Chapter 5

12.1K 362 94
                                    

Chapter 5





"Miss Trinidad."




My heart started to beat faster when he called me. I look up at him which I regret. He is intently looking at me na para bang may binabalak na gagawin.





"Y-yes sir?" I stuttered.




Hindi naman ako kinakabahan kapag tinatawag ako, pero bakit kapag si Tim ang tumatawag ay halos tumalon na ang puso ko sa kaba. I know it sounded exaggerated, but that's the truth!




"Stand up," he ordered.




Kabado akong tumayo at hinintay ang susunod nitong sasabihin.





"You're the math quiz bee representative last school year, right?"





I nodded. "Opo."




"Then can you answer the question I will write on the board?"




"Susubukan ko po, Sir."





Tumango siya at nagsimulang magsulat ng problem sa board. Kumunot ang noo ko habang tinitignan ang sinusulat niya.





Ghad, what the hell is that?! Wala akong maintindihan kahit isa.





Pagkatapos niyang magsulat ay nagsalita ito ulit. "Answer it."




"S-sir.."




Tinignan ko ulit ang nakasulat sa board pero wala talaga akong maintindihan.




"Answer it, Miss Trinidad. Time is running," bagot na usal ni Tim.





Gusto ko itong sapakin ngayon sa ginagawa niya. Hindi naman namin 'yan nalesson at lalong matagal pa ang susunod na math quiz bee kaya bakit ako nito tinatanong?!




Hiya akong yumuko. "I'm sorry sir, but I have no idea.."




Binalik ko rin kaagad ang tingin sa kaniya and I don't know if I am hallucinating or something, but I just saw him smirk. Why was that?





"Okay, you can take your sit." Sinunod ko naman kaagad ang sinabi niya.





Nagsimula na ulit siyang magturo at buong klase lumilipad ang utak ko. Mabuti nalang at hindi na ito nagtanong pa hanggang sa matapos ang klase niya.




"That's all for today."




Nagsimula nang tumayo ang mga kaklase ko at nagligpit ng mga gamit nila. Nagligpit na rin ako dahil gusto ko ng kumain.




"Miss Trinidad.."




Napatigil ako sa pagligpit at maging ang mga kaklase ko ay napatigil din. Ano na naman ba ang gusto nito?




"Yes sir?"



"Maiwan ka."




Nanlaki ang mata kong napatingin sa kaniya."P-po?"




"I said, you will stay here. Pag-uusapan natin ang hindi mo pagsagot sa tanong ko kanina," paliwanag niya.




W-what?



"Can we just talk it after I eat my lun--"





"No!" putol nito sa sasabihin ko. Tumingin siya sa ibang kaklase kong nakiki-tsismis. "Hurry up and leave!"





My Professor's ObsessionWhere stories live. Discover now