KABANATA 16

4 0 0
                                    

Ano bang pinag sasa-sabi nya?  Humakbang ako paatras para gumawa ng distansya sa kanya tsaka napangiwi "nang p'prank po kayo sir? " alam kong nakakatawa ang tanong ko pero kanina kasi ay tila hangin nya lamang ako kung ituring  ngunit bakit bigla nya na lamang ako kinausap ngayon?

"hmmm? " nagtatanong na Aniya, Yumuko sya para ilapit ang mukha nya sa mukha ko tsaka naniningkit ang matang pinakatitigan ako. " Lasing kana? Tsk ! Tsk!  nawala lang ako ay natuto ka nang maglasing . " nag papacute na aniya pa habang nakatulis ang nguso nya,  hindi ako makaimik, hindi ako makapaniwala na nandito sya sa harap ko at umaakto ng ganito samantala kanina'y talagang dinededma nya ako. "Tara. " anyaya pa nya tsaka nya hinila ang kamay ko palabas, naroon ang Buggati nyang sasakyan at naka abang sa'min pinag buksan nya pa nga ako bago sya sumakay.

Alam kong nilingon nya'ko pero hindi ko parin alam ang gagawin o sasabihin ko,  "Hey- -" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya at mabilis akong sumubsob sa dibdib nya habang yakap-yakap ko sya ng mahigpit ganun na lang ako kabilis na humagulhol. Hindi ako lasing alam ko. Bahagya pa syang nagulat dahilan para itaas nya ang kamay nya kalauna'y tinapik tapik din nya ang likod ko habang tumatawa.

" Sshhh... " pag aalo nya sa'kin.

"Ansama mo! Ansama sama mo! " nasabi ko habang umiiyak ." paano mong nagawa sakin ang mga bagay na'yon! Iniwan mo ko ng mahabang panahon at hinayaan mo akong mag isa! "

"Tahan na baka hikain ka pa, mula nang lumabas ka ng Kumpanya ay Sinundan na kita. " natatawang aniya pa.

"Suho !" naiinis na sigaw ko habang umiiyak.  " bakit ka ganya- - -" siguro ay narindi na sya sa pag iyak ko kaya iniangat nya ang mukha ko para halikan ng mariin upang patahimikin, gumanti ako sa halik na ginawa nya ipinaramdam ko kung gaano ko sya kamiss, iniisip ko na kahit ngayon lang ay akin sya walang Kelly at walang kasal na naganap, tumulo ang luha ko dahil sa paglalakbay ng isip ko,  Ako pa ang humabol sa labi nya nang humiwalay sya.

"Wag ka nang Umiyak." aniya tsaka nya pinahid ang luha ko,  kinuha nya ang kamay ko at Inilock ang kamay nya roon.

nag drive sya nf kotse  kahit isang segundo ay hindi ko iwinala sa kanya ang paningin ko. "hindi nako aalis kaya hindi na kailangan na titigan mo ako ng ganyan." tatawa-tawang aniya.

"Pero mamaya ay uuwi kana sa Asawa mo. " saad ko na ikinalingon nya tsaka umugong ang malakas nyang tawa sa kabuuan ng Kotse

. "Oo nga pala. " sarkastikong aniya, na ikinahaba ng nguso ko napangisi ako nang abutin nya iyon at dampian ng halik.

Natanaw ko ang Sing-sing sa ikalawang bahagi ng daliri nya, nakaramdam ako ng inggit. "P-pwede ba? A-ano alisin mo y-yan? " pa tungkol ko doon sa sing -sing. Tumaas ang kilay nya nang lingunin ako, binagalan nya ang takbo ng sasakyan tsaka nya hinubad iyon at kinuha ang kamay ko para isuot ang Sing-sing.

"ano to? " akma kong huhubadin ang sing-sing.

"Seal yan na wala nang pwedeng maghatid at sundo sa'yo o kahit magpadala ng Flowers."

"eh? "paano nya naman nalaman ang mga bagay na yon? Tsaka diba wedding ring nila ni Kelly to?

Pero sa halip na magtanong ay isinantabi ko na lamang iyon, Hanggang sa paghinto ng kotse ay hindi nya binitiwan ang kamay ko,  muli tuloy bumalik ang mga ala-ala ko sa Unit nya.

Iginiya nya ako papasok, nilock nya ang pinto matapos ay mabilis nya akong niyakap ng mahigpit.  " Hindi mo alam kung gaano kita namiss araw-araw ay tinatanaw ko ang picture mo, pero ngayon ay ikaw na mismo . " matapos nyang sabihin iyon ay isinandal nya ako sa likod ng pinto at hinalikan,  kumpara kanina ay naging mapusok ang mga halik nya pero lahat ng iyon ay ginantihan ko.

BEING HE'S PERSONAL MAIDWhere stories live. Discover now