KABANATA 17

5 0 0
                                    

"Umagang-umaga ay si Suho ang Hanap mo." natatawamg ani Inay nang pagtimplahan nya ng kapeng barako ang Itay. " wala na Sya,  alas kwarto y'media nang magpaalam sya may pasok pa kasi sya sa Opisina. Sinabi ko na Sa iyo,  hindi mo maaaring hamunin sa inuman ang batang iyon dahil malakas sya talagang uminom. "

"Naku,  eh di mas maigi pala na hindi ko ipagkatiwala sa kanya ang Anak mo? Baka mamaya ay kung ano ang danas nyan sa Suhong iyon! " ani Itay.

"Ngunit hindi ho ba't natalo ka sa kasunduan nyo? "

"Hoy! Hoy! " nilingon ako ng Itay." Ikaw ba pumayag ka na namang ligawan nyan? " nang gagalaiting ani Itay kahit wala pa naman ang Sagot ko.

"Elyong, malapit nang mag trenta ang anak mo, ayaw mo bang makita ang Apo mo? "

"mariya ihinto mo ang pananalita mo. Abay hindi pa nga nangliligaw si Suho ay Apo kaagad amg iniisip mo? "

Kaysa makinig sa mahabang pagtatalo nila ay nagdesisyon  nakong pumasok.

"Aalis na po ako , baka mag away pa po kayo. " pag papaalala ko sa kanila,  pagbukas ko ng Gate ay nanlalaki kong pinagmasdan ang kotseng nakaparada sa harap ko,  bumaba pa ang Window car noon at bumungad ang napaka gwapong mukha ni Suho. Nakangisi sya suot ang Suglass.

Kanina lamang ay kakakita namin ngunit tila namiss ko sya Gusto kong humiyaw pero sumenyas sya na Tumahimik ako. "sssshh.. "aniya pa tsaka itinapat ang hintuturo sa labi nya.

Mabilis akong humakbang papasok tsaka ako humalik sa Labi ni Suho.

"Hmmm.. "Simpleng aniya ngunit tila naging Ung*l iyon sa pandinig ko. " Good morning baby. " bati pa nya. "Pinag  uusapan nila yung Apo? Bakit gusto na ba nila? " seryosong aniya.

"Baliw." saad ko tsaka ko hinampas ang balikat nya

"Hahahaha Aanakan talaga kita isang sabi lang nila." natatawang aniya pa. Tila proud na proud sa Sinabi." Nga pala, si Zoe.. She'll be my Secretary."

Natigilan ako. Bakit? Bakit si Zoe?

" si Mommy ang Nag hire sa Kanya but no need to Worry alam na alam mong hindi ko Gusto kahit ang Presensya ng babaeng yun. " mabilis nyang hinagkan ang Noo ko pero hindi parin nawala ang pangamba ko.

Alam ko kasi Kung gaano katuso ang Babaeng iyon,  sapul pa lamang nang magkakilala kami ay talagang napaka sama na ng Ugali nya,  natatandaan ko pang Minsan nya akong sinubukang ipabully sa mga Senior nang nasa College kami mabuti na lamang at Naroon si Aizen par Pagtanggol ako.

"Si Zoe parin ba ang iniisip mo? " tanong ni Alaiza habang nakapangalumbaba ako sa Mesa ko,  lunch na kasi ngunit ayaw parin makaramdam ng Gutom ng Tyan ko. 

"Sabi kasi Ay may Meeting pa sila Suho kasama ang babaeng iyon." nanlulumong saad ko, hindi pa man ako nakakabwelo sa sinabi ko ay pumasok ang Bruha bitbit ang peke nyang Ngiti.

"Mauna kana daw kumain sabi ni Suho,  baka late na daw matapos ang meeting kami na lang siguro ang mag sasabay." nakangiting  aniya.

"Ganun ba... "nasabi ko na lamang,  sumama ang loob ko ngunit ano ang magagawa ko? Tumayo na'ko para tumungo sana sa Food Court pero nabangga ang noo ko.

"Okay ka lang? " ngayo'y si Suho naman ang Nasa Harap ko.

"Bat narito ka? Akala ko ba'y late ka matatapos sa meeting mo? " pormal na tanong ko.

"Hindi ko kasi matiis na hindi ka makita." nakangiting aniya pa tsaka ngumisi kasabay ng pag pikit ng mata nya. " anyway.. Meet my Cousin. "pakilala nya sa'kin sa isang Binatilyo.

Nakasuot ito ng Uniporme tulad ng Uniform sa dati naming School, matipuno ang pangangatawan nya at makinis ang balat nya mukhang mas mapustura pa sya kaysa kay Suho naka suot sya ng kulay gintong relo sa Pulsuhan nya.

BEING HE'S PERSONAL MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon