KABANATA 11

3 0 0
                                    

"Ito ang magiging kwarto mo. " ani Suho nang makarating kami sa Condo nya,  " magbihis ka,  mamimili tayo." nakangiting aniya, hindi na nya hinintay na sumagot ako sa halip ay masiglang namulsa ito bago isara  ang pinto.

Anong meron sa kanya?

Inikot ko ang mata ko sa kabuuan ng kwarto, pakiramdam ko ay isa na akong prinsesa,  nakakatuwa ang mga pink na kurtina na may mga Pink din na Raffles,  ang higaan ko ay matatawag nang kama at paniguradong maninibago ang katawan ko dahil kawayan at banig ang nakasanayan ko.

Lumapit ako sa bintana at hinawi ang kurtinang nakadisenyo roon bahagya pa akong nasilaw sa taglay na liwanag ng Araw nang masanay ang mata ko ay napangiti ako sa napaka gandang hardin  na naroon bagay na ngayon ko lamang napansin.

*KNOCK!  KNOCK!

Napatingin ako sa pinto "Baby~ are you done? " kaagad akong pinangunahan ng hiya,  boses pa lamang ni Suho ang naririnig ko ay ganito na kaagad ang reaksyon ko.

Ano daw?  BABY?  Hala sinagot  ko na ba sya?

"I'm waiting... " bagaman naghihintay ay nanatiling malambing ang boses nya. jUsko nasisiraan na yata ako ano bang malambing ang sinasabi ko?

"Buksan mo yung Closet dyan,  mula ngayon ay iyan na ang, magiging mga damit mo. " aniya pa kahit nasa labas parin sya.

Nilingon ko ang Skyblue na Aparador tsaka ito binuksan, nakakamangha dahil naging Apat na hati iyon,  double door yata ito kung tawagin,  ang isang pinto ay nahati sa dalawa na may mga nakasalansan na damit at Bag,  sa kabila naman ay mga sapatos at ilang alahas.

DIOR,  LUIS VUITTON,  CHANNEL,  ALORA,  HERMES at marami pa na hindi ko kilalang mga brand ngunit tiyak na matataas na uri o kilala sa buong mundo.

Napailing ako tsaka ko kinuha ang itim na jacket na may hood sa bag ko at iyon ang isinuot.

"oh , bat yan ang suot mo? " takang ani Suho paglabas ko ng kwarto.

"Pasensya na,  pakiramdam ko kasi ay hindi nararapat sa akin ang mga matataas na uri ng brand ma iyon. " nagbaba ako ng tingin.

Iginiya ni Suho ang ibaba ng mukha ko para magtama ang, paningin namin,  "Sa lahat ng Brand,  nasisiguro kong ikaw ang walang kapantay, ang pagiging simple mo ang nagpapaespesyal sa fellings ko Baby. " nakangiting aniya dahilan para pilit kong ibaba ang paningin ko dahil sa Hiya.  "Kapag nag b-blush ka ay kinikilig ako hahahaha. " umugong ang malakas na tawa nya matapos ay isinalikop nya ang bawat daliri sa kamay ko.  "Let's go. " anyaya nya pa.

" kung maaga mo lamang ako pinansin? Baka maaga din akong nag asawa. " maya-maya'y aniya nang makarating kami sa Mall bitbit ang basket na walang laman.

"B-bakit naman? " tanong ko.

"syempre,  noon pa man kasi ay nabihag mo na ang puso ko."banat na naman nya habang nakangisi.  " kailan  mo ko sasagutin?"

Napangiwi ako sa tanong nya. " a-ano? " naiilang na tanong ko pero tumawa na naman sya.

"hahaha biro lang,  kahit kasi sagutin mo ako ay araw-araw parin kitang liligawan." kinuha nya ang kamay ko at iginiya palapit sa mga prutas. " kailan mong maging malusog baka mapagalitan ako ng Father in law ko." saan kaya nang gagaling ang mga pinag sasa-sabi nya ako na lang talaga ang nahihiya para sa kanya.

"Suho! " mula sa likod namin ay may pamilyar na boses,  binawi ko ang kamay ko at mabilis na humakbang palayo, tumungo ako sa gilid ng Stante para doon magtago.

"Sino yun?" Si Zoe,  hanggang sa Mall ay talagang nagtatagpo ang landas nila.

"H-huh? S-Sino? "nauutal na tugon ni Suho.

BEING HE'S PERSONAL MAIDWhere stories live. Discover now