Chapter 28

7.6K 242 28
                                    

Chapter 28





After class, umuwi rin ako kaagad sa apartment. Hindi ko nakita si Tim buong maghapon. Nabalitaan ko lang na may nakakita daw sa kaniyang umalis sa university nong lunch time. Siguro ay busy talaga siya kasi hindi man lang nito nagawang mag-text.






I smiled when my phone suddenly rang. I was hoping that it was Tim but when I looked at the caller, humupa ang ngiti ko.






I sighed heavily before picking it up. "Napatawag ka?"






"Seriously, Katrina? Wala man lang bang greetings diyan?"






I rolled my eyes though he doesn't see me. "What do you what?"





"Get dress. Let's eat dinner together." Pag-aya nito sa kabilang linya.







"Ayokong lumabas muna--"





"I'm waiting outside your apartment, Katrina. I won't leave here unless you'll eat dinner with me."






Napatayo ako at tumingin sa bintana. And there he is, nakamulsang nakasandal sa kotse nito habang nasa tenga ang cellphone.






I sighed. "Umuwi ka na."






Mula dito sa bintana ay nakita ko itong umiling. "No! Eat with me first."







Nasapo ko nalang ang noo ko sa sinagot nito. I guess I have no other choice.






"Fine." I answered.






He chuckles. "Good. I'll wait you here then."






He hang-up the line after that kaya nagsimula na rin akong mag-ayos. I just wore a white t-shirt and a pants. I then use my white shoes para terno sa suot kong shirt. It's just a dinner kaya pwede na 'to. I complete my looks with a lip balm and a powder.







Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas din ako kaagad. Napansin naman ako kaagad nito paglabas ko.







"Ang bilis mo naman, Katrina. You make it so obvious that you're excited with our dinner date." Bungad nito.







"Kapal mo naman." I answered which made him laugh. "At saka, anong dinner date? Dinner lang 'to. Sinasabi ko sa'yo, Trent." Pagtutol ko sa sinabi nito.







Sumimangot naman siya at hindi na ako sinagot. Pinagbuksan ako nito ng pinto bago siya pumasok sa driver seat.







Kung ano-ano lang din ang napag-usapan namin ni Trent habang nasa biyahe. Marami itong kinuwento sa'kin na hindi ko naman tinanong. Kinuwento nga nito ang ginawa niya habang nasa Italy at kung gaano raw kaganda don. Hindi ko tuloy namalayan na nakarating na pala kami sa pupuntahan namin.







Nilibot ko ang paningin ko sa paligid paglabas namin ng kotse. Nasa Terry Mall pala kami, which is a very huge mall. Sa loob nito ay may maraming mamahaling restaurant na mga mayayaman lang ang makaka-afford.






Napatingin ako sa kamay ko nang biglang may humawak no'n. I looked at Trent and he's just looking straight na parang walang ginawa.






Hinila ko ang kamay ko sa kaniya kaya nabitawan niya ito. Sumimangot naman siya at tumingin sa'kin. "Wala akong nakakahawang sakit, Katrina. Gusto ko lang naman masubokan 'yung HHWW na sinasabi nila with you."







My Professor's ObsessionWhere stories live. Discover now