Chapter 29

7.8K 239 25
                                    

Chapter 29





Dinala ako ni Trent sa garden ng Terry. I sat at the bench there at tumabi naman sa'kin si Trent.





"I'm sorry. Dapat hindi nalang tayo pumunta dito." Paghingi nito ng tawad.






Umiling ako. "Ayos lang. Wala lang naman sa'kin 'yun."






I looked at him. Nakatingin din siya sa'kin na may pag-aalala sa mukha.






"Gusto ko ng umuwi." Ani ko at pilit na ngumiti.






He gave me a small smile before he nods. Nauna itong tumayo at inalalayan ako pagkatapos. Lalakad na sana kami paalis nang may humawak sa braso ko.






Biglang nanubig ang mata ko nang maramdaman ko ang malambot na kamay nito sa'king braso. I know this kind of touch. Alam na alam ko kung sino ang humawak sa'kin.






Natigil si Trent bago humarap kay Tim. "We need to go, kuya."






Hindi ito pinansin ni Tim. Sa halip ay hinila lang ako nito sa kaniya kaya nabitawan ni Trent ang pagkakahawak sa'kin.







"You go home by yourself. Ako na ang maghahatid sa kaniya." Tim replied.






Umismid naman si Trent. "At sa tingin mo hahayaan kita? Pagkatapos mong hayaan na kung ano lang ang sabihin sa kaniya ni tita kanina, sa tingin mo hahayaan pa kita sa kaniya?"







Bigla akong nanlambot ng maalala ko ang nangyari kanina. Tama si Trent. Hinayaan lang nito ang mommy niya. Hindi man lang ako nito ginawang ipaglaban. Aside from that, nagsinungaling din siya sa'kin. Alam na pala niya simula palang na ikakasal na sila ni Bianca pero ginulo pa rin nito ang buhay ko.







"You don't know anything, Trent." Malamig na sagot ni Tim.






"C'mon, kuya. Huwag na tayong maglokohan. Sa tingin mo ba, hindi ka hinahanap nila tita ngayon? Kapag nalaman nila na si Katrina ang tinutukoy mong girlfriend mo, sa tingin mo ba walang gagawin si tita sa kaniya?"






Sa sinabing 'yun ni Trent ay naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Tim sa braso ko. Bigla siyang nanggigil kaya dumaing ako.







Napatingin naman ito sa'kin at biglang lumambot ang hitsura nito. Lumuwag din ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya ginawa ko 'yung pagkakataon para lumayo.







"Katrina.." Puno ng hinanakit na banggit nito sa pangalan ko.






I stared at his eyes. Pinilit kong pinatatag ang sarili ko nang makita ang nagbabadyang mga luha niya.






"Ito ba ang sinasabi mong importante mong gagawin, Tim? How could you."





Nakita ko ang ilang beses na paggalaw ng adams apple niya na parang pinipigilan ang sariling umiyak.






"Ano? Magsalita ka! Ito ba ang sinabi mong importanteng gagawin?!" Asik ko pa.






Umiling siya. "N-no.. Hindi 'yun sa gano'n. Love, believe me. Hindi ko alam na kasama pala sila Bianca. Akala ko family dinner lang. Believe me, please.."






I tsk. "I did, Tim. I BELIEVED you. Naniwala ako sa'yo pero anong nangyari? Napahamak lang ako. Nasaktan lang ako dahil sa pagtitiwala ko sa'yo."






My Professor's ObsessionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora