Chapter 31

8.4K 251 59
                                    

Chapter 31




Natapos ang linggo na hindi ko nakita o nakausap man lang si Tim. I don't know what happened. Basta bigla nalang siyang hindi nagparamdam. Ang huling pag-uusap namin ay 'yung sa apartment ko. Iyong nagpaalam siya sa'kin na mabubusy daw siya and I think, he really is busy.





To tell it honestly, namimiss ko na siya. Sobrang namimiss ko na si Tim. Alam niyo 'yung feeling na kayo pa nga pero parang wala na? Iyong hindi pa kayo naghihiwalay pero alam mo na do'n din kayo pupunta.






Ang sakit lang. Sinusubokan kong magtiwala at magpakatatag pero wala talaga eh. Parang alam ko talagang matatalo pa rin ako kahit anong gawin ko.





"Iniisip mo na naman siya.."





Napatingin ako sa pinang-galingan ng boses at nakita do'n si Trent. Umupo ito sa tabi ko dito sa garden.






"Kakatapos lang ng finals natin. Hindi ka na dapat pumapasok ng maaga pero ito ka ngayon," bumuntong hininga siya. "Umaga ka na namang pumasok. Isang linggo ka nang pumapasok ng ganito kaaga, Katrina."





I looked down. Ang bilis ng araw. Parang kahapon lang nagsimula ang klase pero next week graduation na namin. Isang linggo na rin akong umaasa at pumapasok ng ganito kaaga.






"Pumapasok ka nga rin ng maaga eh." Pabiro kong sagot dito at pilit na tumawa.





He sighed heavily.





"Kasi gusto kitang samahan, Kat. Alam kong papasok ka ng maaga para umasang makikita si kuya sa office niya. Tama ako, diba?" Usal nito.






Biglang nanubig ang mata ko sa sinabi nito. Tama si Trent sa sinabi niya. Si Tim ang dahilan kung bakit ako pumapasok ng maaga. Umaasa kasi akong makikita siya katulad ng dati naming ginagawa. Nagmumukha na nga akong tanga kakaasa sa kaniya.






"I miss him." Pang-amin ko. "Namimiss ko na 'yung dating kami, Trent." Dagdag ko.






I heard him sigh. "Kat, malapit na ang graduation natin--"






"At malapit na ring ikasal si Tim." Putol ko sa sasabihin nito.






Bigla na naman akong naiyak. Hindi ko mapigilan ang sarili kong masaktan kapag naalala ko ang katotohanan. Halos araw-araw nalang akong umiiyak. Mabuti na nga lang at nakapag-pokus ako during exams kaya makaka-graduate ako.





"Alam kong dapat ko nang taposin kung ano man ang meron kami pero ang tanga ko lang, Trent.." Tumigil ako at lumunok. "Ang tanga ko lang kasi hindi ko magawa at ayokong gawin. Masakit eh. Masyadong masakit."





I was then pulled of a crashing hug by Trent. "Hindi ko 'to dapat sabihin sa'yo, Katrina, pero alam na ni tita. Nalaman ng mommy ni Tim ang tungkol sa inyo."






Naitulak ko siya palayo. "A-ano? Paano?"






"Naalala mo ba no'ng hinatid kita after nating mag-dinner kasama sila tita?" I nod kaya nagpatuloy siya. "After that incident, nalaman ni tita na ikaw 'yung tinutukoy ni kuya. He left them in the restaurant para mapuntahan ka. He chose you, Kat. But the sad part is that- that's when tita Sheen realized na ikaw 'yung girlfriend ni kuya."






He chose me. Pinili niya ako that time but I pushed him away. Mas sumama ako kay Trent kaysa sa kaniya. What have I done? Goodness. Hindi ko alam na gano'n.





My Professor's ObsessionWhere stories live. Discover now