Chapter 16

9.4K 275 69
                                    

Chapter 16







Nagising nalang ako nang may naramdaman akong kamay na humahaplos sa mukha ko. Nakangiting mukha agad ni Trent ang bumungad sa'kin. Nang mapansin kong nakahiga ako habang nakaunan sa mga binti nito ay agad akong tumayo.






"Anong g-ginagawa mo?" Gulat kong tanong sa kaniya.






He shrug. "Ambigat pala ng ulo mo."







Ngumiwi ako dahil sa ginawa nitong pagreklamo.






"Bakit ba kasi ako nakaunan sa mga binti mo?" Inis kong sigaw dito.







"You just fell asleep, Katrina. What do you expect me to do? Dapat nga magpasalamat ka sa'kin dahil baka nagka stiff-necked kana if I didn't let you use my legs as your pillow," mahaba nitong alintana.







"Edi sana ginising mo ako," pagtataray ko dito.







"Wow? If that's how you say thank you," tumigil pa ito ng bahagya. "Then you're welcome, Katrina." Dagdag niya at yumuko pa.







Hindi ko man lang namalayan na nakatulog pala ako sa dahil sa pagkaantok. Kung sana hindi ako hinalikan ni Tim kagabi, edi sana maayos ang tulog ko at hindi ako nakatulog kanina. Kainis!






"Anong oras na, Trent?" Bahagya kong tanong.






Tumingin ito sa relo niya. "9:43 am."







Napatango naman ako at 9:43 am pa pala. Huh? Teka.. 9:43 am?







Nanlaki ang mata kong tumingin kay Trent. "Bakit hindi mo ako ginising? Late na tayo, Trent!"






"You look tired so I didn't wake you up," he replied.






"Kahit na! Alam mo namang scholar lang ako diba? Pangalawang beses na akong nalate, baka--"







Natigil ako sa pagsasalita ng hinawakan nito ang kamay ko. "Don't panic, Katrina. Kahit malate ka pa ng ilang beses, hindi matatanggal ang scholarship mo. Got that?"







Pagkasabi niya no'n ay mabilis ako nitong hinila at tumakbo. Wala na kaming nakitang estudyante habang tinatakbo namin ang daan papunta sa room.







Nang maalala ko kung sino ang first subject namin ay tumigil ako sa pagtakbo kaya napatingin si Trent sa'kin.





"Huwag na kaya tayong pumasok?" kinakabahang tanong ko sa kaniya.






He looks confused. Nagtatanong ang mga mata niya kung bakit bigla kong nasabi 'yun.





"Si sir Tim kasi ang first subject natin, diba? B-baka.. baka hindi lang din tayo papasokin." Mahina kong sagot.






He chuckles. "Don't worry about that, Katrina. Papapasokin ka no'n, baka nga ako ang hindi."





Wala na akong nagawa ng hinila na ulit ako nito. Pagdating namin sa harap ng pintoan ay kinakabahan ako. Pinagpapawisan ako at nangingig ang kamay ko. Naramdaman ko naman ang biglang paghawak ni Trent sa kamay ko at bahagya 'yung hinahaplos.





"Huwag kang kabahan, okay? Ako na ang mag-eexplain kapag pinagalitan man tayo," pagpapakalma ni Trent sa'kin at epektibo naman.





My Professor's ObsessionWhere stories live. Discover now