KABANATA 15

9 0 0
                                    

NARRATOR✔️

FIVE YEARS LATER

Kasalukyang nakatayo si Maricon sa terrace ng bahay nila, yakap ang sarili habang nilalanghap ang sariwang hangin na nag mumula sa matatayog na punocat makakapal na bulaklak sa harapan nya, napangiti sya nang matanaw ang unti-unting pag silay ng Haring araw.

"Panibagong Araw na naman.. "nasabi nya sa Sarili, humigop sya ng hangin dahilan para tumaas ang balikat nya. Bagaman ganito ka banayad ang mukha nya taliwas naman ang isip nya abala kasi iyon sa paglalakbay kung kailan ba babalik ang lalaking hinihintay nya ng mahabang panahon.

Nag babakasakali sya na mali ang bali-balita na kasal na si Suho kay Kelly.

"Anak, hindi ka ba gagayak? May pasok ka pa baka masesante ka nyan. " nag aalalang anang inay nya,  nakatapos si Maricon ng kolehiyo sa kursong Business management sa tulong ng Villegas dahil sa matyaga nyang pag ta-trabaho ay nakapagpundar sya ng magarbo at dalawang palapag na bahay, ang dati nilang lupa ay mas lumawak na halos triple na ang laki.

"Tito! " parehong napalingon si Maricon at ang Ina sa boses na iyon, natanaw nila mula sa ibaba na nag mano ang lalake sa Itay nya.

"Puntahan mo na lamang ang Anak ko sa itaas Dexter,  paniguradong nagmumuk-mok na naman iyan dahil Kay Suho,  hwag lamang talaga kaming magtatagpo at makikita nya sinaktan nya ang prinsesa ko. "

Napabungisngis na lamang si Maricon sa pagkakaalala nya ay botong-boto ang itay nya sa binatang iyon ngunit nang malaman nito na anak pala sya ng Villegas ay halos magwala ang itay nya,  wala naman magawa dahil nasa Korya nga si Suho.

"Oh sya, ipaghahain ko na lamang si Dexter habang gumagayak ka anak." anang inay nya,  lumabas ito ng kwarto kaya nagtungo na si Maricon sa loob ng silid nya,  ibinagsak nya ang katawan nya sa kama tila wala sya sa kundisyon upang pumasok.

"Alam mo kung hindi lang ako nag aalala sayo iiwan talaga kita! " nang gagalaiting ani Dexter habang nasa Daan drive ang kotse nya.  "Darating yata mamaya yung may ari ng Kumpanya ang lahat daw ng empleyado na wala ay sisisantehin. "

"Talaga?  Si Madam dadating na? " hindi makapaniwalang ani Maricon.

"At saan mo naman nalaman na babae ang may ari? "

"Bulung-bulungan sa Loob kahit nga si Alaiza ay iyon din ang bukang bibig,  pupusta daw sya ng limang daang libo babae ang may ari ng kumpanya dahil iyon daw ang sabi ni Aizen sa kanya. " walang nasabi si Dexter kundi ang tumango-tango na lamang.

"Manager ka ng Company pero naniniwala ka sa bulong-bulunga? " maya'maya'y saad ni Dexter,  kumuha kana ng Kotse mo para hindi na kita sinusundo! Pati si Jade ay baka pagselosan kana. " patungkol nito sa Nobya na dating matalik na kaibigan ni Suho." kailan kaba kasi mag bo-boyfriend para may sumusundo na sa'yo. "

Napabuntong hininga na lamang si Maricon tsaka bumaba sa kotse, suot ang long sleeve nyang itim kapares ang Skirt na above knee tsaka mataas na sandalyas ay dire-diretso syang pumasok sa kumpanya,  pinag buksan pa nga sya ng gwardya.

"Good morning mam. " bati pa nito,  ngumiti lamang si Maricon.

Ang dating mahiyain na maricon ngayon ay isa nang Fashionista, bawat pagpitik ng baywang nya ay nagtitinginan ang lahat.

MARICON ✔️

"Bes! Tiling ani Alaiza pag bukas ko palang ng pinto. " tignan mo! " hawak nya na naman ang panibagong boquet ng mg bulaklak,  ilang taon na din akong nakakatanggap ng bulaklak na iyon ngunit hanggang ngayon ay wala padin akong ideya kung sino tyak na hindi si Suho dahil batid kong hanggang ngayon ay nasa korea parin sya.

BEING HE'S PERSONAL MAIDWhere stories live. Discover now