"Sige po, Tita," nakangiti niyang sabi habang sumusubo ng kinakain ko kanina. Takaw talaga.

Agad akong naglinis ng katawan at nag-ayos. I need to wear a wig so that no one can recognize me and also a facemask.

Pagkatapos kong mag-ayos ay agad akong bumaba. Nandoon pa rin si Leiro habang nanonood ng tv at kumakain.

"Let's go, Leiro."

Hinawakan ko ang kaniyang kamay at pinunasan ng tissue. Binuhat ko na rin para mas mabilis kaming maglakad, para kasing pagong 'to maglakad. Mabagal na, madaldal pa.

"Hep, hep, hep, hep, hep. At saan kayo pupunta?" Biglang sumulpot si Ate Sam sa harap namin kaya napatigil ako sa paglalakad.

Ibinaba ko si Leiro at hinawakan sa kamay bago tumitingin kah Ate Sam at ngumiti ng malawak. Kailangan kong maging mabait sa kaniya ngayon para payagan niya kaming gumala ni Leiro.

Alam ko naman na hanggang ngayon ay galit pa rin siya dahil sa ginawa ko pero dahil nga sanay na siya sa akin ay for sure pababayaan niya na lang ito. Bait-baitan muna para payagan.

"Ate Sam. Gusto raw kasing maglaro ni Leiro sa mall. Sasamahan ko lang."

"Aba't! Letseng batang 'to, maglalaro na nga lang kailangan sa mall pa?" Bulong ni Ate Sam kaya napatawa ako.

Hindi iyon narinig ni Leiro dahil busy siya tumingin sa mga pulis at kung sakali man na marinig niya iyon ay paniguradong sisipain niya si Ate Sam. Tapang 'to, 'e. Mana sa akin.

"Sige na, Ate."

"Oh, sige, papayagan ko kayo pero dapat may kasamang pulis na magbabantay. Susko, kilalang-kilala ko kayong magtita," sabi ni Ate Sam kaya lihim akong napa-yes.

All right! Makakagala na rin ulit! Dapat lang palang pumunta rito si Leiro para payagan akong lumabas. Bored na kasi talaga ako rito at gusto ko nang lumabas pero ayaw naman akong payagan ni Ate Sam.

"Salamat, Ate. Oh, Madrigal, sama ka sa amin. Pupunta kami sa mall at ikaw ang magiging bantay namin. Libre na rin kita para happy-happy tayong tatlo."

Si Madrigal ay isang pulis din, palagi itong nakangiti at parang walang problema sa buhay. Masayahin kasi siya. Siguro kahit tamaan 'to ng bala ay nakangiti pa rin ang isang 'to.

Papunta na sana rito si Madrigal nang biglang itinaas ni Ate Sam ang kaniyang kamay kaya't nalilito kaming tumingin sa kaniya.

Ano na naman ang problema? Hindi niya na ba kami papayagan?

"At sino ang may sabi sa iyo na si Madrigal ang ipapasama ko sa inyo? Sa kulit at likot n'yong iyan ay hindi kayo mababantayan ng maayos ni Madrigal kaya, Cap Zhyro! Ikaw ang sumama sa dalawang 'to," sabi niya at pinalapit dito si Zhyro at agad din naman lumapit ang unggoy.

"What!?"

"Sige, mamili ka. Si Cap Zhyro ang sasama sa inyo o huwag na kayong pumunta sa mall at nang umiyak ang batang 'yan," pananakot ni Ate Sam kaya napalunok ako.

Ibang klase kasi umiyak si Leiro, para siyang nauubusan ng hininga at nakakaawang tignan.

Tinignan ko si Leiro na nakahawak sa akin at nakangiti pa. Parang ayaw kong sirain ang maganda niyang mood ngayong araw. Kumupit pa siya sa kaniyang ama para lang pumunta rito at samahan ko siya na maglaro.

Bakit kasi maglalaro na lang ay kailangang sa mall pa? Sosyal 'yan?

"Tsk. Let's go na nga at nang makapunta na sa mall."

Binuhat ko ulit si Leiro na ngingiti-ngiti. Gustong-gusto niya naman magpabuhat sa akin? Buwisit na batang 'to.

***

Nandito na kami sa mall. Busy sa katatakbo si Leiro rito sa Tom's world. Habang ako ay nakatingin lang sa kaniya at kung minsan ay kinukuhaan ko pa siya ng litrato. Ang cute niya talaga.

Habang tinitignan ko ang mga litratong kinuha ko ay napapangiti ako pero naka-facemask naman ako kaya hindi nila kita. Kanina pa nga ako pinagtitinginan dito. Sana lang talaga ay hindi ay hindi nila ako makilala at lagot na naman ako kay Ate Sam kapag nagkataon.

"Tita, I'm tired na po," lumapit sa akin si Leiro at pawis na pawis ang kaniyang mukha kaya kumuha ako ng panyo at ipinunas sa kaniya.

"Dahan-dahan lang naman kasi sa pagtakbo, Lei. Lagot ka kay Kuya nito. Hindi ka manlang nagpaalam sa kaniya. Baka nag-aalala na sila sa iyo."

"Hmppp, hindi 'yon. Hello po, Kuya Pulis. Laro po tayo," bigla siyang kumaway sa likod ko at muntik ko na makalimutan na kasama nga pala namin si Zhyro

"I'm fine, kid. Ikaw na lang ang maglaro," seryosong sabi ni Zhyro.

"Hmppp, kj mo naman po, para kang si Tita Mac. Pangit n'yo po kabonding," matapos niyang sabihin iyon ay iniwan niya na kami. Talaga naman ang batang 'to

"Captain Zhyro?"

*****

Hanse_Pen

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now