KABANATA 7

2 0 0
                                    


"bakit kaya? " tanong ni Alaiza sakin habang sabay kaming naglalakad pa punta sa Cubicle.

Hindi ko sya nasagot dahil pareho lang kaming walang kaalam-alam.

"Lahat ng lalake na freshman lumabas kayo! mga babae lang ang kailangan ko. " Mayabang na Saad ni Gino.

Napakapit sa'kin ng mahigpit si Alaiza.

"Hindi na kayo marunong kumilala ng senior nyo Huh" mayabang na anito na naman. "Pwes magpapakilala ko,  mga mayayabang na kayo ah! Lalo kana! " ngayo'y sa'kin sya nakatingin.

"A-ano bang nagawa ko sa'yo?kung ganun...Hwag mo na silang idamay.." nakikiusap na,saad ko "Kung may mali ako,  ako na lang. " nagsusumamong saad ko pa.

"Matapang ka ah,  bakit? Sinong pinag mamalaki mo?"minulat nya ang mata nya sa'kin tila tinatakot ako.

nagbaba lang ako ng tingin.

" Lahat kayo! Lumabas na kayo itong malandi lang na'to ang kailangan ko. "

Ano?malandi?ako?

Mabilis na nang gigilid ang luha ko dahil sa takot,  ano bang ginawa ko at ginaganito ako ng lalake na ito!

"Kung maiiwan si Maricon ay magpapaiwan na lang din ako." nilingon ko si Hazel.

para saan ba ang pinapakita nya? Hindi ba't sya nga ang dahilan kung bakit nagalit sakin si Gino.

"Hindi Hazel,  lumabas kana don." ani Gino tsaka nya hinatak ang kamay ko ng malakas dahilan para mawala ang balanse ko at masalampak ako sa Sahig.

"Maricon....." nag mamakaawang tawag sakin ni Alaiza.

"Bakit? Sasali ka? Halika tatadyakan kita! "pananakot ni Gino, kinuha pa nito ang Mop at akmang ipapalo nya ito sa akin.

"G*GO KA AH! "sigaw ni SUHO tsaka sya tumalon para tuhudin ang likod ni Gino dahilan para matumba din ito sa sahig at tumalsik "Okay ka lang? "batid kong nag aalala sya pero kahit ang magsalita ay hindi ko na magawa dahil sa takot.

inalalayan ako ni Suho na makatayo agad naman akong nilapitan ni Alaiza." Maricon Okay ka lang?"

"Lumabas kayo! "galit na sigaw ni suho,kitang kita ko ang litid sa leeg nya.

Gusto ko syang pigilan pero paano?

"Su- -" hindi ko iyon natapos nang damputin nya si Gino para ipasok sa isa sa mga Cr.

"Tignan natin ang Yabang mo!"rinig kong saad ni Suho tsaka nya binali ang Mop at pumasok sa Cr kung saan nya inilagay si Gino.

"Bwisit ka napaka yabang mo!" rinig na rinig ko ang galit nyang boses. "

Ahrrrg! Huh...huh.. T-tama na....ARHGGGGGG! "puros daing lang ni Gino ang naririnig namin hanggang sa lumabas si Suho.

Basa ang tshirt nyang puti puti ng pawis dahilan para dumikit iyon sa maskulado nyang dibdib at abs sa tyan.

"Su-ho. "ani Hazel pero hindi sya nito pinansin sa halip ay tinignan nya'ko.

Nagbaba ako ng tingin at naunang umalis sa lugar na iyon.

"hindi ako makapaniwala na gagawin sa'yo ni Senior Gino yun. " ani Alaiza nang palabas kami ng Building. "kahapon naman ay okay kayo diba? "

Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi ni Alaiza, hindi ko sinabi ang totoong nangyari dahil iniiwasan kong madamay sya.

Natanaw ko si Suho sa Soda Machine.

Nag hulog  sya ng Coins para kumuha ng Soda sa Machine.

"Wow,  mahilig ka din dyan? " ani Hazel ng makalapit sa kanya. "Pwede sa'kin na lang yan? " nagpapacute na anito kay Suho pero inirapan lamang sya nito.

BEING HE'S PERSONAL MAIDWhere stories live. Discover now