Chapter 36

9.1K 280 49
                                    

Chapter 36




Tinanghali na ako ng gising dahil matagal akong nakatulog kagabi. Kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko ay ayaw pa rin matulog ng utak ko. Palagi nitong iniisip ang mukha ni Tim at hindi 'yun nakakatuwa.



Hindi ko rin maiwasang isipin kung ano ang sinabi nitong paliwanag niya dahil kung tutuosin, wala naman ata siyang dapat na ipaliwanag. Sinukoan niya ako. Sinaktan at iniwan. Ano namang hindi ko pa naintindihin do'n?




But on the other hand, gusto ko ring marinig ang sasabihin niya. We have no closure and I think hearing him will give us the closure that we deserve.




"Nako kang bata ka! Tinanghali ka ng gising. Akala ko ba pupunta ka sa kubo malapit sa tabing dagat?" Bungad agad ni Mama pagbaba ko ng hagdan.





Madalas kasi akong gumigising ng maaga para pumunta sa kubo at do'n magrereview. Ang ganda kasi ng tanawin malapit sa kubo, sariwa ang hangin, at naririnig mo pa ang mga hampas ng alon. Mas nakakafocus kasi ako kapag gano'n.




Hindi ko na nakita si Papa kaya alam kong nasa palengke na ito at nagbabantay sa tindahan namin. Malaki 'yung tindahan namin si palengke kaya maagang pumupunta do'n si Papa para magbantay.




"Bukas nalang siguro ako pupunta don, ma."




Tumango naman ito. "Oh siya, pupuntahan ko na ang papa mo sa tindahan para may kasama naman 'yun. Kumain ka na diyan at nalilipasan ka na."




Kinuha na nito ang bag niya sa sofa at akmang lalabas na sa pinto nang tumingin siya ulit sa gawi ko.




"Oo nga pala, anak. Iyong kapitbahay natin na pumunta dito kagabi, kanina pa pabalik-balik at tinatanong kung gising ka na ba. Magkakilala ba kayo no'n?"




"P-po?"




"May gusto siguro 'yun sa'yo. Iyong tingin niya sa'yo kagabi? Gano'n din tumingin ang papa mo sa'kin dati," ani mama.




"Tumigil ka nga, Ma!" saway ko.




Tumawa naman siya. "Malaki ka na, anak, kaya alam mo na kung ano ang tama. May tiwala naman kami sa'yo kaya piliin mo 'yung nilalaman ng puso mo."




Umalis na siya pagkatapos no'n kaya nagsimula na rin akong kumain. Habang kumakain ay iniisip ko kung bakit pa nagpakita ulit sa'kin si Tim. At saka, paano niya nalaman na dito ako nakatira? Impossible namang sinabi ni Trent.




Pagkatapos kong kumain ay naisipan kong magpahangin muna sa tabing dagat. Binuksan ko ang pinto at halos mapatalon ako sa gulat nang makita ang taong nando'n. Nasa ere pa ang kamay nito kaya alam kong binalak nitong kumatok.




"Good morning, love.." nakangiting bati niya.




Inikot ko ang mata ko na tinawanan nito.




"What do you want?"




"You.."




Nanlaki ang mata kong nakatingin sa kaniya. Agad naman niyang narealize ang sinabi niya dahil tumikhim ito.




"I mean, you.. You need to listen on my explanation. Iyon ang sabi mo kagabi," paliwanag nito.





Tumango ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya pero deserve naman nitong pakinggan ko. 




My Professor's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon