kay sir Tim." Sagot ni Althea.







I bit my lip and looked down. "Wala naman akong ibang magagawa."






Tumikhim si Trent kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Sa Italy sila ikakasal." Ika nito.






Naramdaman ko ang pagbabadya ng mga luha ko sa sinabi nito. Ghad! Masakit pa rin talagang tanggapin. Parang ayoko pang tanggapin na nangyayari 'to.






"Nandito lang kami, Kat. Wala kaming kinakampihan sa inyo ni Bianca kaya sana maayos niyo 'yan." Usal ni Nicole at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.






I quietly smiled. I'm thankful to have a friends like them. Inintindi nila ang sitwasyon ko at hindi sila naging close minded. Napaka-swerte ko at naging kaibigan ko sila.






Pagkatapos naming mag-lunch ay pumasok din kami sa mga klase namin. Nag discuss lang ang mga professors since finals na namin next week. Meaning, exam na namin sa mga susunod na araw at pagkatapos graduation na. 






"Ihahatid na kita." Ika ni Trent habang naglalakad kami sa gate ng university.






Nicole and Althea left already. Hinatid namin sila ni Trent kanina sa parking lot dito sa school. Habang si Trent, nandito sa gilid ko. Pinipilit akong ihahatid daw niya.






"Kaya ko naman umuwi, Trent."






Sumimangot ito. "Alam ko. Gusto ko lang naman na ihatid ka."





"Hindi na kailangan. Tsaka, baka may gagawin ka pa."





"Wala naman akong gagawin. Just let me drop you off, Kat. Please.."






My Professor's ObsessionWhere stories live. Discover now