KABANATA 3

10 0 0
                                    

SUHO

"nakauwi na si Tita Maria? " tanong ko kay mommy habang magkaharap kami sa mahabang mesa para maghapunan.

"Oo,  O ' himala at Tita Maria na ang itinawag mo? Samantala kahapon lang ay Narinig kong Maria ang tawag mo sa kanya?" makahulugang tanong sa'kin ni mommy. "Dahil ba don sa magandang anak nya? Huh? " nakangiting panunukso ni Mommy.

"haisst! Ano bang sinasabi nyo? " ngumiwi ako kunwari para tumigil sya.

"Sus,  papunta ka palang ay pabalik na'ko, anyway okay lang ba sa'yo na si Calliope ang makakasama mo sa Condo unit?"

Pilit kong itinago ang Kilig sa sinabi ni mommy, ang makasama ang babaeng iyon ang pinaka matagal kong pinangarap

"Ayus lang naman, Basta !pagsabihan nyo sya na limitahan ang galaw." sabi ko tsaka ako sumubo ng kanin.

"Bakit?  Pino naman kung gumalaw ang batang iyon..ikaw!  Ikaw ang iniisip ko baka mamaya kung ano ang gawin mo sa kanya! " ani mommy habang hawak ang kutsara't tinidor sa magkabilang kamay nya.

"A-Ako? Mommy? Ako talaga?Seriously? " hindi makapaniwala kunwaring saad ko."Pinag iisipan nyoko ng masama! virgin pa'ko mommy!Virgin pa at wala pa'kong alam sa mga binibintang nyo! " nakangusong saad ko.

"ano bang pinag sasa-sabi mong bata ka! Ang ibig kong sabihin ay baka i-bully mo sya at ipagkalat mo sa school na personal maid mo sya! " noo'y bigla akong napakalma. "virgin-virgin pinag sasa-sabi mo."natatawang bulong ni mommy. " kamusta pala yung Crush mo? Ano pinansin kana ba?" muling aniya tsaka nagpatuloy sa pagkain

"E-Ewan ko po, pero iniiwasan nya yata ako. " nagbuntong hininga ako.

"Bakit di nalang si Calliole ang i crush mo? Maganda na mabait pa. " bigla akong napa ubo sa sinabi ni mommy

*cough! 

*Cough!

Kinabog ko ang dibdib ko ng ilang ulit para mawala ang kanin na bumara doon.

"oh,  dahan-dahan kasi heto ang tubig." nilagok ko ang tubig na iniabot ni Mommy.

Ano kaba Suho!mahahalata ka sa ginagawa mo e!

HAZEL

"Maricon! "tawag ko sa pangalan nya nang natanaw ko sya sa hallway nagtatakbo ako para makahabol sa kanya, Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang kaugnayan nya kay Suho.

" nalimutan kong ikwento sa'yo.. .nakausap ko nung party si  Suho ang bait nya pala talaga! " pinakita ko kung gaano ako kasaya." feeling ko may Crush sya sa'kin!..ay hindi!  Mukhang may gusto na sya sakin!"

kailangan kong mapaibig ang lalakeng iyon para maiahon ko ang sarili ko sa Hirap!

Nawala ang atensyon sakin ni Maricon tsaka sya napakurap-kurap

"A-ano Hazel...Mauna na'ko ah.." saad nya tsaka mabilis na naglakad palayo.

"Hazel... "tawag pansin sa'kin ng senior na si Gino.

"Hello senior..."nakangiting bati ko.

"Tungkol sa sinabi mo sa'kin ?" siguro ay tungkol sa sinasabi   ko na crush sya ni Maricon nung Welcome party.

"Isa kang Campus Heartthrob para sa'kin kaya hindi nako nagtataka kung napaka raming nagkakagusto sa'yo sa gilid-gilid mo ."

"Teka...ibig mo bang sabihin ay may Gusto ka rin sa'kin? "hindi makapaniwalang aniya.

Nagbaba ako ng tingin "pero Alam mo naman siguro na magkaibigan na kami ni Maricon,  kaya ayoko din na maging Tayo habang may Gusto sya sa'yo."

"Pero.. Ikaw na ngayon ang gusto ko Hazel Wala na'kong pakialam kay Maricon. "

BEING HE'S PERSONAL MAIDWhere stories live. Discover now