KABANATA 6

4 0 0
                                    


"Nga pala...Kung ganon na may Laudry machine ka?  para saan at pinapunta mo ako rito? " hindi ko na napigil at kusang tumaas ang kilay ko.

"B-bakit? Trabaho mo naman talaga na gawin ang mga gawain dito. " pangangatwiran pa nya.

"Oo nga,  pero alin ang gagawin ko? Wala kang labahin o kahit hugasin... Malinis ang bahay mo, kahit nga yata alikabok ay wala dito. "

"Masama kasi ang Pakiramdam ko, kung sasabihin ko pa kay mommy ay baka.... "

"Baka? "

"Baka pigilan na nya kong tumungo sa inyo. " malungkot na aniya.

Kung gayo'y balak nya talagang dumalaw palagi sa bahay ganun ba ?

"Pero baka ako naman ang pagalitan noon kung malaman nyang nagkasakit ka ng hindi nya alam. "

"Pakiusap Maricon,  iyon ang unang beses na sumaya ako ng ganon. " senserong aniya nang salubungin ang tingin ko.Bakit?dahil nahalikan nya ko? Haisst kung ano-ano ang iniisip ko.

"buong buhay ko ay nakulong lamang ako sa pader ng malaking bahay namin, naging abala si Mommy sa trabaho nya para sa future ko kaya hindi nya natugunan ang pagmanahal na naranasan ko kasama ang mga parents mo..kung pwede...hayaan mo naman na dumalaw ako sa inyo paminsan-minsan. " pahina ng pahina ang boses nya hindi ko alam kung dapat ko ba syang kaawaan.

nakilala ko sya bilang isang masamang ihemplo sa lahat ng Estudyanye, Campus Bully at ang pinaka tanyag na Heart breaKer sa buong campus.

Tama ba na hinusgahan ko sya noon?

Na ang taong kinatatakutan ko ay labis pala ang kalagayan kumpara sa akin.

Kaya ba palagi nya'kong kinakausap ay dahil naiinggit sya sa'kin? gusto nya kong maging kaibigan?

"G-Gusto mo kong maging k-Kaibigan? "pautal-utal na tanong ko dahil hindi ko alam kung tama bang itanong ko ito.

Nilunok nya sandali ang huling subo nya ng lugaw. "Oo t-tama!  Gusto kita! M-maging Kaibigan! "

"Si Jade! Hindi ba't kaibigan mo sya? Bakit hindi sya ang dalawin mo! "

Lumabi sya. "Kinakaibigan lang ako non dahil alam nyang mayaman ako."aniya na parang batang nagsusumbong.

Gusto ko na lamang mapatawa dahil sa itsura nya,  "bilisan mo ang pagkain mo dyan at iinom ka nang gamot. "

"O-Oo. "sagot sya. "hoooooo." paghigop nya ng hangin habang nakangiwi. " Napaka anghang naman neto! " siguro'y nakain nya iyong luya.

"kailangan mo yan at baka sipunin ka. "

"Hindi madalas lumabas si mommy ng hapon nung ipinagbubutis nya'ko kaya alam kong hindi ako sipunin." pagmamayabang nya.

"At san mo naman napulot iyan,  ang sinasabi ko lang naman ay kailangan mo talaga ng Luya. "

Sa mahabang pag uusap namin ay hindi talaga sya nagpatalo.

siguro ay sadya talagang napaka sama ng pakiramdam nya kaya mabilis syang nakatulog matapos nyang uminom ng gamot.

Inayos ko ang kumot nya tsaka ako naupo sa tabi ng higaan nya,  nagtipa ako ng mensahe para kay Inay.

~INAY,  NILALAGNAT PO SI SUHO BAKA PO GABIHIN AKO SA PAG UWI. ~

Message sent!

Pinagmasdan ko ang taimtim na pagtulog ni suho, totoo ang lahat ng bulungan sa Eskwelahan sadyang napaka gwapo ng nilalang na ito, kahit pa napaka bully ay marami paring nagkakanda rapa sa kanya pero kataka-takang malaki ang ipinagbago nya nitong pag pasok namin sa kolehiyo.

BEING HE'S PERSONAL MAIDWhere stories live. Discover now