Chapter 35

9K 275 66
                                    

Chapter 35





"Anak! Bumaba ka na't nandito na si Trent," rinig kong sigaw ni Mama sa baba.





Napangiti naman ako bago inayos ang sarili ko. Kahit kailan talaga hindi marunong sumira ng pangako si Trent. Bago ako pumunta dito sa probinsya namin ay sinabi niyang bibisitahin daw ako nito palagi. Akala ko nga nagbibiro lang siya pero ginawa talaga niya. Siya pa nga mismo ang naghatid sa'kin dito para malaman daw niya kung saan ang bahay namin at ligtas akong dumating.





Sinabihan ko na siyang hindi naman niya kailangang pumunta dito pero hindi talaga nakikinig. Tumatawa lang siya at umiiling sabay sabing gusto niya raw pumunta at di ko raw siya mapipigilan. Loko talaga.




"Ano na namang ginagawa mo dito?" Tanong ko pagbaba ko ng hagdan.





"Tita oh, 'yung anak niyo po parang ayaw ako dito." Pagsumbong niya kay mama.





Inikot ko naman ang mata ko sa naging sagot niya. Sa ilang beses niyang pagpunta dito ay naging close niya na sila mama. Parang ayaw na nga ni mama na umalis siya kapag pumupunta siya dito.





"Haynako, kayo talaga. Para kayong bata kung mag-asaran," natatawang ani mama at bumaling sa'kin. "Huwag mo ngang tinataboy paalis 'tong si Trent, anak. Alam mo namang boto kami dito." Nag-apir pa sila bago umakbay si Trent sa kaniya.





"Asan po pala si tito?" tanong ni Trent.





"Nasa kapitbahay lang 'yun." Sagot ni mama na ikinatango ni Trent. "Oh siya, ikaw muna ang bahala sa bisita natin, Katrina. Ipasyal mo muna siya sa tabing dagat at magluluto lang ako ng tanghalian natin."





Umalis na si mama pagkatapos kaya kami nalang ni Trent ang nandito sa sala. Lumapit naman ito sa'kin bago ako inakbayan.





"Ipasyal mo raw ako sabi ni tita," ngiting asong usal niya.





"Lakas mo kay mama ah. Anong pinakain mo sa kaniya?"





Humarap ito sa'kin at tinapik ng mahina ang ilong ko. "Silly! Alam mo naman kung bakit ako nagpapalakas sa magulang mo, diba?"





Sumeryoso ang mukha ko sa naging sagot niya.





"Trent, sinabi ko na sa'yong wala pa--"





"Alam ko, okay?" Putol nito. "I am willing to wait, Kat. Hanggang sa maging handa ka na."





I sighed. "Magkaibigan tayo at ayokong masira--"





"Tara na. Ipasyal mo nga raw ako sabi ni tita." Pagpuputol ulit nito.





Wala na akong magawa nang hinila nito ang kamay ko palabas. Habang naglalakad kami papunta sa tabing dagat ay nakikita ko ang mga babaeng sinusundan ng tingin ang kasama ko. Sa ilang beses na pagpunta dito ni Trent, hindi pa rin sila nagsasawang tignan ang maamong mukha nito. May iilan ngang mga kababaihan ang nagtatanong sa'kin minsan tungkol sa kaniya. Kung kailan daw siya babalik at kung may facebook ba raw.





"Baka hindi ako dito matutulog, Kat. Uuwi ako mamayang hapon dahil may kailangan akong gawin sa'min." Biglang sambit nito habang naglalakad kami.





Madalas kasi ay dito natutulog si Trent kapag pumupunta siya. May extra room naman kami sa bahay kaya do'n siya namamalagi minsan.





My Professor's ObsessionWhere stories live. Discover now