KABANATA 9

3 0 0
                                    

MARICON

Ito na yata ang ikatlong araw na iniiwasan ko si Suho,
" Maricon! " boses nya iyon pero lumingon ako kay Alaiza.

"Sabay na'ko pauwi sa'yo Alaiza,  may sundo kaba? " nakangiting saad ko tsaka ako tumayo.

"naku may lakad ako eh, syempre friday ngayon baka gusto mong sumama? "

"A-ano.. "hala anong sasabihin ko?

"Maricon... "tawag na naman sakin ni Suho.

"Ano.. S-sige...sasama na'ko. " saad ko tsaka ko hinatak si Alaiza palabas ng room.

"Sure ka? Overnight yon? Baka pagalitan ka ng parents mo? " nag aalalang saad ni Alaiza nang makalabas kami ng gate.

"Okay na,  naipagpaalam ko na sya. "sabay kaming napalingon.

"SUHO! "sabay pa kami ng pagbigkas ni Alaiza.

"Anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ko.

"Kasama kami? Bakit bawal ba? " tulad ng dating tono ni Jade ay nakakasuya parin ito.

"Bawal ng umatras,  naipaalam na kita tsaka gusto din Kitang makausap ng sarilinan. " kinindatan nya pa'ko bago sya sumakay sa kotse na nasa tapat namin.

"Tayo na. " ani Alaiza habang nakakapit padin sa braso ko,  naupo kami sa likod ng kotse dahil si Dexter ang driver at katabi nya si Jade at Zoe wala akong pamimilian kundi ang tumabi kasama si Suho.

Lalo yata akong minalas, baka pagalitan ako ng inay at itay kung malalaman nilang magdamag lamang akong naglibang kasama ang mga kaklase ko.

Nakakapanibago ang pananahimik ng lalaking katabi ko nakakrus lang ang braso nya habang ptentemg nakaupo at nakapikit ang mata,  nahuhuli ko ang madalas na paglingon ni Zoe sa Salaman na nasa harapan ng kotse para matanaw nya si Suho.

Huminto kami sa isang malaking bahay,  tulad ito ng Condo ni Suho pero natitiyak kong mas malaki iyon,  naku ang sama ko!  Bakit ko ba pinaghahambing!

"wala ang parents ko ngayon, sayang at hindi ko kayo maipakikilala. " nakangiting ani Dexter ngunit nasa'kin ang pares ng mata nya.

"Bakit? Kailangan pa ba yon? " sarkastikong ani Suho.

Tulad dati ay naka ukyabit na naman si Jade sa braso ni Suho.

"Oh ano? Tutunganga lang ba tayo dito?" ani Zoe.

"Maricon,  tulungan mo'kong mag buhat." tawag sa'kin ni Alaiza mula sa likod ng kotse.

Binuksan namin iyon at bumungad ang isang kahon ng Alak.
"Hala,  iinom kayo? " tanong ko.

"Anong kayo? Tayo! " pagtatama ni Zoe, tsaka nya kinuha ang isang Echo bag na may lamang karne.

Pero hindi naman ako umiinom.....

Nagkanya-kanya sila ng buhat at tanging alak na lamang ang natira para sa'kin, Bubuhatin ko na sana ang box pero nagulat ako nang may maunang kamay na kumuha noon mula sa likod ko, hindi tuloy ako nakagalaw bahagya pang sumilip ang mukha nya sa gilid ng mukha ko kaya parang nanigas ako sa gulat. "Mabigat yan bakit di mo'ko tinawag. " tanonh ni Suho na nakabalik na pala dito,  ganun na lamang kalakas ang loob nya dahil alam nyang kami na lang ang nandito.

Iniangat nya ang box pataas, natanaw ko tuloy ang braso nya na napwersa at naglabasan ang ugat niyon.  Ganun yon kabigat!

Kinuha ko ang phone ko at nagtipa ng mensahe, 

~NAY,  PASENSYA NA PO HINDI NA PO ITO MAUULIT. ~

Message Sent!

*BRIZZZZK!  BRIZZZZK!

BEING HE'S PERSONAL MAIDWhere stories live. Discover now