Chapter 3

13.9K 385 84
                                    

Chapter 3




"Sir Tim is very mysterious," rinig naming usal ni Nella bago lumabas ng room.



It's 4pm already and our classes just ended. Nagliligpit na kami ng mga gamit namin para umuwi na.




"Bakit naman?" tanong pabalik ng kaibigan niya, si Hailey.



"Kasi diba, inutosan ako ni Mrs. Wolly na pumunta sa dean's office. Tinignan ko 'yung profile ng mga professor na nando'n at wala man lang kahit anong information ang nakalagay sa record ni sir Tim," paliwanag ni Nella.



Huh, pwede ba 'yun? Paano nangyaring walang information si sir sa dean's office?



"Kat, tara na." Aya sa'kin ni Nicole kaya tumango na ako.



Nakasunod lang ako sa kanila habang naglalakad sila. Iniisip ko ang sinabi ni sir Tim kanina. Totohanin kaya niya ang sinabi niya? Tapos naman na ang klase namin pero wala naman siya. Bahala na nga.



"Kat, ayos ka lang? Antahimik mo ata," ani Althea nang makarating kami sa parking lot ng university.



"Wala, may iniisip lang ako."



"Bakit ka pala pinatawag ni sir Tim kanina, Kat?" Mapanuring tanong ni Bia.



Natigilan ako at nag-isip ng sasabihin. "Ah.. 'yun ba? May sinabi lang siya."



"Anong sinabi niya?" dagdag na tanong ni Bia.



Kumunot ang noo ko dahil hindi naman nito ugaling magtanong. Siguro curious lang siya kaya sinagot ko nalang. "Ahm.. about sa pagka-late ko kanina. Nag-warning lang siya sa'kin." pagsisinungaling ko.



Gosh, hindi ko gustong magsinungaling sa kanila pero ano naman sasabihin ko? Hindi naman pwedeng sabihin ko sa kanila na pinasabay ako ni sir Tim sa kaniya na mag-lunch. Mali 'yun. Hindi pwede.



Tumango si Bia, pati sila Nicole at Althea. Nagpaalam sila na mauuna na raw at may pupuntahan pa sila.



Pag-alis ng mga sasakyan nila ay d'on ko lang narealize na naiwan ko pala ang kotse ko sa bar kagabi. Tinignan ko ang wallet ko at nakahinga ng maluwang nang makitang kasya pa ang pera ko para mag-commute.



"Kat!" napatingin ako sa sumigaw at nakita ang nakangiting mukha ni Brix.



Ngumiti ako dito pabalik, "Brix.."



"Saan ka papunta? Busy ka ba? Gusto mo bang kumain muna?" Sunod-sunod na tanong nito.



"Hinay-hinay lang, Brix." Natatawang ani ko na ikinatawa rin niya.




Sabay kaming naglakad ni Brix papuntang main gate. Sa labas daw kasi nakaparada ang sasakyan niya kaya wala sa parking lot.




Nakwento ko rin sa kaniya na hindi ko dala ang sasakyan ko kaya ihahatid nalang daw niya ako. Hindi naman ako umangal, sayang din kasi ang pamasahe.




"Kumain muna tayo ng dinner, Kat. Ayos lang ba sa'yo?" tanong nito ng nasa waiting shed na kami.




Si Brix Collens ay isa sa mga kaibigan ko dito sa university. Nagkakilala kami dahil sa quiz bee last year. Gwapo at matalino si Brix kaya sikat siya dito sa school.




"Ayos lang naman.."



Ngumiti ito ng malawak sa sinagot ko. "Yes! Saan mo ba gustong kumain?"




My Professor's ObsessionWhere stories live. Discover now