KABANATA 5

4 0 0
                                    


"ano't nakahubad ang batang iyan? " bungad ni Inay nang makarating sya sa Kubo palibhasa'y mabagal akong maglakad kaya't huli na nang makita ko ang magandang katawan ni Suho, mukhang namalagi ito sa gym dahilan para maabot nya ang magandang hubog ng mga Muscle sa braso, dibdib o kahit pa sa tyan nito.

"Nainitan daw sya kaya nag alis ng Damit." pangangatwiran ni Itay. "Icon anak, tumungo ka sa manggahan at manungkit ka ng bungang Hinog don. " nawala lamang ang paningin ko kay suho dahil sa utos ng Itay.

ibinaba ko muna ang Basket na dala ko. "sapat na po ba ang walong piraso tay? " tanong ko.

"Samahan na kita." pakiramdam ko ay mula nang dumating si Suho ay hindi na nawala ang pagkakangiti nito, hindi ako kumibo.

Itinali sandali ni suho ang aso nya sa gilid ng Kubo tsaka sumunod sa'kin.

"baka umitim ang balat mo. " kahit paano ay nag aalala din ako.

"May Body cream akong inapply sunblock yon para hindi ako masunog. " tugon nya habang sinusundan ako.

"Bakit ka ba pumarito? Baka magalit si Mam shiena kapag nalaman nyang nandito ka."

"Alam nyang nandito ko. " napahinto ako sa paghakbang kaya nagkasabay kami. " ito sana ang unnag araw ng trabaho mo pero mas pinili kung pag pahingahin ka dahil sa dami ng Activities ng School. "

"B-bakit ka ba lapit ng lapit? Dati naman ay hindi mo ako kinakausap." sa wakas ay nasabi ko, parati akong walang pagkakataon na kausapin sya dahil sa mga nakapaligid sa kanya.

Pumunta sya sa harapan ko. "ikaw lang yon, ikaw lang ang hindi kumakausap sa'kin. " hindi ko alam kung tama ang nakikita ko, pero tila may pait ang bawat linyang binitawan nya. "sa twing kakausapin kita ay nagba-baba ka ng tingin, nung nasa Manila tayo, twing tutulungan kita ay mabilis kang lumalayo ang sabi ng mga kaklase natin ay nakakatakot ako kaya naman nagdesisyon akong tigilan ang kakasunod sayo."

Pero....bakit nya'ko sinusunsundan?

"Kinausap ako ni Jade." pilit kong inilayo ang paningin ko. " ibinilin nya na lumayo ako sa'yo kaya kung pwede? Kapag nasa School tayo ay hwag mo na'kong kausapin."

"Hindi nila hawak ang buhay ko kaya lalapit ako sa Gusto kong lapitan. "walang interes na aniya tsaka nya kinuha ang kamay ko.

"Pero ako ang ginagantihan nila.." saad ko tsaka pilit na binawi ang kamay ko pero hindi ko iyon nagawa ng humakbang palapit sa'kin si suho.

"Hwag kang mag alala, sa lunes ay ibibilin kong dumistansya sya sa'kin at tigilan ka nya.. Okay na ba? " ang huling sinabi nya ay nagdulot sa'kin ng kakaibang pakiramdam lalo pa't ibinulong nya iyon sa mismong tainga ko. "Kaya't tayo na para kumuha ng Mangga, hindi din alam ni Tito na Anak ako ng Mam Shiena mo."

nakangising aniya, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa'kin nang makita ko ang ngisi nyang iyon. basta kusang humakbang ang paa ko para sumabay sa pag akay nya.

"Magkaibigan si Mommy at ang mommy ni Jade kaya kami naging magkaibigan."

"Bakit mo ito sa'kin sinasabi? " tanong ko.

"Wala lang... Baka isipin mong gusto ko si Jade eh. " natatawang aniya kahit wala naman akong pakialam.

"Bilisan mo na ang pagkuha ng Mangga baka mapagalitan tayo ni Itay." nakangiwing saad ko.

"Sinabi ko kay Tito na magkaklase tayo, sabi nya ay bantayan daw kita, lalo na kay Dexter. "

Sa ikawalong mangga na pupulutin ko ay napalingon ako dahil sa sinabing iyon ni suho

"Gusto mo si Dexter? " maya-maya'y saad nya.

"Baliw kana! "

"Hahahahahahah "umugong ang malakas na pagtawa nya.
"ang Cute mo kapag naiinis ka. " dugtong pa nya habang hindi nawawala ang pagtawa nya."Mas gwapo ako don kaya wag mong Gustuhin yon. "

BEING HE'S PERSONAL MAIDWhere stories live. Discover now