Chapter 2

1K 38 14
                                    

Giniya sya ni Vinny sa isang nakasaradong silid.

"I'll leave you now. Goodluck Yassi."

"Salamat po Sir."

Kumatok sya ng tatlong beses.

"Come in."
Bahagya syang natulala sa boses ni Simon. Ang husky kasi. Iba ang dating sa pandinig nya.

Nag-sign of the cross muna sya bago tuluyang pihitin ang door knob.

"This is it." sabi nya sa isip bago tuluyang pumasok sa silid.

"Have a seat Ms. Yassi," turo ni Simon sa upuan.

Lihim na napapamura si Yassi. Sobrang nati-tense sya na ngayon ay kaharap nya si Simon at dalawa lang sila sa silid na yun. Malamig naman sa loob dahil bukas ang air-condition pero pakiramdam nya namamawis ang katawan nya sa tensyon.

Ang higit nya kasing ikinaka-tense ay ang pagiging seryoso nito di tulad noong dalawang kapatid.

"Yasmine Marie de Vera..." basa ni Simon sa full name nya.

Bahagyang tumango lang ang dalaga.

"You are a fresh graduate, right?"

"Yes Sir."

"That explains why you have no working experience yet." dugtong ni Simon habang pinapasadahan ang simpleng resume ni Yassi.

"You graduated with honors. Impressive."

Hindi malaman ni Yassi kung compliment yun ni Simon. Pero lihim syang natuwa dahil kita naman sa expression ng mukha ng binatang Marcos na tila na-amazed ito sa achievements nya. Nakapagtapos kasi syang Cum Laude.

"Single?"

"Po?" Nagulat si Yassi sa tanong na yun ni Simon. Nakalagay naman sa resume nya na single ang status nya why need to ask her again.

"I mean do you have any boyfriend?" Lalong nagulat ang dalaga sa deretsahang tanong sa kanya ni Simon.

Pakiramdam nya namula ang kanyang mga pisngi. Nakaramdam kasi sya ng pag-iinit ng mukha.

"Eh Sir NSBS po kasi ako," nagawa nyang idaan sa biro ang sagot nya kasi sobrang nati-tense sya.

Kumunot ang noo ni Simon. Hindi yata nito alam ang ibig sabihin nun.

"Sir NSBS means No Boyfriend Since Birth," nahihiyang paliwanag ni Yassi.

Napangiti si Simon sa sinabi nya. Yun ang unang pagkakataon na nasilayan nyang ngumiti ito. Hindi rin nyang mapigilan hindi mapangiti. Lalo kasing gumuwapo ang binata sa paningin nya.

"Hmm... I don't know if I am going to believe you but anyway naitanong ko lang naman," muling bumalik sa pagiging seryoso ang mukha ni Simon.

"Apo ka ni Nanang Adela, right?" balik tanong nito.

"Yes Sir."

In-scan pa ni Simon ang resume nya. Inabot na siguro ng dalawang minuto at wala na itong maitanong pa sa kanya. Wala namang gaanong nakalagay sa resume nya kundi mga personal information at educational background.

"I think it's enough."

Sumandal si Simon sa inuupuan nitong swivel chair.

Kinabahan si Yassi. Ayaw na syang interviewhin ng binata. Bago pa bumagsak ang balikat nya ay narinig nya itong nagsalita.

"You're hired."  sabi nito matapos umayos sa pagkakaupo.

Namilog ang mga mata ni Yassi. Hindi nya inaasahan na ganoon kadaling matatanggap sya bilang PA ng binata. Parang ang bilis ata ng ginawang interview ni Simon sa kanya.

Silent PainWhere stories live. Discover now