Chapter 13

9.9K 329 79
                                    

Chapter 13



When I entered his office, I saw Tim sitting on the couch while intently looking at me. The moment our eyes met, tiredness is very visible on his face.




Bigla akong naawa pero isinantabi ko muna. Hindi nga siya naawa sa'kin nang pinaniwala ako nito sa mga kasinungalingan niya.




"Bakit mo ako pinatawag?" Ika ko kaagad at nilalaban ang mga tingin nito.




Nakita ko kung paano niya ginulo ang buhok niya dahil sa inis.






"Look, I was gone for a week at pagkadating ko dito ay sayo kaagad ako dumiretso tapos 'yan lang ang ibubungad mo? Seriously, Katrina?" Frustrated na ika niya.





He is right. He was gone for a week at ngayon na bumalik na siya ay nagagalit siya dahil ganito lang ang pakikitungo ko sa kaniya? Sa loob ng isang linggong nawala siya, walang kahit isang text akong natanggap at nalaman ko pang nagsisinungaling siya. And worst, I found out that he was with my friend the whole week. Tapos ngayong nandito siya ay nagrereklamo siya na parang wala siyang ginawang masama? Wow! Kapal.




"Ano bang klaseng bungad ang gusto mong gawin ko? I just found out that you lied to me and you're expecting me to hug you? The audacity, Timothy." Mahinahon kong sagot at tinatago ang pagka-inis sa aking boses.





Natahimik siya pero hindi nito inaalis ang tingin niya sa'kin. "I thought you're at your apartment." Tumigil siya saglit and left out a bitter sigh. "And you're all alone, huh? alone and apartment my ass."




Jez! Did he just say that? Ako dapat ang magalit sa kaniya dahil sa pagsisinungaling niya. Ako dapat! Pero eto siya ngayon at nagagalit dahil sa kaunti kong pagsinungaling sa kaniya kanina.





"And what's the big deal with that?"





Napaigtad ako ng hinampas niya ang lamesa. Nakita ko kung paano nakayukom ang kamao nito. "Damn, Katrina! What did I told you? I told you not to hang-out with other guys but you just did!" Diin na sigaw nito.





Lumunok ako at pilit na pinapatatag ang aking sarili. Is he accusing me that I am going-out with Brix? Ghad! Hindi naman ako lumalabas kasama ang ibang lalaki at aksidente lang naman 'yung pagkikita namin ni Brix kanina. Wala rin akong dapat ipaliwanag sa kaniya dahil wala namang kami.





Pinakalma ko ang sarili ko para hindi sumigaw.






"Do you know what you did, Timothy? I asked you a couple of times about Bianca, right? Nakalimutan mo na ba kung ilang beses kang nagsinungaling?" I stopped and looked at his eyes. "I even give you a chance to tell me the truth but you just threw that chance away!"





Natigilan siya at parang nagsink-in sa kaniya ang lahat. His face softened and was about to approached me when I step backward.




"I have no other choice, Katrina. Hindi ko ginusto na magsinungaling sa'yo. I just did that kasi ayokong may iba kang isipin. Hindi ko 'yun ginusto, trust me." Itinaas niya ang kamay niya na parang namumumpa.





I laughed bitterly.




"Trust you? Wow! big word, Tim." I sarcastically replied. "And why would I trust you? Do you think I can still trust you after that?"





I stiffed when I saw how his eyes turned into red. Napansin ko rin na biglang namamasa ang mata niya. Hindi na ako nakapalag nang humakbang siya palapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko.





Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Ang higpit ng pagkakahawak niya na parang ayaw niya itong bitawan.






I gasped when he pulled and hugged me. He rested his chin on my shoulders nang hindi binibitawan ang kamay ko. Itutulak ko na sana siya palayo nang marinig ko ang mumunti niyang hikbi. Nararadaman ko rin ang bahagyang pagtaas-baba ng dibdib niya.




Teka.. umiiyak ba siya?




"I'm sorry.." Mahina niyang sabi habang nakayakap pa rin sa'kin. "I won't to that again. I promise."





Hindi niya inangat ang ulo niya kaya hindi ko nakita ang kaniyang mukha. Para naman akong naubosan ng sasabihin. He is saying sorry and I can feel the sincerity in his voice.





Nang inangat niya ang tingin niya ay nakita ko ang namumula niyang mata na halatang galing sa pag-iyak. Lumunok siya ng ilang beses bago nagsalita ulit.






"J-just be angry at me, it is f-fine." Pumipiyok ang boses niya habang nagsasalita. Yumuko muna siya bago nagpatuloy. "Just d-don't hate me."






I swallowed hard before I removed his hand. Napatingin siya sa'kin dahil don at halos matigil ako sa paghinga ng nanunubig na naman ang mga mata nito.





"K-katrina.." He was about to hold my hand again nang tinago ko ito sa likod ko.




"You know what, Tim.." Tumigil ako at nilalabanan ang mga tingin niya. "Let's just end it here."




Sa sinabi kong 'yun ay tuloyan ko nang nakita ang pagpatak ng luha niya.



Umiling siya. "No. I heard you wrong, right?" Pagsasaamo niya pa.



"You heard me right, Tim. Let's just end it here," pag-uulit ko pa.



Gusto kong bawiin ang sinabi ko nang nakita kong umiiyak siya na parang bata. Pero hindi.. nasabi ko na kaya dapat ko 'yung panindigan.





"I need to go." Ika ko dahil hindi ko na kayang makita itong umiiyak. Bago ako makalabas ay hahawakan niya sana ang kamay ko pero nilayo ko ito sa kaniya. "Don't you dare try to hold me, Tim. Let's act as if we are strangers and strangers don't hold hands."




Pagkasabi ko non ay tumakbo na ako paalis. Narinig ko pang tinatawag ako nito pero hindi na ako lumingon. Tama lang 'yung ginawa ko. Tama lang 'yun.




Hindi muna ako umuwi sa apartment at tumambay muna ako saglit sa parke. Malapit lang din naman ito kaya hindi rin masyadong delikado. Marami ring mga ilaw pero wala ng masyadong tao dahil gabi na.




Umupo ako sa bench na nandito at iniisip ang nangyari. Sana hindi ko 'yun pagsisihan. Mas mabuti ng tinigil ko hangga't maaga pa kaysa lumalim pa ang nararamdaman ko sa kaniya.




"You look ugly when you're crying," biglang may nagsalita sa gilid ko kaya tinignan ko ito.




Ano namang ginagawa ng kabute na 'to dito?




May kinuha siya sa bulsa niya at inilahad ito sa'kin. "Take it and wipe your tears." Dagdag niya.



Napahawak ako sa mukha ko nang binigyan niya ako ng panyo. Tama siya. Umiiyak na pala ako ng hindi ko man lang namamalayan.



"Aish," iritang aniya nang hindi ko kinuha 'yung panyo.




Napaatras ako ng bigla siyang lumuhod para magpantay kami.




"A-anong ginagawa mo? Hoy Trent, itigil m-mo yan.." Suway ko dito pero siya nakinig.



"Don't move," pag-uutos niya.


Napatigil ako sa paghinga ng siya na mismo ang nagpunas ng luha ko gamit ang panyo niya. Seryoso ang mukha nito habang pinupunasan ang luha ko.



"You know what, I'm starting to like you." Dagdag niya na ikinatigil ko.




"A-ano?" Gulat kong tanong.




Ngumiti siya ng matamis at tumabi ng pagkaka-upo sa'kin, "but I know I should stop this feeling.." tumigil siya at bahagyang tumingin sa'kin, "kasi alam kong matatalo lang ako."








My Professor's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon