Chapter 14

10.1K 332 89
                                    

Chapter 14





I remained silent while waiting Trent to tell me that he is joking. Moments later, wala man lang siyang sinabing kahit ano kaya nagsimula na akong mailang.






Naisipan kong magpaalam nalang sa kaniya dahil gumagabi na rin masyado. May pasok pa kami bukas kaya kailangang gumising ng maaga.




I was about to bid goodbye when he spoke. "Bakit ka nga pala umiyak kanina?"




Natigilan ako at hindi makapagsalita. Iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kaniya o hindi. Alam kong may alam siya tungkol sa'min ni Timothy. Halata naman sa sinabi niya kanina pero natatakot pa rin ako. Natatakot akong baka anong sabihin niyang masama sa'kin.




"I know everything and you don't need to worry anything, Katrina." dagdag nito.





Huminga ako ng malalim at tumingin sa kaniya. Nakatingin lang siya sa puno na nasa harapan namin kaya malaya kong nakikita ang matangos nitong ilong.





"Wala 'yun.." pagsisinungaling ko.




Tumingin siya sa'kin kaya nagkatitigan kami, "you know what... mas mabuti kung ilabas mo lahat nararamdaman mo ngayon. Come on, Katrina. I will listen."




Naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko dahil sa sinabi niya. Bigla ko na namang naalala ang nangyari kanina sa office ni Tim.




Lumunok ako ng ilang beses bago kinuwento ang lahat sa kaniya simula sa pinakauna. Noong paghatid ni Tim sa'kin mula sa bar at hanggang sa nangyari kanina. Wala akong detalyeng hindi pinalampas sa kaniya.




Maybe, tama siya. This is all I need. Kailangan ko ng taong mapagsasabihan ko sa lahat nang hindi ako hinuhusgahan.




"Really? Sinabi mo 'yun sa kaniya?" Pagrereak niya nang nabanggit ko ang sinabi ko kay Tim kanina.



I nod. "Tama lang naman ang ginawa ko diba? Mas mabuti 'yun para hindi na lumala pa ang sitwasyon."



"I guess Kuya Tim is really sad right now," aniya na ikinataka ko.



"Did you just called him Kuya?" I confusedly asked.



He nod.



"Kuya Timothy is my cousin, Katrina. We're cousins kaya kuya ang tawag ko sa kaniya," pagpapaliwanag niya.




Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Jez! Magkakilala na pala sila ni Tim? Kaya pala parang magkalapit na sila.




"Don't widen your eyes, pumapangit ka lalo eh..." pang-iinsultong ika niya na ikinairap ko.




Tignan mo 'to, iniinsulto pa talaga ako.




"Trent ha. Nakakarami ka na sa pang-iinsulto sa'kin."





Tumawa ito na animoy nakakatawa ang sinabi ko. Tinignan ko siya ng masama kaya tumigil siya.




"Okay, okay.. hindi na ako tatawa," aniya na natatawa pa rin. "Pero seryoso Kat, sinabi mo talaga 'yun kay kuya?"




"Oo nga, bakit ba ayaw mong maniwala?" Iritado kong sagot.




"You shouldn't told him that," aniya sa seryosong boses at iniwas ang tingin sa'kin. "Kuya likes you so much that he even disobeyed his mom."



My Professor's ObsessionWhere stories live. Discover now