KABANATA 10

6 0 0
                                    

MARICON POV

Dahil sa nangyari kagabe ay halos hapon na ng magising ako, " napapadalas naman yata ang ganyang gawain Kesya. " Anang Itay nang lumabas ako sa Kwarto.  " hindi ba naiistorbo ang kaklase mong si Suho sa madalas mong ginagawa anak? " pagpapatuloy pa ng itay, si Suho na naman kasi ang naghatid sa'kin kaninang umaga.

"Ayus lang naman po iyon.. " nanlalaki ang mata kong lumingon mula sa bukana ng pinto kung saan ko narinig ang boses ni Suho. " sa Katunayan po ay magpapaalam po sana ko tito. " lalong nanglaki ang mata ko, PARA SAAN?

"na ano ijo? " ani Itay na hinihintay ang susunod nyang sasabihin, nagmadali ako na lapitan si Suho para ipagtabuyan ito palayo. " Kesya! Ano kaba naman! Nag uusap pa kami! " rinig kong nang gagaliiting ani Itay.

"Maricon,  ano bang ginagawa mo? Hwag mo kong itulak!" ani Suho.

"Bakit ka kasi nandito!" sa wakas ay nasagot ko ang tanong nya nang narating namin ng Tarangkahan. "tsaka akong ipapaalam mo! Baka mapatay ako ng itay kapag nalaman nyang......" hindi ko maituloy.

"Ipag papaalam kita na bumisita tayo sa Taniman namin. " nakangiting Aniya patungkol sa maling pagkakaintindi ko. "Mag haharvest kasi ng Strawberry inisip ko na baka guato Mong pumasyal. " nagkibit balikat pa sya.

Kung kumakain lamang ng tao ang Lupa ay hinihiling ko kainin na lamang ako nito dahil sa inakto ko sa harap ni Suho at ng Itay.

"Oh? Anong ginagawa nyo riyan? " ani inay na kararating lamang,  lumapit ako para mag mano pero hindi ko inasahan na gagawin din iyon ni Suho tsaka nya kinuha ang mga bitbit ni Inay. " sana ay kanina mo pa sya pinapasok anak. " pangangaral ni  Inay kahit hindi nya naman alam ang tunay  na kwento.

"Tito,  Tita... Ipag papaalam ko po sana si Maricon sa inyo? " ani Suho.

"Ijo, baka naman masanay ang anak ko kakapatipas-tipas kung saan inaalala ko na baka makasanayan nya ang pag uugaling ganyan na hindi ka kasama. " anang Itay.

Ang ngiti ni Suho ay tila aabot na, sa batok nya dahil alam nya ang gustong tukuyin ng Itay, nakuha nya ang tiwala ni Itay ng walang kahirap-hirap.

"Ipinapangako ko po na hindi ko hahayaan ang anak nyo tito. " simserong aniya ngunit hindi maikubli ang ngiti. "Isasama ko po sa Hacienda Villegas si Maricon,  tulad po ng bukiran nyo ay malawak din po ang taniman namin don. " pagmamalaki na ani Suho. "May hinanda ai Mommy na tanghalian kaya po sana ay payagan nyo kami. " magalang na saad ni Suho.

"Sya,  pumaroon na kayo at nakakahiya naman sa mommy mo. " ang inay ang unang pumayag.

"Maligo ka muna Kesya, baka isipin ng mga tao roon ay pinababayaan ka na." anang Itay.  Nahiya tuloy ako kaya't kagat labi akong naglakad para pumunta ng Banyo.

~

Ano pa nga bang aasahan mo? Ang isang villegas ay may isang salita tulad ng sinabi nya sa Itay.

Wala akong ibang matanaw kundi puno ng Strawberry, nakakatuwa ang kulay nito at nakakaakit sa mata tila ba nais kong tumalon at ipaligo ang mga bunga nito sa sobrang dami.

"Napaka gandang binibini Senyor. " bati ng isang lalakeng mangbubukid kay Suho.  "Bagay na bagay kayong dalawa." nakangiting anito. 

Ako na lamang ang nahiya kaya nagbaba ako ng tingin.

"MARKON KEZAYA ang pangalan nya tandaan nyo po. " nakangiting ani Suho."Let's go. " aniya tsaka hinatak ang kamay ko.

"Saan naman ang punta natin? " tanong ko.

"Just come with me. " aniya pa, sinundan ko lang ang bawat hakbang nya hanggang sa marating namin ang isang malawak na Ilog na may puno sa gitna at may mga dahon na kulay pink na halos nagkakalaglag na sa tubig. " PUSO NG ILOG, " napatingin ako kay Suho. " yon ang tawag nila sa lugar na ito,  nakikita mo yon? " itinuro nya iyong puno. "Ako yon at ikaw naman akong tubig, mananatiling hitik at masaya ang puno hanggat hindi nawawala ang tubig." nakangiting aniya. Bagaman himlndi ko makuha ang nais nyang pakahulugan ay nanatili na lamang akong tahimik.

BEING HE'S PERSONAL MAIDМесто, где живут истории. Откройте их для себя